Prosecution pursues arrest warrant for former Big Bang member Seungri

by Jet Hitosis
Jan 10, 2020
Seoul prosecutors have filed today, January 10, a request for a pretrial detention warrant for former Big Bang member Seungri based on seven charges that resulted from sex bribery and illicit overseas gambling allegations against the disgraced Korean superstar.
PHOTO/S: Photos from Soompi.com, billboard.com

Ipaaaresto ng prosekusyon ang dating K-pop superstar na si Seungri.

Iniulat ng Korean media ngayong Biyernes, January 10, ang paghahain ng Seoul Central District Prosecutors’ Office ng panibagong request para maglabas ang korte ng pretrial detention warrant laban sa dating miyembro ng K-pop group na Big Bang.

Sa report ng pangunahing Korean entertainment website na Soompi.com, nakasaad na ang kahilingan para sa warrant of arrest ay para sa pitong kaso na kinakaharap ng 29-anyos na retiradong singer-actor-record producer.

Nahaharap si Seungri sa mga kasong habitual gambling, paglabag sa Foreign Exchange Transactions Act, pagtangkilik sa prostitution services, pagkakasangkot sa transaksiyon para sa prostitution services, pagsuway sa Food Sanitation Act, embezzlement, at paglabag sa Act on Special Cases Concerning the Punishment, etc. of Sexual Crimes.

May 2019 nang unang hilingin ng prosekusyon ang arrest warrant para sa lima sa nabanggit na mga kasong kinakaharap ni Seungri—Lee Seung Hyun ang tunay na pangalan.

Continue reading below ↓

Pero ibinasura ng korte ang unang petisyon.

ILLICIT OVERSEAS GAMBLING ACCUSATION

Sa panibagong request, idinagdag ng prosekusyon ang mga kasong habitual gambling at paglabag sa Foreign Exchange Transactions Act.

Ito ay kaugnay ng akusasyong illicit overseas gambling, na isinampa laban kay Seungri noong August 28, 2019.

Ayon sa report ng Soompi, nag-ugat ang alegasyon nang ipaalam ng United States Department of the Treasury sa mga Korean authorities ang pagbili umano ni Seungri ng malaking halaga ng casino chips.

Sa naturang transaksiyon, wala umanong record ang Amerika na may perang pumasok sa bansa mula sa South Korea.

SEX BRIBERY CHARGES

Samantala, ang unang limang kaso ay may kinalaman sa eskandalong kinasangkutan ni Seungri sa pagkuha umano ng serbisyo ng prostitutes para sa mga lalaking investors sa kanyang kumpanya, noong 2015.

February 2019 nang mabunyag ang kontrobersiyang ito laban kay Seungri, at nakasuhan siya ng sex bribery pagsapit ng March 10, 2019.

Continue reading below ↓

Nang sumunod na araw, March 11, tinuldukan ni Seungri ang sampung-taong career nang ihayag ang biglaan niyang pagreretiro sa K-pop industry.

Sa Lunes, January 13, 2020 itinakda ang pagdinig ng korte upang matukoy kung may basehan ang panibagong petisyon para sa pretrial detention warrant laban sa dating Big Bang member.

Itinanggi ni Seungri ang mga nabanggit na alegasyon laban sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seoul prosecutors have filed today, January 10, a request for a pretrial detention warrant for former Big Bang member Seungri based on seven charges that resulted from sex bribery and illicit overseas gambling allegations against the disgraced Korean superstar.
PHOTO/S: Photos from Soompi.com, billboard.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results