Hindi magkamayaw sa tuwa at saya ang mga tao na sumaksi sa 10th Walk of Fame kahapon, December 1, sa Eastwood City, Libis, Quezon City.
Bumuhos kasi ang mga artista mula sa iba't ibang istasyon upang pasinayaan ang kanilang mga bituin sa taunang pagpaparangal na ito na pinamumunuan ni German "Kuya Germs" Moreno.
Masaya si Kuya Germs sa wala pa ring kupas na pagsuporta sa kanya ng showbiz personalities sa loob ng sampung taon na pamumuno niya sa Walk of Fame.
Featured Searches: