Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Are Hyun Bin and Son Ye Jin secretly holding hands in Crash Landing On You BTS video?

by Rachelle Siazon
Feb 18, 2020
Hyun Bin's talent management speaks up about dating rumors between actor and Crash Landing On You co-star Son Ye Jin.
PHOTO/S: tvN Youtube Channel

May namuo bang espesyal na ugnayan sa Crash Landing On You stars na sina Hyun Bin at Son Ye Jin?

Sina Hyun Bin, 37, at Son Ye Jin, 38, ang lead stars ng Crash Landing On You, ang top-rating Korean series na nagtapos noong Linggo, February 16.

Sa sobrang patok ng chemistry ng dalawa ay naging tampok ng espekulasyon ang umano'y pagiging malapit ng mga ito off cam.

Hinala ng netizens, tila lihim na magka-holding hands sina Hyun Bin at Son Ye Jin sa isang behind-the-scene (BTS) video ng series.

Sa eksena, kumakain ng chicken at umiinom ng beer sina Ri Jeong-hyuk (Bin) at Yoon Se-ri (Ye Jin) sa isang restaurant sa Pyongyang.

Kilig ang eksenang iyon dahil nakakita sila ng first snowfall, at sinabi ni Se-ri na may pamahiing magkakatuluyan ang couple na sabay makakita ng first snowfall.

Hindi bahagi ng eksena ang mag-holding hands sila, kaya na-excite ang ibang netizens sa BTS na nagpapakita ng diumano'y paghahawak-kamay ng mga ito.

Continue reading below ↓

Nitong February 18, inilabas sa TVN YouTube Channel ang BTS video na iyon mula sa December 29, 2019 episode ng Crash Landing On You.

Pero nilinaw ng agency ni Hyun Bin na hindi magka-holding hands ang aktor at si Son Ye Jin sa BTS video.

"Son Ye Jin is holding her own hand," paglilinaw ng agency na VAST Entertainment.

Base ito sa ulat ng Korean entertainment website na soompi.com.

January 2019 nang unang umugong ang balitang may ugnayan sina Hyun Bin at Son Ye Jin matapos silang mamataang naggo-grocery sa Los Angeles.

Kita sa mga litratong kumalat sa social media na nasa tapat ng beverage section ang dalawa.

Noong una ay idinenay pa ito ng VAST Entertainment, pero kinalaunan ay kinumpirma nilang nagkita nga sa Los Angeles sina Hyun Bin at Son Ye Jin.

Pero sadyang "close friends" lang daw ang mga ito.

Sa presscon ng Crash Landing On You noong December 9, 2019, muling nilinaw nina Hyun Bin at Son Ye Jin na wala silang romantic involvement.

Continue reading below ↓

Ani Hyun Bin, sadyang naging malapit lang siya kay Son Ye Jin matapos nilang gawin ang 2018 film na The Negotiation.

Record-breaking ang finale ng Crash Landing On You dahil nakakuha ito ng average nationwide rating na 21.683 percent at pinakamataas na rating na 24.1 percent, ayon sa Nielsen Korea.

Natalo nito ang previous record ng hit Koreanovela na Goblin, na pinagbidahan nina Gong Yoo, Kim Go Eun, at Lee Dong Wook, na 20.5 percent ang finale rating.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hyun Bin's talent management speaks up about dating rumors between actor and Crash Landing On You co-star Son Ye Jin.
PHOTO/S: tvN Youtube Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results