Hollywood producer Harvey Weinstein sentenced to 23 years in prison for sexual assault, rape

by Jet Hitosis
Mar 12, 2020
Harvey Weinstein speaks during his sentencing hearing on March 11, addressing his accusers: “I really feel remorse for this situation. I feel it deeply in my heart. I will spend my time really caring and really trying to be a better person."
PHOTO/S: Screengrab from CBS News

Hinatulan ng 23 taong pagkakakulong sa salang rape at sexual assault ang dating Hollywood film producer na si Harvey Weinstein.

Ang makasaysayan at nakakahiyang downfall ni Harvey, 67, mula sa pagiging isa sa most powerful Hollywood figures, ang nagpasimula sa #MeToo Movement.

Ang #MeToo ay isang global movement ng kababaihan laban sa seksuwal na pang-aabuso, at ang inaakusahang nang-aabuso ay karaniwang makapangyarihang tao sa lugar ng trabaho.

Nag-viral ang #MeToo sa social media noong 2017, kasunod ng pagkakabunyag sa ilang dekada ng panghahalay at sexual assault ni Harvey sa napakaraming babae.

Kabilang sa mga nagharap ng sexual harassment complaint kay Harvey ay ang mga sikat na Hollywood actresses na sina Ashley Judd, Rose McGowan, Salma Hayek, Uma Thurman, Mira Sorvino, Gwyneth Paltrow, at Angelina Jolie.

Nabiktima rin ni Harvey ang Filipino-Italian Victoria Secret model na si Ambra Batillana Gutierrez.

Sa Instagram post ni Ambra ngayong Huwebes, March 12, makikita ang litrato niya sa labas ng Supreme Court, may tipid na ngiti habang nakatingin sa camera.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Ambra na masaya siya sa naging hatol kay Harvey "and it's like a heavy weight came off my chest."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

TWO VICTIMS CONFRONT HARVEY

Sa sentencing hearing ng New York court kay Harvey nitong Miyerkules, March 11, anim sa mga babaeng nag-aakusa sa kanya ang dumalo, iniulat ng CNN.

Continue reading below ↓

Kabilang sa kanila ang production crew member na si Miriam Haleyi at ang aktres na si Jessica Mann.

Ayon kay Miriam, puwersahang nagsagawa ng oral sex si Harvey sa kanya sa apartment ng producer sa Manhattan noong 2006.

Reklamo naman ni Jessica, ginahasa siya ni Harvey sa isang Manhattan hotel noong 2013, sa panahong kontrolado siya nito sa isang abusive relationship.

Tumestigo ang apat na iba pang babae upang patotohanan ang testimonya nina Miriam at Jessica.

Ayon sa CNN report, ang mga reklamo nina Miriam at Jessica ang pinagbatayan ni Judge James Burke sa hatol sa dating film producer.

Hinatulan si Harvey na makulong ng 20 taon sa criminal sexual act kay Miriam, at tatlong taon sa panghahalay kay Jessica.

“I REALLY FEEL REMORSE”

Dagdag pa sa report, bago basahan ng hatol ay nagsalita si Harvey, habang nakaposas sa pagkakaupo sa wheelchair.

Hindi tumestigo si Harvey sa buong panahon ng dalawang taong paglilitis, kaya hindi inaasahan—maging ng kanyang mga abogado—ang biglaan niyang pagbibigay ng statement.

Continue reading below ↓

Quoted ng CNN si Harvey: “First, to all of the women who testified, we may have different truths, but I have great remorse for you.

“I really feel remorse for this situation,” patuloy ng dating Hollywood producer sa napakahinang boses.

“I feel it deeply in my heart.

“I will spend my time really caring and really trying to be a better person.

“I'm not going to say these aren't great people, I had wonderful times with these people, you know.

“It is just I'm totally confused, and I think men are confused about all of these issues,” aniya.

Nanindigan si Harvey na limang taon niyang karelasyon si Jessica.

ABANDONED BY CHILDREN, EX-WIFE, COLLEAGUES

Sa pagpapatuloy ni Harvey, binigyang-diin nito ang pagkakawanggawa niya sa iba’t ibang charity institutions sa loob ng maraming taon.

Naghimutok din ang dating movie mogul na hindi na niya nakikita at nakakausap ang tatlong pinakamatatanda sa kanyang mga anak simula nang pumutok ang eskandalo noong October 2017.

Continue reading below ↓

“I just have no idea what they’re doing, and I have no communication with them.

“That for me is hell on Earth,” ani Harvey.

Sa mga huling buwan ng 2017, dala ng kontrobersiya, pinatalsik ang film producer sa kumpanya niyang The Weinstein Company.

Makalipas ang ilang araw, diniborsiyo siya ng asawang si Georgina Chapman.

Kaya naman sa pahayag niya sa korte nitong Miyerkules, sinabi ni Harvey na kung maaari lang niyang ulitin ang kanyang buhay, it ay “[would] care less about the movies and care more about my children, family and other people and friends in this life.”

MORE PENDING RAPE, SEXUAL BATTERY CHARGES

Inaasahan nang iaapela ng mga abogado ni Harvey ang hatol sa kanya.

Gayunman, ayon sa CNN report, bibihirang mangyari na binabaligtad ng appeal’s court ang desisyon ng jury, at magsimulang muli ng paglilitis.

Bukod dito, may apat pang kaso ng rape at sexual battery na kinakaharap si Harvey sa Los Angeles, California.

Continue reading below ↓

HARVEY HOSPITALIZED AGAIN

Ilang oras matapos mahatulan nitong Miyerkules, isinugod sa Bellevue Hospital sa Manhattan si Harvey.

Dumaing kasi siya ng pananakit ng dibdib.

Noong February, pagkatapos ma-convict sa parehong mga kaso, dumiretso rin sa nabanggit na ospital si Harvey dahil sa alta-presyon at heart palpitations.

Dahil dito, inoperahan siya sa puso, ‘tsaka inilipat sa infirmary unit ng kanyang piitan, ang Rikers Island.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Harvey Weinstein speaks during his sentencing hearing on March 11, addressing his accusers: “I really feel remorse for this situation. I feel it deeply in my heart. I will spend my time really caring and really trying to be a better person."
PHOTO/S: Screengrab from CBS News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results