Coco Martin issues P230,000 check for Kristofer King funeral

IMAGE Jerry Olea / Arniel Serato

Kristofer King's common-law wife on Coco Martin: "Siya na talaga ang nagsabi sa akin nang mag-usap kami sa harap ng kabaong ni Boknoy, 'Ako na ang sagot sa lahat-lahat.'"


Natanggap na ni Joan “Nikki” Alegre ang tsekeng P230,000 mula kay Coco Martin kahapon, Pebrero 26, Martes.

Inaasahang mababayaran na ni Nikki ang P80,000 hospital bill sa Adventist Medical Center Manila ngayong Miyerkules, Pebrero 27, at makukuha na niya ang death certificate ng partner na si Kristofer King—Christopher S. Reyes sa totoong buhay.

Pumanaw si Kristofer sa edad na 36 noong Sabado, Pebrero 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Jerry Olea

Pero may problema pa rin pala sa libing na nakatakda sa Marso 3, Linggo ng umaga, sa Manila Memorial Park, Sucat Road, Parañaque City.

Dahil dito, baka i-cremate ang mga labi ng indie actor.

“May problema po sa lupa at saka sa papel. Hindi pa po kasi kami kasal,” malungkot na pahayag ni Nikki nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Martes ng gabi sa Rizal Funeral Homes, Cementina Street, Pasay City.

Dagdag niya, “Naghahanap ho ng marriage contract.”

1999 nagsimulang magsama sina Nikki at Kristofer.

Lima ang kanilang mga anak—dalawang lalaki at tatlong babae.

Ang dalawang lalaking anak nina Nikki at Kristofer ay parehong may Hunter Syndrome.

Ang Hunter Syndrome, ayon sa www.mayoclinic.org, ay isang pambihirang genetic disorder na maaaring maging sanhi ng "progressive damage" sa pisikal na hitsura, mental development, organ function, at physical abilities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Jerry Olea

Mayroon bang ibang babaeng naghahabol kay Kristofer?

“Wala naman po,” tila nanghihinang pahayag ni Nikki, na halatang kulang sa tulog.

“Sa lupa po yung problema. Kasi po, yung lupa yata, e... kasi may nakalibing na talaga doon.

“Kasi binabayaran yung lupa na yun. Nagkakaproblema sa papel. Yung papel ng lupa yata...

“Kaya ang isang option namin, ike-cremate na lang.

“Pero inaayos pa rin naman ngayon. Pag hindi naayos ang usapan dun, ike-cremate na lang siya.”

COCO MARTIN

May mga kumukuwestiyon kung bakit kailangang iasa kay Coco ang gastos sa burol at libing ni Kristofer.

Nilinaw ni Nikki na hindi niya nakausap si Coco bago ito bumisita sa lamay noong Lunes ng gabi.

Wala siyang contact number ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Jerry Olea

Napangiti si Nikki, “Siya na talaga ang nagsabi sa akin nang mag-usap kami sa harap ng kabaong ni Boknoy, ‘Ako na ang sagot sa lahat-lahat.’”

"Boknoy" ang palayaw ni Kristoffer.

Nagkasama sina Coco at Kristofer sa launching movie ni Coco na Masahista (2005), sa direksiyon ni Brillante Mendoza, ganoon din sa dalawa pang pelikula ni Direk Brillante na Tirador (2007) at Serbis (2008).

Kasama rin si Kristofer sa mga pelikulang Noy (2010) at Beauty and the Bestie (2015) na bida rin si Coco.

Isinama rin ni Coco si Kristofer sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Lahad pa ni Nikki, “Sabi nga po ni Ate Beb, hindi nila alam, mahal na mahal ni Coco si Boknoy. Kasi, kaibigan niya ‘yan.”

Nakadagdag sa lungkot ni Nikki ang masasakit na komento ng ibang tao sa kanya, pero mas pinahahalagahan na lang niya yung mga dumadamay at tumutulong.

Yung inutang niyang mga bulaklak sa lamay ay natawaran niya ng P500, kaya P6,500 na lang sa halip na P7,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapagpagawa na siya ng maliit na tarpaulin para ilagay sa labas ng chapel sa Rizal Funeral Homes.

Meron nang isang nagbigay ng Mass card.

 IMAGE Jerry Olea

Kuwento pa ni Nikki, “Bandang 9 P.M. kanina, may isang lalaking dumating. Tuluy-tuloy sa harap ng kabaong ni Boknoy.

“May kausap ako noon na isang direktor. Tinitingnan ko siya, akala ko kung sino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tagahanga raw siya ni Boknoy, at gusto niyang mag-abuloy. Nagbigay siya ng P20.

“Touched na touched ako. Wow! Na-inspire ako.

"Parang... naawa ako sa kanya. Twenty na lang siguro ang pera niya, 'tapos ibibigay pa niya?!”


Stories We Are Tracking

Indie actor Kristofer King passes away
Indie actor Kristofer King passes away
Coco Martin mourns death of indie actor Kristofer King
Coco Martin mourns death of indie actor Kristofer King
Kristofer King burial still uncertain due to money problems
Kristofer King burial still uncertain due to money problems
Coco Martin visits Kristofer King's wake
Coco Martin visits Kristofer King's wake


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN