Comedian Jobert Austria on past drug use: "Mauubos ang pera mo, masisira ang pagkatao mo"

IMAGE Noel Orsal

Jobert Austria on leaving illegal drug use behind: "Mayroon akong goal na ayusin ang buhay ko, magkaroon ng magandang buhay ang asawa ko saka ako."


Ngayong mas lantad ang problema ng droga sa bansa, may payong ibinigay ang komedyanteng si Jobert Austria para sa mga taong nalululong sa pinagbabawal na gamot.

Minsan na ring nasira ang buhay ni Jobert dahil sa droga, at noong 2014 ay muntik pa siyang tumalon sa ika-anim na palapag ng isang motel. 

Ayon sa Kapamilya comedian, walang magandang ibubunga ang paggamit ng droga sa sinumang malululong dito.

Ani Jobert, "Alam ninyo bilang tao na matagal na ring nag-drugs, wala naman kayong mapupulot diyan, e.

"Lolokohin ka lang sa tama niyan, e. Okey ka, hanggang magtagal na ikaw na ang kinokontrol nun.

"Mauubos ang pera mo, masisira ang pagkatao mo, mawawala ang lahat sa iyo pati mahal mo sa buhay."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jobert noong February 24, sa blogcon ng talents ni talent manager-comedian Ogie Diaz sa Coffee Project sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DRUGS AND DEPRESSION

Tinanong namin ang komedyante kung paano niya tuluyang naiwasan ang droga, lalo't marami ang nagbabago sa una pero kalaunan ay bumabalik din sa paggamit.

Aniya, "May goal kasi ako. Mayroon akong goal na ayusin ang buhay ko, magkaroon ng magandang buhay ang asawa ko saka ako, at ang future namin maging stable kami pagdating ng oras.

"Halos wala na yun, di na yan sumagi sa isip ko, pinagdaanan ko na. Natutunan ko na yung mga lessons ko."

May payo rin si Jobert sa mga tao na nasa matinding depresyon sa ngayon at naiisip na rin na tapusin ang buhay nila.

"Yung mga nade-depress, feeling ko kailangan nila ng professional help.

"Hangga't maaari kasi, ang tao kasi may coping mechanism naman ang tao, di ba? Siguro humanap ka ng mga kasama na magpapagaan ng loob mo. Wag yung nagbibigay ng stress sa iyo.

"May mga kaibigan na sasamahan ka lang niyan pag okey ka, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Jobert, mas maganda kung sumama sa mga tao na mayroon kang natututunan.

Labis ang pasasalamat ng Kapamilya comedian sa ilang malalaking tao sa showbiz na nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang muling makapagsimula at makabawi.

Kuwento niya, "Di ko alam na makakabalik pa ako, na magiging ganito pa rin ang career ko."

Nagpasalamat si Jobert sa lahat ng mga taong nagtiwala sa kanya, kabilang na ang ABS-CBN, kay Direk Bobot Mortiz, sa manager niyang si Ogie Diaz, kay Coco Martin, at maging kay John Lloyd Cruz.

Paliwanag niya, "Yung mga artista na mabibigat na di nandiri sa akin, mga tao na naniniwala na lahat ng tao puwedeng magkamali at makabawi, mga tao na masarap kaibiganin sa showbiz.

"Di lahat ng tao sa showbiz plastic, ang dami ding totoo, depende lang sa iyo.

"Yung mga nagsasabi na maraming plastic, plastic din. Totoo ka rin dapat. Makikita din naman nila, pag ako sa set, trabaho. Di rin ako sipsip kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FRIENDS WITH JOHN LLOYD AND ANGELICA

Nang kumustahin namin ang pagkakaibigan nila ni John Lloyd, nabanggit ni Jobert na kinuha pala siyang ninong nito sa anak niya kay Ellen Adarna.

"Ninong ako. Basta sabi niya, 'O, Jobert.'"

Malapit na kaibigan din ni Jobert si Angelica Panganiban, at isa siya sa nagpapatawa rito kapag may mabigat na pinagdadaanan sa buhay ang aktres.

Ayon kay Jobert, payo lang ang kaya niyang ibigay kay Angelica pero sa huli ay ito pa rin ang gumagawa ng sarili nitong desisyon.

Itatanong daw nito kay Angelica, "'Masaya ka ba diyan? Kung anuman ang pipiliin mo sa buhay mo, choice mo rin kasi yan, e.

"'Ikaw pa rin ang magde-decide, hanggang suggestions lang naman kami. Hanggang payo lang kami pero yung mabubuhay ng buhay mo, ikaw pa rin.'" 

Dagdag ni Jobert, "Sinabi ko sa kanya kung masaya ka, gawin mo. Di naman nakikinig yun, e. U-oo lang yun, makikinig sa iyo pero makikita mo kung ano ang gusto niya, yun pa rin ang ipipilit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matigas ang ulo nun, e."

CARGEL

Sa kabila ng pag-amin kamakailan ni Carlo Aquino na hindi sila nagkabalikan ni Angelica at magkaibigan lang sila, marami pa rin sa CarGel fans ang umaasa na sa huli ay ang dalawa pa rin ang magkatuluyan.

Aminado si Jobert na boto siya kay Carlo para sa kaibigan, pero ang desisyong ito ay manggagaling pa rin daw sa dalawa.

Ani Jobert, "Okey naman si Carlo, e. Boto ba ako kung magiging sila? Oo naman, mabait na tao yun.

"Pero ang tanong kung ready pa ba si Angge sa kanya, kung okey ba sila, kung okey ba si Angge sa kanya, kung nagkakaintindihan ba sila?

"Feeling ko sa edad niya ngayon dapat maging masaya na siya."

LEADING MAN ROLE

Samantala, gumaganap ngayon si Jobert bilang leading man ni Karla Estrada sa pelikulang Familia Blondina. Hindi ito makapaniwala na siya ang  kapareha ng aktres sa pinagbibidahan nitong pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya kasi nagawa mo nang maayos ang trabaho mo. Inasahan? Hindi, nagulat nga ako, e. Kaya nagpapasalamat ako.

"Magkakilala naman kami nun, e, kahit wala sa set nag-iinuman kami nun. Madali naman siyang katrabaho. Makulit din yun, e.

"Blessed na blessed ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN