Arnel Pineda lambasts the government's inefficiency

Apr 1, 2016
<p>Singer Arnel Pineda says he's still waiting for his voter's ID: "My God, I've been trying... remember my first tour with Journey was in 2008. Nagpunta pa ako sa City Hall para lang mag-apply ng voter’s ID. Can you believe na until now, wala pa akong vo

Hindi napigilan ng singer na si Arnel Pineda na ilabas ang kanyang saloobin tungkol sa mga nangyayari sa ating bansa dahil sa kanyang mga personal na karanasan.

Sa presscon ng concert niyang Arnel Pineda, Voyage To Rockville, ngayong Biyernes, April 1, ay naglitanya ang international Filipino rock singer at sinabing wala siyang susuportahang presidential candidate ngayong May elections.

Pahayag ng Journey frontman, “I can’t, e. Medyo mahirap dahil may foundation ako and I don't wanna compromise.

“Pero of course, I want someone to win... so that person can deliver a change, you know, para lalo na sa masa natin.

“It’s very important.”

Hindi rin daw siya makakaboto dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang voter’s ID.

“Too bad I can't vote 'coz I can't fix my voters' ID.

“My God, I've been trying... remember my first tour with Journey was in 2008.

Continue reading below ↓

“Nagpunta pa ako sa City Hall para lang mag-apply ng voter’s ID.

“Can you believe na until now, wala pa akong voter’s ID?

“That's how inefficient our government is.

“I swear to God, ibinigay ko na ang address ko, ang cellphone number ko, nag-biometrics na rin ako, wala pa rin.”

Dagdag pa ni Arnel, “Even yung bago kong plate number... di ba, kailangan ng plate number, yung kulay itim ang sulat?

“In-apply ko na 'yon, eight months ago pa.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Singer Arnel Pineda says he's still waiting for his voter's ID: "My God, I've been trying... remember my first tour with Journey was in 2008. Nagpunta pa ako sa City Hall para lang mag-apply ng voter’s ID. Can you believe na until now, wala pa akong vo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results