Edgar Allan Guzman owes debt of gratitude to former manager

IMAGE Noel Orsal

Edgar Allan Guzman on former manager Noel Ferrer: "Kasi hindi rin naman biro ang ginawa niya sa career ko at ginawa niya sa trabaho ko, di ba? Para sa akin, utang na loob din. Malaki ang utang na loob ko kay Sir Noel and para sa akin, kinausap ko siya nang maayos."


Lumabas ang balitang tinanggihan ni Edgar Allan Guzman ang isang gay role sa isang indie film na napunta na sa ibang actor ngayon.

Ang pagtanggi raw ni Edgar na gumawa pa ng mga gay roles ang isa sa naging dahilan kung bakit umalis na siya sa poder ng dating manager niya na si Noel Ferrer.

Ngayon ay co-managed na si EA ni Arnold Vegafria at GMA Artist Center.

Paglinaw ni EA tungkol sa isyu, “Hindi naman po.

“Si Sir Noel naman ang isang manager na kukunin niya ang opinyon mo.

“Irerespeto niya kung ano ang desisyon mo at sasabihin niya rin kung ano ang tingin niya sa project.

“Sobrang detalyado rin niyang tao at para sa akin, hindi naman po yun ang reason.”

BREAKING AWAY FROM CLICHÉ ROLES

Pero ang gumanap muli bilang isang bading o tumanggap ng gay roles ay hindi itinanggi ni EA na gusto muna niyang ipahinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang huling karakter na ginampanan niyang bading siya ay ang Dedma Walking, kunsaan nanalo siya ng award.

Ayon kay Edgar Allan, “Ang pag-stop ko na gumanap na gay roles, ayaw lang naming ma-typecast.

“Kumbaga, okay na yung i-savor yung moment na nanalo ako ng award sa pagganap ko bilang isang bakla.

“Para sa akin, gusto ko munang maalala ng tao na nanalo siya ng award dun kasi magaling siya.”

Nilinaw din naman niya na hindi niya sinasabing hindi na siya tatanggap ng gay role kahit kailan.

Dagdag pa niya, “Hindi ko sinasarado ang pinto.

“Kung may magandang material, why not?

“Pero this time, as of now, gusto ko munang ipakita ang ibang side ko sa mga tao.

“Gusto kong ipakita na kaya kong umarte na leading man, lalaki—kung ano man ang puwede kong gawing role.”

CHANGE OF MANAGEMENT

May dahilan naman daw ang Kapuso actor kung bakit nagdesisyon siyang lumipat ng management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Ako naman po kasi, self-realization ang nangyari sa akin.

“Hindi na ako bumabata. Tumatanda na rin ako.

“Kumbaga, gusto ko lang mag-trabaho nang malinis.

“Wala akong iisipin na baka ganito o masabi na ganito.

“Para sa akin, gawain lang ng isang bata yun.

“Matanda na ako, twenty-nine na ako, magti-thirty na.

“Gusto ko lang mag-trabaho nang malinis. Sarili ko lang ang iintindihin ko muna.”

Sabi pa niya, “Para sa akin, gusto ko lang din ng siguradong trabaho, siguradong buhay

“Kasi nga, twenty-nine na ako.

“Ayoko rin nung parang naglalaro lang.”

Dahil sa mga naging pahayag ni EA sa paglipat niya ng management kaya naitanong namin sa kanya kung dati, ganun ang nararamdaman niyang nangyayari sa kanya.

“Hindi naman,” tanggi niya.

“Kumbaga, self-realization.

“Hindi ko naman siya tinutulad na dati, ganun.

“May mga instances na ganun, pero the whole time, hindi naman.

“And ayoko na siyang maulit.

“Gusto ko naman na magkaroon ako ng desisyon para sa sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT BECAUSE OF SHAIRA

Itinanggi rin ni EA na ang dahilan ng pagpapa-manage niya sa GMA Artist Center ay dahil sinundan niya ang matagal na nababalitang girlfriend niyang si Shaira Diaz.

Mabilis niyang tanggi, “Hindi po.

“Kumbaga, may sarili naman akong career.

“Bakit ko siya susundan?

“After kong kausapin si Sir Noel, may kinausap akong tatlong managers, para may option ako.

“Tingnan ko kung anong offer ang maibibigay sa akin or kung ano ang puwede niyang magawa sa career ko.

“Pinag-compare-compare ko naman ang tatlong yun bago ko nag-decide.

“Hindi pagkalipat ko because of Shaira.”

AMICABLE PARTING OF WAYS

Maayos naman daw ang naging paghihiwalay nila ng dating manager na si Noel.

Sampung taon din daw ang naging relasyon nila bilang manager-talent.

“Nanghingi naman ako sa kanya ng lunch meeting.

“Usually, ganun kami—lunch or dinner para pag-usapan kung ano ang magagawa sa career ko.

“So, pinag-usapan namin nang personal at ayoko siyang over the phone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, hindi rin naman biro ang ginawa niya sa career ko at ginawa niya sa trabaho ko, di ba?

“Para sa akin, utang na loob din.

“Malaki ang utang na loob ko kay Sir Noel and para sa akin, kinausap ko siya nang maayos.

“In-explain ko sa kanya kung ano ang reason ko at naintindihan naman niya.”

NEW TV SHOW

Kasama ngayon si EA sa bagong afternoon prime serye ng GMA-7, ang Dragon Lady, kunsaan ginagampanan niya ang karakter bilang si Goldwyn Cheng, isang business tycoon.

Kuwento niya, “Chinese po ako rito—isang businessman, mayaman, maayos ang buhay, kagalang-galang.

“Papasok sa akin si Janine [Gutierrez] bilang executive rin.

“Kakalabanin ko siya, mamaliitin ko siya and eventually, doon ako mai-in-love.”

Papunta raw sa pagiging kontrabida ang karakter niya, lalo na kay Tom Rodriguez.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si EA sa grand mediacon ng Dragon Lady noong February 28 sa Shangrila Cuisine Restaurant, West Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa raw siyang masyadong masabi sa mga co-stars niya dahil isang araw pa lang daw ilang eksena pa lang daw ang nagagawa niya.

“Hindi ko pa sila nakaka-eksena, sina Tom and Janine, pero sa mga promo naman na ginagawa namin, okay naman.

“Kumbaga, first time naming magkatrabaho pero walang ilangan.

“Very open naman kaming lahat.”

Sa Lunes, March 3, ang pilot episode ng Dragon Lady.

Ito ang papalit sa nagtapos na seryeng Asawa Ko, Karibal Ko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN