Coleen Garcia wants to have a baby before she turns 30

IMAGE Nikko Tuazon

Coleen Garcia admits to feeling pressured every time people ask her about baby plans with husband Billy Crawford. She said, "I thought I just got passed the whole, 'O, when are you getting married?' stage. Ngayon, 'When are you gonna have a child?' naman. Now, I realize I can't let people pressure me talaga."


Sa susunod na buwan gaganapin ang unang wedding anniversary ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia.

Matatandaang ikinasal ang dalawa sa Balesin Island Club April 20 noong nakaraang taon.

Kaya naman ang sunod na inaasahan sa dalawa ay kung kelan na sila magkakaroon ng anak.

Nitong nakaraang Huwebes, February 28, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng entertainment press ang mag-asawa tungkol sa mga plano nila para sa binubuong pamilya.

Ayon kay Billy at Coleen, napag-uusapan na rin nilang dalawa ang ganitong mga bagay.

Ngunit nais daw nilang maging planado at sigurado ang lahat bago nila tahakin ang buhay may pamilya.

"To be honest with you guys, we really talk about it naman din," paglilinaw ni Billy sa PEP.ph at iba pang press sa launch ng bago nitong ineendorsong produkto, ang Hong Kong-based beeswax candle brand na Carroll and Chan.

Patuloy nito, "And it's time naman to think about it kasi future family rin naman namin yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Coleen, "Iba-iba naman for every couple but for us, it's something really we want to plan. It's something we want to put a lot of thought into.

"Kasi we both have careers that we love and we both are busy with the things we love.

"And it's hard because having a child will really change our entire world, mine especially."

PRESSURE

Aminado si Coleen na nape-pressure siya kapag tinatanong tungkol sa kanilang baby plans.

Ngunit natutunan na ng 26-year-old Kapamilya actress na ipagkibit-balikat na lamang ang ganitong mga komento.

Aniya, "Ako, nape-pressure ako kasi parang everywhere I go, natatanong ako.

"And parang I thought I just got passed the whole, 'O, when are you getting married?' stage.

"Ngayon, 'When are you gonna have a child?' naman.

"Now, I realize I can't let people pressure me talaga. This has to be not just in my time, but in God's time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala rin si Billy na hindi pa ito ang tamang panahon para magkaroon sila ng anak.

Paliwanag nito, "I believe as well that it's not the right time for Coleen and I to have a kid.

"It's because I want her to actually still enjoy and learn her craft as well, as an actress.

"I want her to grow as an actress."

Bukod dito, marami pang nais makamit si Coleen para sa sarili bago ito maging isang ina.

Dagdag ng Viva talent, "Although, there are so many actresses also that are still doing what they're doing even with a family.

"It's just that apart from work, there are a lot of personal things also that I'd like to accomplish before we move forward."

BABY PLANS

Paglinaw naman ni Billy, hihintayin lang nito ang go signal mula kay Coleen, dahil excited na ang singer-actor-TV host na magkaroon ng sariling supling.

Pahayag ni Billy, "I love kids. Ako, maalaga ako sa bata, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But apart from that, you know, in a few years siguro. As long as Coleen is ready, honestly."

Nais ni Coleen na bago siya umabot ng 30 anyos ay mayroon na silang anak, lalo na't nagkaka-edad na rin angĀ  kanyang asawa.

Aniya, "I don't wanna start too late. I wanna start sana before I'm 30, kasi he'll be 40."

Patuloy pa nito, "We want more than one, so hindi naman puwedeng sobrang sunud-sunod."

Sa darating na May 16, ipagdiriwang ni Billy ang kanyang ika-37 kaarawan.

Sinegundahan naman ni Billy ang pahayag ng asawa at natatawang sinabing, "Ayokong maging 10 years old yung anak ko e senior citizen na ako.

"Ayoko naman ng ganun. Gusto ko makapaglaro ng basketball or take my daughter to ballet school or whatever."

Dagdag naman ni Coleen, "At saka kailangan ko naman ng magtutulong sa akin."


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN