Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Game of Thrones actor Kristofer Hivyu, ex-Bond girl Olga Kurylenko test positive for COVID-19

by Jet Hitosis
Mar 17, 2020
Game of Thrones actor Kristofer Hivyu (left) and former Bond girl Olga Kurylenko (right) announce via Instagram that they tested positive for COVID-19.
PHOTO/S: @khivyu, @olgakurylenkoofficial on Instagram

Nadagdagan pa ang international celebrities na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Kabilang sa mga bagong biktima ng COVID-19 pandemic ang Game of Thrones actor na si Kristofer Hivyu, 41, at ang dating James Bond leading lady na si Olga Kurylenko, 40.

Lunes, March 16, nang ianunsiyo ni Kristofer sa Instagram na kasalukuyan siyang naka-isolate, kasama ang kanyang pamilya, matapos siyang magpositibo sa virus.

Nasa Norway ngayon si Kristofer, na gumanap na Tormund Giantsbane sa Game of Thrones.

Bukod sa sikat na HBO series, napanood din ang Norwegian actor sa TV series na Beck, at sa pelikulang The Fate of the Furious (2017).

SELF-ISOLATING WITH MILD COLD SYMPTOMS

Post ni Kristofer (published as is): “Sorry to say that I, today, have tested positive for COVID19, Corona virus.

“My familiy and I are self-isolating at home for as long as it takes.

“We are in good health - I only have mild symptoms of a cold.”

Continue reading below ↓

Kasunod nito, pinayuhan ni Kristofer ang kanyang Instagram followers na doblehin ang pag-iingat upang maprotektahan ang sarili laban sa COVID-19.

“There are people at higher risk for who this virus might be a devastating diagnosis, so I urge all of you to be extremely careful; wash your hands, keep 1,5 meters distance from others, go in quarantine; just do everything you can to stop the virus from spreading.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Together we can fight this virus and avert a crisis at our hospitals.

“Please take care of each other, keep your distance, and stay healthy!”

Continue reading below ↓

ALMOST A WEEK OF FEVER AND FATIGUE

Sa Instagram din inamin ni Olga nitong Linggo, March 15, na kumpirmadong may COVID-19 siya.

Si Olga ay gumanap bilang Camille Montes sa 2008 James Bond film na Quantum of Solace, na pinagbidahan ni Daniel Craig.

Napanood din ang Ukrainian-born French actress-model sa mga pelikulang Oblivion (2013), The Water Diviner (2014), at Johnny English Strikes Again (2018).

Sa Instagram post ni Olga, sinabi niyang halos isang linggo na siyang nakakaramdam ng sobrang pagod, bukod pa sa nilalagnat.

Mababasa sa post ni Olga: “Locked up at home after having tested positive for Coronavirus.

“I’ve actually been ill for almost a week now.

“Fever and fatigue are my main symptoms.

“Take care of yourself and do take this seriously!”

Continue reading below ↓

OTHER COVID-19 POSITIVE CELEBRITIES

Nagpositibo rin sa COVID-19 ang English actor-producer-musician na si Idris Elba.

Ang legendary Hollywood actor na si Tom Hanks ang unang international celebrity na nalaman ng publikong nagpositibo sa COVID-19.

Dinapuan din ng virus ang asawa niyang si Rita Wilson, at magkasama silang na-isolate sa Australia.

Continue reading below ↓

Nasa Australia ang mag-asawa para sa isang film shooting ni Tom.

Pero sa latest update ng CNN, kumpirmadong nakalabas na ng ospital sina Tom at Rita, at naka-self quarantine ngayon sa kanilang bahay sa Australia.

Nagpositibo rin sa COVID-19 ang Thai actor-singer na si Matthew Deane at ang Australian singer-songwriter na si Thelma Plum.

Continue reading below ↓

Batay sa latest situation report ng World Health Organization (WHO) nitong March 16, nasa 168,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mundo.

Mahigit 6,600 sa bilang na ito ang binawian ng buhay.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Game of Thrones actor Kristofer Hivyu (left) and former Bond girl Olga Kurylenko (right) announce via Instagram that they tested positive for COVID-19.
PHOTO/S: @khivyu, @olgakurylenkoofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results