Police raid K-pop agency YG Entertainment over illegal gambling allegations

by Ruel J. Mendoza
Aug 18, 2019
YG Entertainment founder Yang Hyun Suk (right) and former Big Bang member Seungri (left) are being investigated for allegations of habitual gambling.

Ni-raid ng South Korean police ang YG Entertainment, isa sa pinakamalaking K-pop management firms, dahil sa alegasyong illegal gambling noong August 17, 2019.

Ang YG Entertainment ay pag-aari ng music mogul na si Yang Hyun Suk, na nasangkot sa drug and sex scandal issues noong March 2019.

Si Yang ay nag-resign noong June 2019 sa kanyang post bilang founder at chief producer ng sikat na K-pop management firm.

Under police investigation siya dahil sa alegasyong pagsusugal kung saan mayroon diumanong illicit cash exchange.

Isang Seoul police officer ay na-quote sa isang AFP report na nagsabing: "We are trying to gather evidence on how [Yang] secured funds for gambling, and how many times the alleged gambling took place."

May reports na sangkot si Yang sa "habitual and illegal gambling" sa Macau at Las Vegas simula early 2000s.

Kasama rin sa imbestigasyon ang pag-a-arrange diumano ni Yang ng sex services para sa foreign investors mula pa noong 2014.

Continue reading below ↓

Si Seungri, former member ng Big Bang, ay under investigation din.

Si Seungri (Lee Seung-hyun sa tunay na buhay) ay nag-retire sa entertainment industry noong March 2019 pagkatapos akusahang nag-a-arrange diumano ng sex services para sa potential investors sa kanyang mga negosyo.

Itinatag ni Yang noong 1996, ang YG Entertainment ang may hawak sa kasalukuyang sikat na K-pop groups na Big Bang, WINNER, iKON, at BLACKPINK.

Ang YG Entertainment din ang nasa likod ng phenomenal hit na "Gangnam Style" ni Psy noong 2012.

Kabilang sa top three entertainment agencies sa South Korea ang YG; ang dalawa pa ay ang SM at JYP.

OTHER YG ARTISTS INVOLVED IN SCANDALS

Maliban kina Yang at Seungri, may iba pang YG artists na nasangkot sa eskandalo ngayong 2019.

Noong June 2019, ang leader ng iKON na si Han-bin ay nasangkot sa pagbili ng illegal drugs.

Kamakailan lang din ay naimbestigahan ang building na pag-aari ng Big Bang member na si Daesung.

Continue reading below ↓

Ito ay dahil ang ilang tenants ng naturang building ay sangkot diumano sa prostitution services at drug businesses.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
YG Entertainment founder Yang Hyun Suk (right) and former Big Bang member Seungri (left) are being investigated for allegations of habitual gambling.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results