Celebrities Orlando Bloom, Heidi Klum, Cristiano Ronaldo disrupt lives and routine; Spanish Prime Minister’s wife positive for virus

by Bernie V. Franco
Mar 15, 2020
Hollywood celebrities Orlando Bloom (left) and Heidi Klum (center), and football superstar Cristiano Ronaldo have all been affected by the coronavirus disease. Previously, Tom Hanks and wife Rita Wilson confirmed that they had tested positive for the virus.
PHOTO/S: @orlandobloom, @heidiklum, and @cristiano on Instagram

Walang sini-sino, walang sina-santo.

Ito ang pinatunayan ng novel coronavirus disease, o COVID-19, na idineklarang pandemic ng World Health Organization noong March 11.

Itinuturing na pandemic ang isang epidemya kapag nararanasan ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo nang sabay-sabay.

Kahit mga foreign celebrities, politicians, athletes, at iba pang kilalang personalities ay hindi nakaligtas sa bagsik ng COVID-19.

TOM HANKS, RITA WILSON

March 12, ipinost ng Oscar winner na si Tom Hanks na siya at ang actress-wife na si Rita Wilson ay nagpositibo sa COVID-19 habang nasa Australia para sa isang upcoming movie project.

Kinabukasan, March 13, nagbigay ng update si Tom sa kalagayan nilang mag-asawa.

Paalala niya, ang pagsunod sa payo ng mga medical experts at pangangalaga sa sarili ang higit na makakatulong sa pag-iwas at paglabas sa sakit.

Post ng American actor: “We have Covid-19 and are in isolation so we do not spread it to anyone else.

Continue reading below ↓

“There are those for whom it could lead to a very serious illness.

“We are taking it one-day-at-a-time.

“There are things we can all do to get through this by following the advice of experts and taking care of ourselves and each other, no?”

">

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

ORLANDO BLOOM, KATY PERRY

March 12 (U.S. time) ay nag-post ng video via Instagram Story ang English actor na si Orlando Bloom at sinabing na-pack-up ang taping ng kanilang TV series na Carnival Row sa Czech Republic bunsod ng pandemic.

Anang 43-anyos na aktor: "It's farewell from us as we're going home to be quarantined.

"We're coming home to the States. At least I'm coming home to the States because we want to get in before the quarantine."

Sa kanyang Instagram Story nitong Sabado March 14, nag-post ng paglilinaw si Orlando tungkol sa kanyang voluntary self-quarantine.

Aniya, nasuspinde ang taping nila ng project bilang “wise precautionary measure due to the events unfolding globally regarding COVID-19.”

Pagdidiin niya: “There have been no reported cases of COVID-19 on our set or on our production.”

Continue reading below ↓

March 13, Biyernes, umalis sa Australia ang fiancée ni Orlando na si Katy Perry at nakansela ang kanyang press conferences at benefit concert doon, kasunod ng balitang nag-positive sa COVID-19 ang aktor na si Tom Hanks at asawang si Rita Wilson, ayon sa international entertainment sites.

Nito lamang unang linggo ng March ay inanunsiyo ni Katy na dinadala niya ang anak nila ni Orlando.

HEIDI KLUM

Ngayong Linggo ng umaga, March 15, nag-post via Instagram ang international model at America’s Got Talent judge na si Heidi Klum na kasalukuyan nilang hinihintay ang resulta ng pagpapa-test nila ng COVID-19.

Anang German-American model-TV host, isang linggo na siyang maysakit.

Post ni Heidi: “Like many of you, I also have been sick all week and, unfortunately, my husband who returned from his tour a couple of days ago is also feeling ill.”

Ang asawa ni Heidi ay si Tom Kaulitz, ang guitarist ng German band na Tokio Hotel.

Continue reading below ↓

“To be safe, we are staying apart until we get the results of our Coronavirus tests (that we were finally able to get today) back.

“We don’t want to spread germs and risk others getting sicker... even each other! As much as I want to embrace him and kiss him, it is more important to do the right thing and not spread further.”

Apela pa niya: “Social distancing is what we all need to do right now to be responsible citizens of the world.

“We are all in this together and it is up to us to protect our loved ones, and our neighbors and our communities.

“Please listen to the officials and stay at home if you can and physically distance yourself from other people… especially if you are not feeling well.”

