Bong Joon Ho, Gong Yoo, Song Joong Ki, Park Seo Joon, BTS’s Suga, Lee Seung Gi, other Korean stars donate for COVID-19 fight

by Jet Hitosis
Feb 29, 2020
(Clockwise) Actors Gong Yoo, Song Joong Ki, Lee Seung Gi, and Park Seo Joon; BTS member Suga; and 2020 Oscar Best Director Bong Joon Ho join the rush of Korean celebrities who are donating to help contain the COVID-19 outbreak in South Korea.

Dumadami ang South Korean celebrities na nagtutulung-tulong upang mapigilan ang pagkalat ng novel coronavirus o COVID-19 sa kanilang bansa.

Ito ay kasunod ng pagsirit ng mga bagong kaso ng virus sa South Korea sa nakalipas na mga araw.

Nitong Biyernes, February 28, nakapagtala ang bansa ng 571 bagong COVID-19 cases, iniulat ng Channel News Asia.

Dahil dito, may kabuuang 2,337 na ang nagpositibo sa virus sa South Korea, ayon sa Korea Centers for Disease Control and Prevention.

Labintatlo sa mga ito ang namatay sa naturang virus.

Sa South Korea naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa labas ng China, kung saan nagsimula ang virus.

Sa kasalukuyan, ayon sa Channel News Asia, kumalat na ang virus sa mahigit 50 bansa.

May kabuuang 80,000 na ang nahawahan ng COVID-19 sa buong mundo, at lampas 2,700 sa mga ito ang namatay.

Kasabay ng hindi inaasahang virus outbreak sa South Korea, nagpaabot ng suporta at donasyon ang mga bida ng top-rating Korean series na Crash Landing On You na sina Hyun Bin at Son Ye Jin.

Continue reading below ↓

February 21 nang lumiham si Hyun Bin—gamit ang mga lengguwaheng Korean, Japanese, Chinese, at English—upang magpaabot ng suporta sa mga pasyente at magpasalamat sa medical workers na nagsisikap mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Nitong Miyerkules, February 26, nag-donate si Son Ye Jin ng 100 million won (PHP4.2 million) para sa gamutan ng mga may COVID-19 sa kanyang bayan, ang Daegu City.

Ang Daegu ang maituturing na epicenter ng virus sa South Korea.

Ninety percent kasi ng kabuuang COVID-19 cases ay naitala sa lungsod.

OSCAR WINNERS EXTEND HELP

Huwebes, February 27, kinumpirma ng Korea Disaster Relief Association na tig-100 million din ang ibinigay na donasyon ng direktor at ng bida ng Oscar-winning movie na Parasite na sina Bong Joon Ho at Song Kang Ho, ayon sa pagkakasunod.

Ito ay ayon sa report ng CNN Philippines nitong Biyernes.

Sa isang Twitter post, inihayag ng Hope Bridge Korea Disaster Relief Association ang natanggap nitong donasyon mula sa dalawa.

Continue reading below ↓

Bukod sa historical na pagkapanalo ng Parasite bilang unang Asian at non-English language film na nagwaging Oscar Best Picture, naiuwi rin ni Bong Joon Ho ang Oscar Best Director trophy.

Ginanap ang 92nd Academy Awards sa Los Angeles California noong February 9.

SUGA, PARK SEO JOON DONATE FOR DAEGU

Parehong halaga ng cash donation ang ibinigay nitong Biyernes ni Suga, miyembro ng sikat na Korean boy band na BTS, ayon sa hiwalay na report ng Yonhap News Agency.

Continue reading below ↓

Idinaan ni Suga sa Hope Bridge ang kanyang donasyon para sa gamutan ng mga pasyente ng COVID-19, partikular na sa Daegu.

Tulad ni Son Ye Jin, si Suga ay tubong Daegu rin.

Isa pang taga-Daegu ang nag-donate ng 100 million won sa lungsod, ang bida ng Korean TV series na Itaewon Class na si Park Seo Joon.

Kabilang si Park Seo Joon sa mga Korean stars na humingi ng dasal para sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas noong nakaraang buwan.

Continue reading below ↓

100M WON EACH FROM GONG YOO, SONG JOONG KI, AND IU

Tig-100 million won din ang donasyon ng Korean A-list actors na sina Gong Yoo at Song Joong Ki, at ng singer na si Lee Seung Gi, upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa South Korea, ulat pa rin ng Yonhap.

Parehong halaga rin ang ibinigay ng veteran actors na sina Kim Hye-soo at Jung Woo-sung, at ng kapwa dating all-girl group members na sina Bae Suzy at Hyeri.

Ang sikat na Korean singer na si IU, 100 million won ang ibinigay sa South Korean non-governmental association na Good Neighbors.

Bukod dito, nag-donate si IU ng 3,000 anti-contamination suits sa Korean Medical Association, iniulat ng Yonhap.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Actors Gong Yoo, Song Joong Ki, Lee Seung Gi, and Park Seo Joon; BTS member Suga; and 2020 Oscar Best Director Bong Joon Ho join the rush of Korean celebrities who are donating to help contain the COVID-19 outbreak in South Korea.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results