Aspiring PBB housemate comes out as gay

IMAGE Camp Star Hunt

Camp Star Hunt's Star Dreamer Lyndon Oros on his decision to tell the truth that he's gay: "Gusto ko lang talagang bumuwelo. Gusto ko na mag-open sa kanila kasi nahihirapan ako. Ang bigat sa akin na ganito yung ginagawa ko, na nagsisinungaling ako sa sarili ko, sa kanila, lahat."


Inamin ng aspiring Pinoy Big Brother Otso housemate na si Lyndon Oros ang tunay niyang sexual orientation.

Ito ay upang tuldukan na raw ang kanyang "pagpapanggap" sa kabila ng nararamdaman niyang takot sa panghuhusga ng ibang tao.

Si Lyndon, 24 ay isang licensed teacher sa isang private school.

Kabilang siya sa Star Dreamers ng Camp Star Hunt, kung saan nanggagaling ang pinipiling housemates para sa ABS-CBN reality talent show na Pinoy Big Brother Otso.

Nagkakasiyahan ang Star Dreamers sa kanilang beach-themed party nang biglang natahimik si Lyndon. 

"Iniisip ko paano kaya ako maka-segue tungkol sa pagkataong meron ako?

"Gusto ko lang talagang bumuwelo. Gusto ko na mag-open sa kanila kasi nahihirapan ako.

"Ang bigat sa akin na ganito yung ginagawa ko, na nagsisinungaling ako sa sarili ko, sa kanila, lahat."

"AKO PO AY BADING"

Tila may ideya na ang ibang kasamahan ni Lyndon tungkol sa kanyang saloobin, dahil may ilang humikayat sa binata na magkuwento tungkol sa kanyang pagkatao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lakas-loob na pahayag ni Lyndon: "Ang totoo po talaga, 25 percent pa lang ng personality ko yung pinapakita ko.

"Sobrang punong-puno pa ako ng fear para magsabi ng lahat ng bagay. Kasi di ko mailabas sa kasinungalingan, sa personality na ipinapakita ko na hindi naman ito."

Napainom pa ng tubig si Lyndon, na halatang kabado sa kanyang pagtatapat.

Ipinaliwanag niya nang sumalang pa lang siya sa task nila sa show ay tatanungin siya dapat kung may chance na maging bading siya.

Pero itinago raw niya ang hawak na index card ng kanyang kapwa-Star Dreamer upang makaiwas sa tanong na iyon.

Aminadong "kabadung-kabado" raw kasi siya sa magiging reaksiyon ng kanyang mga kasamahan.

Sa puntong ito ay saka sinabi ni Lyndon: "Ako po ay bading."

Taliwas sa inaasahan niyang reaksiyon ng Star Dreamers, lahat ng mga kasamahan niya ay ikinatuwa ang paghayag ni Lyndon ng tunay niyang pagkatao.

Siniguro pa ng mga kasamahan niyang lalaki na walang dahilan para matakot o mailang si Lyndon dahil may mga kaibigan din daw ang mga ito na bading tulad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FEAR OF OTHER PEOPLE'S OPINION

Kuwento naman ni Lyndon, kahit sa kanyang pinagtatrabahuhang private school ay hindi niya maipakita na bading siya sa takot na baka mahusgahan siya nang dahil lang dito.

"Sa work ko talaga tinanong na ako, pero tinanggi ko yun kasi baka pag sinabi ko yun baka mailang sila," saad ni Lyndon.

Pagkagaling sa trabaho ay diretso raw siya ng uwi sa bahay nila sa Quezon City at hindi masyadong nakikisalamuha sa mga kaibigan niya.

"Kasi nahihiya ako talaga na ipakita ito.

"Kasi hanggang ngayon nakakaranas ako ng panlalait sa lugar pa mismo namin.

"Pero I hope ito yung pagkakataon na makapag-sorry sa kanila sa pagpapanggap ko.

"And I hope yung mga katrabaho ko, yung mga estudyante ko, matanggap din nila siyempre yung ganito."


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN