Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ex-Hollywood producer Harvey Weinstein hospitalized after sexual assault, rape convictions

by Jet Hitosis
Feb 26, 2020
In this screen-grabbed image from a televised report by CBS News, former movie mogul Harvey Weinstein shows up in his sexual assault trial in New York court on February 24. He was later convicted of first-degree criminal sex act and third-degree rape, and will be formally sentenced on March 11.
PHOTO/S: Screengrab from CBS News

Sa halip na sa kulungan, naka-confine ngayon sa ospital sa New York City ang dating Hollywood film producer at convicted rapist na si Harvey Weinstein.

Sumama ang pakiramdam ni Harvey, kaya sa Bellevue Hospital Center siya dumiretso matapos mapatunayang guilty sa criminal sex act at third-degree rape nitong Lunes, February 24, ayon sa Associated Press (AP).

Si Harvey, 67, ang Amerikanong businessman na co-founder ng Miramax Films, isa sa pinakamalalaking Hollywood film producers.

Kasama ni Harvey ang kapatid na si Bob Weinstein nang itatag nila ang Miramax, na nag-produce ng mga pelikulang Pulp Fiction (1994), Flirting With Disaster (1996), at Shakespeare In Love (1998).

Pag-alis nina Harvey at Bob sa Miramax, binuksan ng magkapatid ang film studio na The Weinstein Company noong 2005.

October 5, 2017 nang yanigin ng nakalululang eskandalo ang Hollywood matapos inilathala ng pahayagang New York Times ang mga detalye ng ilang dekada umanong sexual abuse at panghahalay ni Harvey sa iba’t ibang babae sa film industry.

Continue reading below ↓

HARVEY’S VICTIMS INCLUDE ANGELINA JOLIE & GWYNETH PALTROW

Sa kabuuan, mahigit 50 babae ang sunud-sunod na lumantad at nagreklamo ng sexual assault o rape laban sa movie mogul, ayon sa hiwalay na report ng British Broadcasting Corporation (BBC).

Kabilang sa mga nagharap ng sexual harassment complaint kay Harvey ang mga sikat na Hollywood actresses na sina Ashley Judd, Rose McGowan, Salma Hayek, Uma Thurman, Mira Sorvino, Gwyneth Paltrow, at Angelina Jolie.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero kung mayroon mang biktima na nagdiin kay Harvey sa mga kasong sexual assault, ito ay ang 27-anyos na Filipino-Italian Victoria Secret model na si Ambra Batillana Gutierrez.

Nai-record kasi ni Ambra ang naging pag-uusap nila ng film producer noong March 2015, kung saan hinipo nito ang dibdib at hita ng modelo.

Sa ulat ng Hollywood Reporter, ang recording na ito ng pag-uusap nina Ambra at Harvey ay isinulat ni Ronan Farrow, investigative reporter ng The New Yorker, noong 2017.

Continue reading below ↓

Si Ronan ay anak ng Hollywood actress na si Mia Farrow at ng direktor na si Woody Allen.

October ng parehong taon, pinatalsik si Harvey sa The Weinstein Company board.

Kasunod nito, iniwan ang film producer ng kanyang asawang si Georgina Chapman.

Binawi naman ng Harvard University ang Du Bois medal na ibinigay nito kay Harvey noong 2014, at pinatawan pa ng lifetime ban ng Producers Guild of America.

May 25, 2018 nang sumuko sa mga awtoridad si Harvey, at kinasuhan ng rape at sexual abuse ng dalawang hindi pinangalanang babae.

Kinabukasan, May 26, nagpiyansa ng US$1 million ang movie mogul.

Pumayag si Harvey na kabitan ng GPS tracker, at isinuko rin niya ang sariling passport.

May 31, 2018 nang pormal na kinasuhan si Harvey ng New York grand jury ng rape at sexual act dahil sa pambibiktima sa dalawang magkaibang babae noong 2004 at 2013.

Nag-plead ng not guilty ang film producer, pero nagsunud-sunod na ang mga isinampang kaso ng rape at sexual assault laban sa kanya.

Continue reading below ↓

GUILTY HARVEY

At nito ngang February 24, 2020—matapos ang halos dalawang taong paglilitis—nagpataw ng guilty verdict kay Harvey sa first-degree criminal sex act at third-degree rape, ayon sa AP.

Ang criminal sex act ay may kinalaman sa sapilitan niyang pag-oral sex sa isang babae noong 2006, habang ang third-degree rape ay para sa isa pang biktima ni Harvey noong 2013.

Kung pagsasamahin ang hatol sa dalawang kaso, aabot sa lima hanggang 29 taon ang jail sentence ni Harvey, saad pa sa report.

Inabsuwelto naman ang dating film producer sa mas mabigat na kaso ng predatory sexual assault, na kinasasangkutan ng dalawang babae, at sa isang bilang ng first-degree rape.

Samantala, ibinibiyahe si Harvey patungong Rikers Island prison complex nitong Lunes nang tumaas ang kanyang presyon, nanakit ang kanyang dibdib, at dumanas siya ng heart palpitations, ayon sa abogado niyang si Atty. Arthur Aidala.

Ang Rikers Island prison complex ang pinakamalaking kulungan sa New York, at kilala sa karahasan ang pasilidad.

Continue reading below ↓

Nananatili pa rin si Harvey sa prison ward ng Bellevue Hospital Center hanggang nitong Martes ng hapon, February 25 (Miyerkules ng madaling-araw, February 26, sa Pilipinas).

ONE BRAVE AMBRA

Kasunod ng pagbaba ng guilty verdict kay Harvey, ipinost ni Ambra Gutierrez sa Instagram nitong Martes ang kanyang katuwaan sa sinapit ng movie mogul.

Post ni Ambra: "I never before cried of happiness as today, but this is just the start."

Nagpatuloy si Ambra sa pagkukuwento kung paanong nakipagsabwatan siya sa New York Police Department (NYPD) upang maisagawa ang recording laban kay Harvey.

"Yet, the Manhattan District Attorney threw away my case because I wasn’t an ‘ideal’ victim since I’d testified previously against Italian Prime Minister Berlusconi for accusations against him of sex with minors."

Isa si Ambra sa mga tumestigo laban kay Italian Prime Minister Silvio Berlusconi kaugnay ng kinakaharap na sexual assault case ng opisyal noong 2010.

Kaugnay nito, nagpahayag ng suporta si Ambra sa nakabimbing Adult Survivors Act sa New York "to right the wrongs of a system that favors rich and powerful men over the women they abuse."

Continue reading below ↓

Batay sa post ni Ambra, sa pamamagitan ng Adult Survivors Act (ASA) ay makakapaghain na ng reklamo ang adult na biktima ng sexual offense laban sa nambiktima sa kanya.

MORE SEXUAL ASSAULT CHARGES

Sa March 11 nakatakdang basahan ng hatol ang movie mogul, kung saan may pagkakataong makaharap niya ang kanyang dalawang biktima, iniulat ng CNN (Cable News Network).

Continue reading below ↓

Pero hindi pa rito nagtatapos ang mga asunto laban kay Harvey.

Nahaharap din siya sa iba pang mga kaso ng sexual assault at rape sa magkahiwalay na insidente sa Los Angeles.

Una nang itinanggi ni Harvey ang parehong kaso na hindi pa naitakda ang hearing hanggang ngayon.

A VICTORY FOR #METOO?

Matapos mapatunayang guilty si Harvey, nagdiwang ang mga sumusuporta sa global #MeToo Movement.

Ang #MeToo ay isang malawakang pagkilos kontra sa sexual harassment at sexual assault sa kababaihan, partikular sa lugar ng trabaho.

Taong 2017 nang nag-viral ang #MeToo sa social media matapos mabunyag ang ilang dekada ng pang-aabuso ni Harvey sa napakaraming babae.

Ginamit ng social media users—parehong babae at lalaki—ang hashtag upang i-tweet ang sarili nilang karanasan ng sexual assault.

Pero ang katotohanan, ang orihinal na Me Too Movement ay inilunsad sa MySpace noong 2006 ng American civil rights activist at sexual harassment survivor na si Tarana Burke.

Continue reading below ↓

Ilang beses dumanas ng panghahalay si Tarana, 48, simula sa pagkabata hanggang sa magdalaga.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In this screen-grabbed image from a televised report by CBS News, former movie mogul Harvey Weinstein shows up in his sexual assault trial in New York court on February 24. He was later convicted of first-degree criminal sex act and third-degree rape, and will be formally sentenced on March 11.
PHOTO/S: Screengrab from CBS News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results