Korean actor Ahn Jae Hyun to divorce Ku Hye Sun?

by Jet Hitosis
Aug 18, 2019
Ku Hye Sun (left) posts on Instagram screenshots of her conversations with husband Ahn Jae Hyun, with the Korean actor asking for a divorce.
PHOTO/S: @kookoo900 on Instagram

Wala pang isang buwan makaraang magdiborsiyo ang sikat na SongSong couple ng Korea na sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo, napabalita ngayong Linggo na maghihiwalay na rin ang isa pang Korean power couple, sina Ku Hye Sun at Ahn Jae Hyun.

Nag-trending sa Twitter ngayong Linggo ng umaga ang balita ng umano’y napipintong diborsiyo ng dating co-stars sa Korean drama na Blood (2015).

Continue reading below ↓

Ito ay makaraang mag-post si Hye Sun, 34, sa Instagram ngayong Linggo ng mensahe na may caption tungkol sa kung paanong silang mag-asawa “lost our spark.”

Mayo 2016 nang ikinasal sina Hye Sun at Jae Hyun.

“HE WANTS A DIVORCE, SHE WANTS TO STAY MARRIED”

Sa translation ng nangungunang K-pop website na Soompi, nakasaad din sa caption ni Hye Sun na si Jae Hyun, 32, ang gustong makipagdiborsiyo.

Post ni Hye Sun, “my husband has had a change of heart and wants a divorce, and I want to stay married.”

May babala rin ang Korean actress na sa susunod na linggo ay maglalabas ng news reports ang kampo ni Jae Hyun, “and I am informing you that they are completely untrue.”

Continue reading below ↓

Kasunod nito, ipinost din ni Hye Sun ang screenshot ng palitan nila ng text message ni Jae Hyun.

Malinaw sa mga mensahe na napagkasunduan na nilang magdiborsiyo.

Nabanggit din ang usapin tungkol sa kalusugan ng ina ni Hye Sun.

May translation din ang Soompi sa nasabing post ng aktres.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Gayunman, makalipas ang ilang minuto ay inalis ni Hye Sun ang dalawang nabanggit na post sa kanyang Instagram account.

Sa pahayag ng talent agency ng mag-asawa, ang HB Entertainment, sinabi nilang inaalam pa nila ang mga detalye sa napaulat na planong magdiborsiyo nina Hye Sun at Jae Hyun.

Continue reading below ↓

KOREAN DRAMA FANS REACT

Labis naman ang kalungkutan at panghihinayang ng Korean drama fans sa napipintong hiwalayan nina Hye Sun at Jae Hyun.

Continue reading below ↓

Ito ay dahil wala pang isang buwan na naisasapinal nitong July 22 ang diborsiyo ng isa pang Korean power couple, sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo.

Isang taon at siyam na buwan lang na nagsama ang mga dating bida ng Descendants of the Sun, na tinaguriang “SongSong” couple.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ku Hye Sun (left) posts on Instagram screenshots of her conversations with husband Ahn Jae Hyun, with the Korean actor asking for a divorce.
PHOTO/S: @kookoo900 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results