Matteo Guidicelli dedicates first skydive to Sarah Geronimo

IMAGE Courtesy: @mateoguidicelli on Instagram

Matteo Guidicelli thinks only of Sarah Geronimo as he makes his first skydive, declaring before he jumps, "I love you, I love you, I love you!"


Matagumpay ang unang skydiving attempt ni Matteo Guidicelli noong February 25.

Sa Facebook video na ibinahagi ni Snooky Cruz, skydiving instructor ng WCC Aviation Company, Binalonan, Pangasinan campus, makikitang kabado ang singer-actor bago ang kanyang pagtalon.

Bago pa tumalon si Matteo (bandang 4:48 sa video), sinabi niya ang ganitong mga salita: “I love you, Love, I love you, Sarah.

“I Love you mama, papa, Georgia…”

Kasunod nito ang matagumpay na pag-landing ni Matteo sa airfield.

Sabi niya matapos ang ligtas na pag-landing: “Muntik akong umihi sa pantalon, p--- i---. Thank you, Lord!”

May halos anim na taon na ang relasyon ni Matteo sa Pop Princess na umamin sa kanilang relasyon noong taong 2014.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN