Pia Wurtzbach says Teresita Marquez is "Miss U material"

IMAGE @piawurtzbach / @teresitassen on Instagram

Teresita Ssen Marquez says Pia Wurtzbach is one of her inspirations in joining beauty pageants: "I really looked up to her lalo na nung BBP/MU 2015. TBH, I was low key kilig (well super kilig) na makasabay ko siya mag perform sa isang stage nung sabay kami nag BBP."


Hindi napigilan ni Teresita Ssen Marquez ang kiligin matapos makakuha ng komento mula kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Si Teresita ay ang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno na kilala rin bilang Winwyn Marquez.

Isa si Teresita sa inaasahang sasali at itinuturing na front-runner sa gaganapin Binibining Pilipinas 2019 pageant sa June.

Nitong Huwebes, February 28, tila nagbigay ng pahiwatig si Teresita sa muling pagsali nito sa naturang beauty pageant.

Nag-upload si Teresita ng litrato nito na may caption na, "May all of your vibes say: I GOT THIS."

Mukhang suportado naman ni Pia kung sakaling ituloy nga ni Teresita ang pagsali sa Binibining Pilipinas 2019 pageant.

Nag-iwan ng komento ang former Miss Universe titleholder sa post ni Teresita at sinabing, "The category is... Miss U Material [emojis]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Screengrab from @teresitassen on Instagram

Sa kanyang Instagram stories, hindi naman napigilan ni Teresita na ilabas ang kanyang kilig sa comment ni Pia.

Sulat nito, "Can't lie. I had a mini heart attack when I read this."

Ayon pa kay Teresita, isa si Pia sa mga tinitingala niyang beauty queens.

Aniya, "Pia is one of my inspirations. I really looked up to her lalo na nung BBP/MU 2015.

"TBH, I was low key kilig (well super kilig) na makasabay ko siya mag perform sa isang stage nung sabay kami nag BBP.

"Pwede ko na pa print and pa frame comment na to [crying emoji] ..thank you!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Screengrab from @teresitassen on Instagram

Matatandaang naging magkalaban ang dalawa para sa Miss Universe Philippines crown noong 2015.

Napabilang sa Top 15 si Teresita at si Pia naman ang nakapag-uwi ng korona.

Muling sumali ng beauty pageant si Teresita at nanalo naman ito bilang Reina Hispanoamericana Filipinas sa Miss World Philippines 2017 pageant.

Si Teresita rin ang nakapag-uwi ng kauna-unahang korona ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana sa ginanap sa Bolivia nang taon ding iyon.

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal) kay Teresita, sinabi nitong maigi nitong pinag-iisipan kung sasabak siyang muli sa Binibining Pilipinas pageant lalo't maraming proyekto rin ang dumadating sa kanya.

"I'm really not sure yet. Marami pa kasi ako kailangan gawin this year.

"Maraming pumapasok na projects, maraming opportunities na dumarating, and I'm really not sure what to do yet.

"Unahin ko muna kung anong kailangan unahin and let's kung ano ba talaga ang mangyayari.

"I'm happy with my crown. I'm happy sa kung anong na panalunan ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali, ang Miss Universe Philippines crown o ang Binibining Pilipinas Supranational crown ang nais maiuwi ni Teresita.


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN