Former Kara member Goo Hara dies at 28

by Erwin Santiago
Nov 24, 2019
Goo Hara, former member of Kara, was found dead at her home in Cheongdam, Seoul, South Korea on November 24 at approximately 6 P.M.

Pumanaw na ang K-pop idol na si Goo Hara sa edad na 28.

Si Hara ay dating miyembro ng sikat na female group na Kara.

Kinumpirma ng Seoul Gangnam Poolice Station ang kanyang pagkamatay.

Base sa report ng soompi.com, natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Hara sa kanyang tahanan sa Cheongdam, Seoul, South Korea, bandang 6 P.M. (Korean time) ngayong Linggo, November 24.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Naglabas ng statement ang kinabibilangang Japanese agency ni Hara, ang Production Ogi, na ipinarating nila sa Korean entertainment agency na 8D Creative.

Narito ang kabuuang statement ng Production Ogi na nailathala sa soompi.com:

"Hello. "We are here to deliver tragic and unfortunate news.

'"Family members and friends of Goo Hara are deeply shocked and anxious at the moment.

"Therefore, we earnestly request that you refrain from writing speculative articles and spreading rumors. In addition, we ask the media and fans to refrain from making condolence calls.

Continue reading below ↓

"We apologize for conveying this sudden news, and we are sorry once again for requesting that [the media and fans] refrain from making condolence calls."

Pumanaw si Hara anim na buwan pagkatapos ng kanyang tangkang pagpapakamatay.

Noong May 2019 ay humingi ng paumanhin si Hara sa kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang suicide attempt.

Si Hara ay nag-debut sa K-pop music scene noong 2008 bilang miyembro ng Kara.

Ang iba pang mga miyembro ng grupo ay sina Park Gyuri, Hang Seung Yeon, at Kang Jiyoung.

Ilan sa pinasikat nilang kanta ay ang "Step," "Mister," "Mamma Mia," at "Lupin."

Bago pa man pormal na nag-disband ang Kara noong January 2016, nag-solo na si Hara noong July 2015 sa pamamagitan ng kantang "Alohara (Can You Feel It)."

Si Hara ay best friend ni Sulli, ang miyembro ng all-female group na f(x) na pumanaw nito lamang October 14, 2019.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Goo Hara, former member of Kara, was found dead at her home in Cheongdam, Seoul, South Korea on November 24 at approximately 6 P.M.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results