Continue reading below ↓

ITALIAN AND THAI ACTORS

Nauna na ring nasulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang masaklap na karanasan ng Italian actor na si Luca Franzese, dahil binawian ng buhay ang kapatid nitong si Teresa dahil sa COVID-19.

Nag-viral si Luca dahil sa ginawa niyang post sa social media tungkol sa pag-abandona sa kanya ng undertakers para tulungan ang aktor mailibing ang labi ng kanyang kapatid.

Pero rumesponde ang mga kinauukulan makalipas ang 36 hours matapos i-post ni Luca ang video.

Sa kasalukuyan, ang Italy ang isa sa mga pinakamatinding tinamaan ng COVID-19, na may higit sa 21,000 kaso at higit sa 1,400 reported deaths.

Idinaan din sa Instagram ng Thai actor na si Matthew Deane ang pag-anunsiyong nagpositibo siya sa COVID-19.

"This is NOT a joke, for those that have been in close contact with me the last few days please take precautions. I have the Covid-19 virus#covid 19," post ng aktor.

Kasalukuyang napapanood si Matthew sa Thai drama series na The Crown Princess, na ipinapalabas sa GMA-7.

Continue reading below ↓

CRISTIANO RONALDO

Napaulat ding nasa quarantine ang Portuguese professional football superstar na si Cristiano Ronaldo sa kanyang hometown matapos mag-positive sa virus ang isa niyang teammate.

Pero walang sintomas ng virus si Cristiano at ang kanyang pamilya, ayon kay Pedro Ramos, miyembro ng Madeira regional government na nangangasiwa sa kalusugan.

Ang Madeira ay isang autonomous region sa Portugal.

Sa kanyang social media accounts naman, nag-post nitong weekend ng statement ang football star ng panawagan sa gitna ng epidemya.

Umaapela si Ronaldo na sumunod sa mga mungkahi ng World Health Organization sa pagharap sa banta ng kasalukuyang pandemic.

Continue reading below ↓

RUDY GOBERT, DONOVAN MITCHELL

Kinansela na rin ang basketball season ng National Basketball Association (NBA) sa U.S. matapos magpositibo sa COVID-19 ang Utah Jazz Player na si Rudy Gobert.

Nagpositibo rin ang teammate nitong si Donoval Mitchell.

Indefinite suspension ang ginawa ng NBA league kaya hindi pa tiyak kung kailan ito magre-resume.

Sa kasalukuyan, ang U.S. ay may halos 3,000 confirmed cases at 60 na ang namamatay.

PRIME MINISTERS’ WIVES POSITIVE FOR COVID-19

Ngayong linggo, nabalita na nagpositibo sa COVID-19 si Begota Gomez, asawa ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez.

Ang kumpirmasyon ay galing mismo sa office ng Spanish Prime Minister.

Nasa mabuting kalagayan naman daw ang mag-asawa at sumusunod sa bilin ng medical authorities, ayon sa abcnews.go.com

Napaulat din noong March 13 na kinumpirma ng office ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na positibo sa virus ang asawa niyang si Sophie Gregoire Trudeau.

Bunsod nito, ipinahayag ng Prime Minister's office na sasailalim sa 14-day quarantine ang Canadian Prime Minister.

Continue reading below ↓

"The Prime Minister is in good health with no symptoms. As a precautionary measure and following the advice of doctors, he will be in isolation for a planned period of 14 days," ayon sa office ni Trudeau.

SENATORS, BIANCA MANALO GO INTO SELF-QUARANTINE

Noong March 12, nag-status ang aktres na si Bianca Manalo para sabihing sasailalim siya sa self-quarantine dahil sa exposure ng kanyang boyfriend na si Senator Sherwin Gatchalian sa resource person sa Senado na positibo sa COVID-19.

Bukod kay Senator Gatchalian, nag-self-quarantine din ang fellow senators niyang sina Senators Bong Revilla at Nancy Binay.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hollywood celebrities Orlando Bloom (left) and Heidi Klum (center), and football superstar Cristiano Ronaldo have all been affected by the coronavirus disease. Previously, Tom Hanks and wife Rita Wilson confirmed that they had tested positive for the virus.
PHOTO/S: @orlandobloom, @heidiklum, and @cristiano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results