May kalungkutan man noong una, napuno ng halakhakan at tawanan ang Dolphy Theater sa ABS-CBN dahil sa kakaibang tribute na inihanda ng Kapamilya Network para sa yumaong direktor na si Wenn Deramas kagabi, March 5, 2016.
Pinamagatang Paalam, Direk Wenn: Thank You For The Love and Laughter, sari-saring mga kuwento ng pagmamahal, tagumpay, pakikipaglaban, at mga kuwentong 'Tatak Wenn' ang narinig ng mga nasa tanghalan.
Ayon sa karamihan sa mga nakakakilala sa tinaguriang box-office director, ayaw nito ng kanegahan sa buhay at kuwentong malulungkot.
Kaya naman isang musical with fun and laughter ang naging tema ng necrological service.
Read: ABS-CBN pays homage to Direk Wenn Deramas