K-pop stars Jung Joon Young, Choi Jong Hoon get jail time for rape

by Jet Hitosis
Nov 29, 2019
Korean rock stars Jung Joon Young (left) and Choi Jong Hoon (right) get jail sentence for raping a drunk unconscious woman on 2016. According to court documents, Joon Young even filmed the incident and uploaded the clip to a secret chat group.
PHOTO/S: @sun4finger, @ftgtjhc on Instagram

Hinatulang makulong ng lima hanggang anim na taon ang Korean rock stars na sina Jung Joon Young at Choi Jong Hoon dahil sa aggravated rape.

Ito ang naging desisyon ni Judge Kang Sung Soo, ng Seoul Central District Court laban sa limang lalaki, kabilang sina Joon Young, 30, at Jong Hoon, 29 anyos, ngayong Biyernes, November 29.

Ayon sa report ng top Korean entertainment website na Soompi, sinentensiyahan si Joon Young na makulong ng anim na taon, habang limang taon sa preso ang hatol kay Jong Hoon, sa pangga-gang rape sa isang babaeng walang malay.

Bukod dito, inatasan ng korte na sumailalim ang dalawang singers sa 80 oras ng sexual violence treatment.

Sa loob ng limang taon, bawal ding magtrabaho sa alinmang pasilidad na may kaugnayan sa mga bata at teenagers ang dalawang Korean stars.

Kasunod ito ng pagbasura ng korte sa hiling ng prosekusyon na probation para kina Joon Young at Jong Hoon.

Continue reading below ↓

Batay sa court documents na nakalap ng Soompi, nangyari ang rape noong 2016.

Nabatid na nawalan ng malay ang biktima dahil sa sobrang kalasingan, matapos makipag-inuman sa limang akusado.

Hindi kinilala sa mga ulat ang tatlong kapwa akusado nina Joon Young at Jong Hoon sa kaso.

COURT CLAIMS RAPE WAS FILMED, UPLOADED TO A GROUP CHAT

Mas matagal ang hatol na pagkakakulong kay Joon Young dahil napatunayan ng korte na guilty ang TV host-radio DJ sa pagbi-video ng pakikipagtalik sa biktima—at sa iba pang mga babae.

Sa ulat ng BBC (British Broadcasting Corporation), napatunayan ni Judge Kang na ilang babae na “drunk and unable to resist” ang ginahasa ni Joon Young, “filmed them nude and having sex, then spread it on a group chat.”

JOON YOUNG AND JONG HOON DENIED CHARGES

June 27, 2019 nang simulan ang joint trial sa aggravated rape laban kina Joon Young at Jong Hoon, kung saan kapwa nila itinanggi ang akusasyon, ayon sa naunang report ng Soompi.

Continue reading below ↓

Depensa noon ng abogado ni Joon Young, bagamat aminado ang singer na nagkaroon ito ng sexual intercourse sa biktima, hindi totoong walang malay ang babae at may permiso umano nito ang pagtatalik nila.

Tungkol sa nabunyag na conversations sa group chat, ikinatuwiran ng kampo ni Joon Young na edited ang mga iyon para idiin ang singer.

Giit naman ng kampo ni Jong Hoon, magkasama nga ang huli at ang biktima nang mga oras na nangyari ang insidente, pero walang pagtatalik na naganap.

CHATROOM SEX SCANDAL

Nabunyag ang sex scandal habang nagsasagawa ang pulisya ng hiwalay na imbestigasyon laban sa K-pop superstar at Big Bang member na si Seungri, February ngayong taon.

Akusado si Seungri sa pagsu-supply umano ng prostitutes sa potential investors ng kanyang mga negosyo.

Sa report ng BBC tungkol sa hatol kina Joon Young at Jong Hoon, tinukoy si Seungri bilang miyembro ng secret chat group ni Joon Young.

Continue reading below ↓

Makaraang pumutok ang “chatroom sex scandal," magkakasunod na nagretiro sa Korean entertainment industry sina Seungri, Joon Young, at Jong Hoon.

Si Joon Young ay unang nakilala nang sumali siya sa reality search na Superstar K4 kung saan naging third place siya.

Pagkatapos nito ay inilunsad siya bilang solo singer hanggang sa maging lead singer siya ng bandang Drug Restaurant.

Ngunit mas nakilala siya bilang miyembro ng hitr reality show na 2 Days 1 Night.

Si Jong Hoon naman ay leader, guitarist, at keyboardist ng rock band na F.T. Island.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean rock stars Jung Joon Young (left) and Choi Jong Hoon (right) get jail sentence for raping a drunk unconscious woman on 2016. According to court documents, Joon Young even filmed the incident and uploaded the clip to a secret chat group.
PHOTO/S: @sun4finger, @ftgtjhc on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results