Nadine Lustre swears she never lied to boyfriend James Reid

IMAGE Noel Orsal

Nadine Lustre insists she never had a crush on James Reid before their did the ABS-CBN prime-time series On The Wings of Love in 2015.


Tatlong taon na ang relasyon nina Nadine Lustre at James Reid.

Nag-celebrate ng kanilang third anniversary ang dalawa sa Batangas noong Pebrero 11—ang eksaktong petsa ng anibersaryo nila.

Sa guest appearance ni Nadine sa Gandang Gabi Vice (GGV) kagabi, March 3, sinabi nitong hindi pa nasaktan ng nobyo ang kanyang puso.

Sa “Kuryentanong” segment, tinanong ni Vice Ganda si Nadine: “Nasaktan na ba ni James Reid nang bongga ang puso mo?"

Diretsong sagot ni Nadine: “No.”

Inayunan naman ito ng lie-detector gadget at hindi na-ground si Nadine.

Sa loob daw ng tatlong taon ay hindi pa napaiyak ni James ang aktres.

Sa tanong naman kung nagselos na siya sa isang ex-girlfriend ni James, sagot ni Nadine, “No.”

Hindi pa rin siya na-ground sa sagot niyang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Screen grab from ABS-CBN Entertainment on YouTube

Ayon kay Nadine, hindi sila nagseselos sa isa’t isa kaya naman biniro pa siya ni Vice kung bakit ganun ang relasyon nila.

Paano raw ba ito masisira dahil hindi naman sila nag-aaway?

Birong sagot ni Nadine, “Bakit, sisirain mo ba?”

QUESTIONS FROM JAMES

Kasunod nito ay si James na mismo ang nagtanong kay Nadine via VTR (video tape recording).

Saad ng 25-year-old singer-actor, “Hi love, have you lied to me recently?”

Sagot ni Nadine, “No.”

Ngunit na-ground ang aktres ng lie-detector machine.

Kaya sabi ni Nadine, “Ay, ang daya niyo, ha, bakit alam niyo ba? Hindi. Hindi talaga ako nagla-lie sa kanya.

"Talagang 100 percent kami [honest].”

Isa pang tanong ang ibinato ni James kay Nadine:

“Second question, matagal ko nang gustong patunayan ito, because I know, o I think na you had a crush on me ever since.

“Ang sabi mo, that you only got a crush on me after I started showing affection towards you during OTWOL.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alin ang totoo?”

Ang On the Wings of Love ang hit prime-time series na pinagbidahan nina Nadine at James sa ABS-CBN noong 2015.

 IMAGE Courtesy: ABS-CBN Entertainment on YouTube

Dagdag pa ni Vice, “So, totoo bang ever since, bago pa yung OTWOL, may naramdaman ka na kay James?”

Tugon ni Nadine, “No. No talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman na-ground si Nadine ng aparato.

Paliwanag ni Nadine, “Hindi talaga. Alam mo ba, palagi niyang inu-open up 'yan pag naglokohan kami, niloloko niya ako, ‘Hindi dati, may crush ka na sa akin.’

“Hindi nga talaga, alam mo ang kapal ng mukha nito. Wala talaga.

OTWOL lang.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN