Watch Now

Gloc-9 breaks silence on criticisms against him after performing at Binay political rally

Mar 30, 2016
<p>Gloc-9: "Kung sakaling ang lahat po ng bintang, duro, at akusasyon ninyo sa huli ay mapapatunayang tama at tunay, hihingi po ako ng tawad. Ngunit hindi sa kahit na sino man dahil higit sa aking pagiging manunulat ng awitin, higit sa aking pagiging ehem

Binasag na ng rap icon na si Gloc-9 ang kanyang katahimikan kaugnay ng pambabatikos sa kanya ng netizens dahil sa pagpe-perform niya sa proclamation rally ni Makati City Representative Abby Binay, tumatakbong mayor ng nasabing lungsod, noong Lunes, March 28.

Nasa naturang proclamation rally rin ang ama ni Abby na si Vice President Jejomar Binay, na tumatakbo namang presidente ngayong May 2016 elections.

Marami ang bumatikos kay Gloc-9 dahil kilala raw siya sa kanyang mga awitin tungkol sa bayan at sa mga mahihirap, ngunit nakisali sa isang pamilya ng pulitiko na inaakusahan ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Naglabas na ng pahayag ang PPL Entertainment Inc., ang talent management na kinabibilangan ni Gloc-9, at nilinaw na isa lamang itong gig at hindi iniendorso ng rapper ang mga Binay.

Read: Gloc-9's talent management denies he is endorsing Jejomar Binay

Sa pamamagitan naman ng kanyang social media accounts ay hindi napigilang maghayag ng saloobin si Gloc-9 sa pambabatikos na natatanggap niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay sa kabila ng pinagsabihan na raw siya ng PPL Entertainment Inc. na huwag nang magsalita.

Ayon kay Gloc-9, nababasa niyang lahat ang mga komento laban sa kanya, na ang iba raw ay nakasasakit talaga ng damdamin.

Pero nirerespeto raw niya kung anuman ang tingin ng iba tungkol sa kanya.

Sinabi rin ni Gloc-9 na kung mapapatunayang tama ang mga bintang at akusasyon sa kanya ngayon, bilang isang ama, sa kanyang mga anak lang daw siya hihingi ng tawad dahil sa mga ito lang siya may pananagutan.

Narito ang kabuuang pahayag ni Gloc-9:

“Pinagsabihan po ako ng aking management na huwag nang magsalita tungkol dito pero di ko po kaya.

“Nais ko pong malaman ng lahat na nababasa ko ang mga saloobin ninyo at nirerespeto ko ito kahit na minsan masasakit na ang mga salitang kasama nito.

“Paumanhin po kung hindi nasunod ang gusto ninyo at mawalang-galang na din po sa mga nagsasabing hindi pwedeng TRABAHO LANG ITO dahil ITO LAMANG NAMAN PO ANG TRABAHO KO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi po ito hobby na naging trabaho. Ito po ay isang pangarap na ipinaglaban ko ng halos dalawang dekada sa kahit na saan ano at kanino at maitutuloy ko lamang ito kung ito ang magiging hanapbuhay ko.

“Ako ay kumakanta sa entablado ng iba’t ibang kandidato marahil ay hindi n’yo lang gusto ang isang entabladong sinampahan ko.

“Katulad ng lahat, may kanya-kanyang dungis na ibinabato sa bawat isa sa kanila, gayon pa man, I wish all the candidates good luck sa darating na elections at nawa’y ang mapipili ay tunay na magsisilbi at tamang mamumuno sa bayan natin.

“At sa may mga sama ng loob kung sakaling ang lahat po ng bintang, duro, at akusasyon ninyo sa huli ay mapapatunayang tama at tunay, hihingi po ako ng tawad. Ngunit hindi sa kahit na sino man dahil higit sa aking pagiging manunulat ng awitin, higit sa aking pagiging ehemplo at higit sa aking pagiging mamamayan, ako po ay isang Ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hihingi ako ng tawad sa aking mga anak dahil naniniwala ako na sa kanila lamang ako may pananagutan.

“Salamat po. Gloc-9”

Pinag sabihan po ako ng aking management na huwag nang mag salita tungkol dito pero di ko po kaya. Nais ko pong malaman ng lahat na nababasa ko ang mga saloobin ninyo at nirerespeto ko ito kahit na minsan masasakit na ang mga salitang kasama nito. Paumanhin po kung hindi nasunod ang gusto ninyo at mawalang galang na din po sa mga nag sasabing hindi pwedeng TRABAHO LANG ITO dahil ITO LAMANG NAMAN PO ANG TRABAHO KO. Hindi po ito hobby na naging trabaho ito po ay isang pangarap na ipinaglaban ko ng halos dalawang dekada sa kahit na saan ano at kanino at maitutuloy ko lamang ito kung ito ang magiging hanap buhay ko. Ako ay kumakanta sa entablado ng ibat ibang kandidato marahil ay hindi nyo lang gusto ang isang entabladong sinampahan ko. Katulad ng lahat may kanya kanyang dungis na ibinabato sa bawat isa sa kanila gayon paman i wish all the candidates good luck sa darating na elections at naway ang mapipili ay tunay na mag sisilbi at tamang mamumuno sa bayan natin. At sa may mga sama ng loob kung sakaling ang lahat po ng bintang duro at akusasyon ninyo sa huli ay mapapatunayang tama at tunay hihingi po ako ng tawad ngunit hindi sa kahit na sino man dahil higit sa aking pagiging manunulat ng awitin, higit sa aking pagiging ehemplo at higit sa aking pagiging mamamayan ako po ay isang Ama. Hihingi ako ng tawad sa aking mga anak dahil naniniwala ako na sa kanila lamang ako may pananagutan. Salamat po. Gloc-9

A photo posted by Aristotle Pollisco (@glocdash9) on

Read Next
Read More Stories About
Gloc-9
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Gloc-9: "Kung sakaling ang lahat po ng bintang, duro, at akusasyon ninyo sa huli ay mapapatunayang tama at tunay, hihingi po ako ng tawad. Ngunit hindi sa kahit na sino man dahil higit sa aking pagiging manunulat ng awitin, higit sa aking pagiging ehem
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results