Nonie Buencamino opens up about daughter Julia's suicide

IMAGE @shamainebuencamino on Instagram

Acclaimed stage and TV actor Nonie Buencamino (right, with wife Shamaine) on daughter Julia's suicide last July 2015: "She was going through a deep form of depression and she was hurting herself from the time she was 12 until she was 15. Yung mga bagay na hindi magandang nangyayari sa kanya, parang akala namin normal lang."


Nagsalita na ang award-winning actor na si Nonie Buencamino tungkol sa pagpapakamatay ng kanyang anak na si Julia Buencamino noong July 17, 2015.

Noong araw na iyon ay natagpuan ang 15-year-old daughter nina Nonie at Shamaine Buencamino na si Julia na nagbigti sa kanyang kuwarto.

Ilang taon ang lumipas bago binasag ng veteran actor ang kanyang katahimikan tungkol sa naganap na trahedya sa kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng ABS-CBN talk show ni Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda, na umere noong February 27, ibinahagi ni Nonie ang saloobin sa pagpapatiwakal ng anak na babae.

Lahad niya, “It’s closer to I’m not afraid to die.

“It has something to do with my daughter passing away, which is so unexpected.

“It made me realize that puwedeng mangyari anytime.

“Yung pag-asikaso ko sa kanya sa pagkamatay, nakita ko siyang patay dun sa harap ko.

“And then it makes me realize it happens to everybody and it’s bound to happen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it happened so early with her, and it can happen to me tomorrow.”

DEEP-SEATED ISSUES

Ang rason kung bakit nagsalita na si Nonie ay para ipaalala sa mga magulang na maging aware sa mga activities at kalagayan ng kanilang mga anak.

Hindi nga raw nila alam ni Shamaine na may pinagdadaanan palang mabigat ang anak nilang si Julia na siyang nagdulot ng mental illness dito at nauwi sa suicide.

“Marami siyang itinago sa amin. Marami siyang front.

“I would like to think she’s a good actress. And she was able to hide it,” dagdag pa ni Nonie.

Sa mga natagpuang diaries at poetry and art works ni Julia nalaman nila Nonie at Shamaine ang malalim ng depression na pinagdaanan ng anak nila for three years.

“Pero ang dami niyang itinago sa diaries niya, sa art work niya, sa kanyang poetry.

“Dun lang namin nakilala kung ano yung pinagdadaanan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So she was going through a deep form of depression and she was hurting herself from the time she was 12 until she was 15.

“Yung mga bagay na hindi magandang nangyayari sa kanya, parang akala namin normal lang.

“Nakipag-away sa classmate niya, yun pala malalim pala.

“Meron pala siyang form of illness and that makes it worse.

“Kasi yung perception nag-iiba dahil sa merong chemical imbalance.

“Look more deeply into the activities of your children and what they’re doing and what they’re going through,” payo ni Nonie sa kapwa niya magulang.


Stories We Are Tracking

<p>Nonie and Shamaine Buencamino’s daughter commits suic

Nonie and Shamaine Buencamino’s daughter commits suic

<p>Nonie & Shamaine Buencamino want to mourn in private&

Nonie & Shamaine Buencamino want to mourn in private&

<p>Nonie, Shamaine grieve over daughter Julia’s death&

Nonie, Shamaine grieve over daughter Julia’s death&

<p>Shamaine returns to the stage after daughter Julia's death<

Shamaine returns to the stage after daughter Julia's death<



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN