Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Hollywood actor Tom Hanks, wife Rita Wilson test positive for coronavirus

by Bernie V. Franco
Mar 12, 2020
Hollywood actor Tom Hanks announces on social media that he and wife Rita Wilson, while in Australia, have been diagnosed as positive for coronavirus or COVID-19.
PHOTO/S: @ritawilson on Instagram

Nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 ang Hollywood actor na si Tom Hanks at ang kanyang asawang si Rita Wilson.

Ibinunyag ng 63-anyos na two-time Oscar winner ang impormasyong ito sa kanyang verified social media accounts sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Ayon sa American actor, kasalukuyan silang nasa Australia ng kanyang misis na si Rita, 63.

Nakaramdam daw sila ng mga sintomas kagaya ng lagnat, pananakit ng katawan, at sipon.

“Hello, folks. Rita and I are down here in Australia,” bungad ni Tom sa kanyang posts.

“We felt a bit tired, like we had colds, and some body aches.

“Rita had some chills that came and went. Slight fevers too.”

Sumunod niyang pahayag: “To play things right, as is needed in the world right now, we were tested for the Coronavirus, and were found to be positive.”

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga karaniwang sintomas ng COVID-19 ay lagnat, ubo, at hirap sa paghinga.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Tom, susunod sila sa medical protocol kaugnay ng COVID-19 at sasailalim sila sa mga pagsusuri.

Tiniyak din ni Tom na magbibigay siya ng update sa kanilang kalagayan.

“Well, now. What to do next?

“The Medical Officials have protocols that must be followed.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“We Hanks’ will be tested, observed, and isolated for as long as public health and safety requires.

“Not much more to it than a one-day-at-a-time approach, no?

“We’ll keep the world posted and updated.

“Take care of yourselves!

“Hanx!”

Continue reading below ↓

Nasa Australia sina Tom at Rita para sa pre-production ng untitled Elvis Presely movie na ididirek ni Baz Luhrmann (Moulin Rouge).

Gagampanan ni Tom sa pelikula ang role ng longtime manager ni Elvis na si Colonel Tom Parker.

Nanalo si Tom bilang Best Actor sa Oscars para sa mga pelikulang Philadelphia (1993) at Forrest Gump (1994).

Continue reading below ↓

Ilan pa sa mga pelikula niya ay ang Sleepless in Seattle (1993), Cast Away (2000), The Da Vinci Code (2006), Angels & Demons (2009), Captain Phillips (2013), Saving Mr. Banks (2013), Inferno (2016), at ang Toy Story franchise.

COVID-19 DECLARED PANDEMIC

Nitong Miyerkules, March 11, idineklara ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ang COVID-19 na isa nang pandemic, o ang sabay-sabay na pagkalat ng isang epidemya sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa pahayag ng WHO chief, nasa 118,000 na ang kaso ng COVID-19 sa 114 na bansa; at 4,291 katao na ang namamatay dahil dito.

Sinabi rin ni Ghebreyesus na inaasahan nilang madadagdagan pa ang bilang ng mga maaapektuhan ng virus.

Habang isinusulat ang balitang ito, ang Australia ay mayroong 139 kaso ng COVID-19.

Sa Pilipinas, mayroon nang 49 confirmed cases ng COVID-19.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hollywood actor Tom Hanks announces on social media that he and wife Rita Wilson, while in Australia, have been diagnosed as positive for coronavirus or COVID-19.
PHOTO/S: @ritawilson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results