John Lloyd Cruz, Ellen Adarna continue to enjoy simple life with their son

IMAGE Courtesy: @showbitz_30 on Instagram

A netizen recently posted on Instagram two photos of John Lloyd Cruz and Ellen Adarna with their son Elias Modesto. The caption reads: "Simpleng buhay nina Lloydie at Ellen."


Patuloy na ini-enjoy ni John Lloyd Cruz at ng partner nitong si Ellen Adarna ang simpleng pamumuhay kapiling ang kanilang anak na si Elias Modesto.

Ito ay base sa mga larawan ng on-indefinite-leave couple na ibinibahagi ng netizens sa social media.

Noong nakaraang February 25, may isang netizen ang nag-upload ng larawan nina John Lloyd at Ellen sa Instagram.

Nakalagay sa caption: “Simpleng buhay nina Lloydie at Ellen.”

View this post on Instagram

Simpleng buhay nina Lloydie at Ellen

A post shared by @ showbitz_30 on

Sa isa pang larawan, makikita namang may hawak na bata si John Lloyd ngunit tinakpan ang mukha nito ng uploader.

View this post on Instagram

A post shared by @showbitz_30 on

Hindi malinaw kung kailan at saan kuha ang mga larawang ito.

Nauna rito, noong January 2019, kasama si John Lloyd ng pamilya ni Ellen na nagdiwang ng Bagong Taon sa Japan.

KUMUSTA NA SI JOHN LLOYD?

Dahil matagal nang hindi nakikita ng publiko si John Lloyd sa pelikula at telebisyon, marami ang curious malaman kung kumusta na ang aktor.

Sa pamamagitan ng kanyang "Mama Ogs Says" sa Facebook kahapon, February 26, sinagot ni Ogie Diaz ang katanungang ito ng maraming netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ang alam ko, happy si JLC sa kanyang private life.

“Masaya siya sa kanyang buhay ordinaryo at sa kanyang mag-ina.

“Alam n'yo bang sa kagustuhang maging simple ni JLC, ang ginagamit niyang sasakyan ay Avanza?

“Bukod pa ito sa nababalitaan nating sumasakay din siya ng dyip, ha? Katuwa, di ba?”

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang sighting kay John Lloyd habang nakasay ng jeep na UP Ikot, sa may Quezon City, noong October 2018.

Si Ogie ay naging co-star nina John Lloyd at Ellen sa ABS-CBN family sitcom na Home Sweetie Home.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN