Canadian Prime Minister Justine Trudeau on self-quarantine; wife tests positive for COVID-19

by Rachelle Siazon
Mar 13, 2020
Canadian Prime Minister Justin Trudeau, sumailalim sa "self-isolation" at ipinagpatuloy ang trabaho sa pamamagitan ng phone conferences matapos magpositibo sa COVID-19 ang maybahay na si Sophie.
PHOTO/S: @justinpjtrudeau / @sophiegregoiretrudeau Instagram

Si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay sumailalim na sa self-quarantine matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang maybahay niyang si Sophie Grégoire Trudeau.

Bandang 2 a.m. ng March 13 (Philippine time) ay inanunsiyo ni Trudeau sa kanyang Twitter account na nakitaan ng "mild flu-like symptoms" ang kanyang asawa.

Nanggaling daw ang kanyang misis sa isang speaking engagement sa United Kingdom.

Ani Trudeau: "I have some personal news to share today.

"Sophie recently returned from a speaking event in the UK, and last night she was experiencing mild flu-like symptoms.

"She‘s feeling better, but following the advice of our doctor she is self-isolating, as we wait on COVID-19 test results."

SOPHIE TRUDEAU'S CONDITION

Matapos ang humigit-kumulang siyam na oras, lumabas ang ulat na kumpirmadong dinapuan ng COVID-19 ang misis ng Canadian prime minister.

Sa isang official statement na nailathala sa BBC.com, sabi ni Mrs. Trudeau: "Although I'm experiencing uncomfortable symptoms of the virus, I will be back on my feet soon.

Continue reading below ↓

"We will get through this situation together.

"Please share the facts and take your health seriously."

JUSTIN TRUDEAU'S STATEMENT

Ayon pa sa ulat, walang nararanasang sintomas ng COVID-19 ang Canadian prime minister.

Pero postponed na raw ang nakatakda nitong meetings sa probinsiya ng Ottawa.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa halip ay patuloy itong nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng phone conferences.

"Out of an abundance of caution, I too will be self-isolating & self-monitoring until we get Sophie‘s results back.

"But I‘ll be busy working from home. Today, I‘ll be speaking with some world leaders and joining ministers for a Cabinet committee discussion on COVID-19."

Tweet pa niya, "I was looking forward to sitting down with premiers and Indigenous leaders later today, but given the circumstances we‘ll be postponing our meeting.

"In the meantime, we‘ll speak on the phone about how we can mitigate the spread and impact of COVID-19 and keep Canadians safe."

Continue reading below ↓

RIVERDALE PRODUCTION SUSPENDED

Sinuspinde naman ng sikat na CW series na Riverdale ang taping ng bagong episodes sa Vancouver, Canada.

Ito ay dahil sa isang production member na nagkaroon ng contact sa isang COVID-19 positive patient.

Ang Riverdale ay pinagbibidahan nina KJ Apa, Cole Sprouse, Camila Mendes, at Lili Reinhart.

Sabi sa official statement ng Warner Bros. Television (WBTV), producer ng Riverdale:

"We have been made aware that a team member from Riverdale, which is produced in Vancouver, was recently in contact with a person who has tested positive for COVID-19.

"The team member is currently receiving medical evaluation."

Base sa ulat ng Variety.com, nakipag-ugnayan na rin ang WBTV sa awtoridad para sa karampatang contact tracing o pag-imbestiga sa mga nakahalubilo ng kanilang production member.

"We have and will continue to take precautions to protect everyone who works on our productions around the world," dagdag ng WBTV.

TOM HANKS AND WIFE

Kahapon, March 13 (Philippine Time), naiulat naman na ang Hollywood actor na si Tom Hanks at misis nitong si Rita Wilson ay parehong nagpositibo sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Nakaramdam daw sila ng mga sintomas kagaya ng lagnat, pananakit ng katawan, at sipon.

Sa kasalukuyan ay nasa Australia ang mag-asawa at tiniyak na sinusunod nila ang protocols ng medical officials doon.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Canadian Prime Minister Justin Trudeau, sumailalim sa "self-isolation" at ipinagpatuloy ang trabaho sa pamamagitan ng phone conferences matapos magpositibo sa COVID-19 ang maybahay na si Sophie.
PHOTO/S: @justinpjtrudeau / @sophiegregoiretrudeau Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results