Aiko Melendez criticized for including Gretchen Barretto on her Most Beautiful list

IMAGE Instagram (from Aiko Melendez and Juan Sarte)

Aiko Melendez responds to netizens who called her out for including Gretchen Barretto on her list of Most Beautiful Faces.


Umalma ang ilang netizens sa Most Beautiful Faces list na ginawa ni Aiko Melendez, 43.

Nag-react ang iba dahil kasama sa kanyang listahan si Gretchen Barretto.

Nitong February 25, Lunes, nag-post si Aiko sa Instagram ng listahan niya ng sampung artistang babae na maganda para sa kanya.

Kabilang sa Most Beautiful Faces para kay Aiko ay ang mga sumusunod: Dawn Zulueta, Marian Rivera, Mariel Padilla, Dina Bonnevie, Kathryn Bernardo, Julia Barretto, Gretchen Barretto, Liza Soberano, Bea Alonzo, at Maja Salvador.

Caption ng dramatic actress: “Making my own list of the most Beautiful faces we have in our industry [heart emoji] With or without make up [heart emoji] Some actresses are even more beautiful, because of their good soul. Some i haven’t worked but i really do find them beautiful…”

AIKO RESPONDS TO NETIZENS

Sa comments section, sinagot ni Aiko ang ilang netizens na kumontra sa pagsali niya kay Gretchen.

Hinalungkat ng iba ang nakaraan ni Gretchen, na tinawag pa ng mga nakaka-insultong salita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang netizen ang nagkomentong hindi “good soul” si Gretchen.

Hindi pa raw nito nakakabati ni Dawn dahil sa nangyaring away nila noong 2006.

Depensa naman ni Aiko, “read again my caption. You must be missing the point.. [laughing emoji]

"and this is my page I can say whatever i wish to say. Make your own list too.

"And i also said in my post that some I haven’t worked with, and some I just find them beautiful so bago ka mag react basa basa dn.

"Baka ikaw ang bored. [monkey emoji]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isa pang netizen na inalipusta ang hitsura at pagkatao ni Gretchen.

Isa namang netizen ang nagtanggol kay Gretchen at sinabing hindi madali ang mga pinagdaanan nito noong bata siya.

Sabi pa ng tagapagtanggol, alamin muna ang buhay ni Gretchen bago ito husgahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag naman ni Aiko, iba-iba ang criteria niya sa paggawa ng listahan ng pinakamagagandang mukha. Ang iba ay base lang sa kanilang hitsura.

“exactly some ang sinabi ko coz di ko naman [alam] ugali ng iba and i just find them beautiful,” ani Aiko.

Komento pa ni Aiko, “I wonder why suddenly have fake accounts commenting on my page. i can post anything here. Merely because this is my page. Why not make your own list.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CELEBRITIES FLATTERED

Samantala, nagpasalamat ang ilang artistang kasama sa listahan ni Aiko, kagaya nina Marian, Dawn, at Mariel.

Sabi ni Aiko kay Marian: “always a fan of your beauty, and your beautiful soul.”

Nagpasalamat din si Dawn sa pagkakasali niya sa listahan ni Aiko.

Sagot naman ni Aiko, “ikaw ang total package ate. Maganda, mabait at matalino ung iba kasi di ko pa masyado kilala but I just find them beautiful [kiss emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang hindi naman makapaniwala si Mariel, pero flattered daw siya.

Paniniyak ni Aiko kay Mariel, “diba alala mo sa radio guesting ko sinabi ko na dati yan baka akala mo showbiz kita pero totoo gandang ganda ako syo”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN