Newbie singer Josh Adornado speaks up after being removed from Studio 7

IMAGE Noel Orsal

Josh Adornado on losing career opportunities in GMA-7: "If you know me, then you know that to me this kind of loss is devastating. My job has been my life. It was my absolute EVERYTHING."


Ilang linggo nang usap-usapan sa social media ang pagkawala ng isang rising male singer sa Sunday musical show ng Kapuso network na Studio 7.

Ang tinutukoy ng netizens ay ang finalist ng The Clash na si Josh Adornado.

Isa si Josh sa sinasabing malaki ang potensiyal na sumikat sa hanay ng The Clash finalists.

Bukod sa magandang boses ay artistahin din ang hitsura ng baguhang singer.

Ngunit mukhang madidiskaril kaagad ang kanyang papausbong na karera dahil sa isang mahalagang impormasyon na hindi niya naipagtapat sa GMA management.

Isa kasi sa requirement sa mga sumasali sa The Clash, ang singing search ng GMA-7, ay wala silang dapat manager.

Noong October 2018, kabilang si Josh sa The Clash alumni na pumirma ng exclusive contract sa GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network.

Ngunit base sa mga lumalabas na ulat, mayroon na palang manager si Josh bago pa man siya sa sumali sa The Clash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ang dahilan kaya nagdesisyon ang GMA management na tanggalin ang baguhang singer sa Studio 7.

Hindi na rin makakasama si Josh bilang guest sa series of concerts nina Christian Bautista at Julie Anne San Jose.

DEVASTATING LOSS

Sa kanyang Facebook post noong Martes, February 26, sinagot ni Josh ang mga katanungan tungkol sa pagkawala niya sa Studio 7.

Inamin ng baguhang singer na nagkamali siya.

Ang "inexperience" niya sa pinasok na karera ang ibinigay na dahilan ni Josh kung bakit nangyari ito.

Saad niya: “Hi guys. The past weeks have been very rough for me.

“I know many of you have wondered and asked why I haven’t been posting or replying to your messages.

“And now some of you are asking why I’m not in Studio 7.

“The short answer is I’ve lost everything I had with GMA because of a mistake I made due to my inexperience.

“It really is a long story, and my inexperience is only one part of it but I don’t know really know how to explain it so this is all I’ll say about this."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Josh na "devastating" para sa kanya ang kinahantungan ng singing career niya Kapuso network.

“If you know me, then you know that to me this kind of loss is devastating.

“My job has been my life.

“It was my absolute EVERYTHING.

“I’ve left Manila for a while just to try to recover and spend time with family.

“It’s not something I can easily get over, to be honest.”

MOVING ON

Sa huli, sinabi ni Josh na wala na siyang magagawa kundi ang dahan-dahang pagmu-move on.

Aniya, “But of course there’s nothing else to do but to move on.

"And that's what I'm trying to do, one day at a time.

"I hope to, somehow, still pursue what I love to do.

"I’m grateful to everyone who have sent me messages of support.

"It means a lot to me.

"To my beautiful and wonderful ADORABLES, I love you all so much. Thank you for all your guys’ love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will make you all proud soon.

"And I hope that you will continue to accompany me on my journey.

"God has a plan and I'm always on to his plans.

"P.S: to my friends that turned into family in GMA, thank you for everything .

"I love you all so much and my heart will forever be grateful."


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN