Uruguay fashion designer infects 44 people at wedding party; will be charged with "spreading of contagious diseases"

by Jet Hitosis
Mar 23, 2020
Uruguay fashion designer-socialite Carmela Hontou may be held personally responsible for the COVID-19 outbreak in her country after attending a 500-person wedding party despite a fever, and only hours after arriving from Spain. Forty-four attendees at the party were confirmed to have contracted the virus.
PHOTO/S: @carmela_hontou on Instagram

Sinisisi ang isang fashion designer-socialite sa biglaang paglobo ng kaso ng coronavirus disease sa bansang Uruguay.

Ayon sa ulat ng British newspaper na Daily Mail, nilalagnat ang fashion designer na si Carmela Hontou, 57, nang dumalo sa isang engrandeng wedding party nitong March 7.

Kababalik pa lang noon ni Carmela sa Uruguay mula sa Spain.

Nasa 500 katao ang attendees sa party, na idinaos sa Montevideo, ang capital ng bansa.

Noong March 12, nakapagtala ang Uruguay ng apat na nagpositibo sa COVID-19, pero bigla itong lumobo sa 79 nitong March 18, report ng Daily Mail.

Iniulat ng Uruguayan health authorities na 44 sa dumalo sa wedding party ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19.

Kung susumahin, mahigit sa kalahati ng 79 COVID-19 cases sa Uruguay ay nahawahan sa iisang party at nagmula ang lahat sa iisang tao.

May 392 na iba pa under monitoring, ayon sa hiwalay na report ng The Guardian.

Continue reading below ↓

“TERRORIST” CARMELA TO FACE CHARGES

Sa interview kay Carmela ng Argentinian news site na Infobae, nagpahayag siya ng pagkagulat sa paninisi sa kanya sa biglaang pagdami ng COVID-19 cases sa Uruguay.

“They are saying I'm a terrorist who brought the virus to kill everyone,” ang translated quote ng Daily Mail kay Carmela.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon sa media reports, posibleng makasuhan si Carmela ng paglabag sa Article 224 ng Penal Code ng Uruguay ukol sa “spreading of contagious diseases.”

Napaulat na iniimbestigahan na rin ng prosecutors ang dalawang anak na lalaki ng designer dahil sa pagbisita sa kanilang ina.

Isa itong paglabag sa quarantine rules ng Uruguay.

CARMELA HAD TWO LUNCH DATES

Sa parehong interview ng InfoBae kay Carmela, ipinagtanggol niya ang sarili sa pagdalo sa kasalan.

Hindi man direkta, itinanggi niyang sa kanya nanggaling ang virus sa party.

Ayon kay Carmela, nakipag-lunch pa nga siya sa kanyang 84-anyos na ina pagdating niya galing sa Spain.

Kuwento pa ng designer, kinabukasan, pagkatapos ng wedding party, pumunta siya sa isa pang lunch “where there were also a lot of people.”

Continue reading below ↓

SPAIN HAS THE THIRD LARGEST COVID OUTBREAK

Sa naturang panayam sa Argentine media, ibinunyag ng designer na una na siyang bumisita sa Madrid, Spain, noong January.

Pagdating sa Uruguay, ayon sa Daily Mail, nilagnat si Carmela ng aabot sa 41 degrees.

Ayon kay Carmela, nang tanungin niya ang doktor tungkol sa posibilidad na may COVID-19 siya, binalewala lang umano nito ang kanyang pag-aalala.

Ayon pa kay Carmela, dahil sa takot niyang mahawahan ng virus ay nagsuot siya ng face mask nang bumalik siya sa Spain noong February 22.

Mula sa Spain, nitong March 7 lang umuwi ng Uruguay ang designer.

Pangatlo ang Spain sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa mundo, kasunod ng Italy at China.

Umabot na sa 24,926 ang nagpositibo sa virus sa Spain, 53,578 sa Italy, at 81,498 sa China, batay sa latest situation report ng World Health Organization (WHO) nitong March 22.

HARVEY WEINSTEIN TESTS POSITIVE

Maraming international celebrities na ang dinapuan ng COVID-19 sa nakalipas na mga linggo.

Continue reading below ↓

Ngayong Lunes, March 23, iniulat ng Reuters na nagpositibo sa virus ang dating Hollywood film producer at convicted rapist na si Harvey Weinstein.

Naka-isolate ngayon sa Wende Correctional Facility sa New York si Harvey, 68, base sa Reuters report.

Kusa namang umamin na COVID-19 positive ang American actors na sina Daniel Dae Kim at Rachel Matthews, ang English actor-musician na si Idris Elba, at ang Thai actor na si Matthew Deane.

Biktima rin ng pandemic ang Game of Thrones actor na si Kristofer Hivyu, ang dating Bond girl na si Olga Kurylenko, ang Hollywood legend na si Tom Hanks at ang asawa niyang si Rita Wilson.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Uruguay fashion designer-socialite Carmela Hontou may be held personally responsible for the COVID-19 outbreak in her country after attending a 500-person wedding party despite a fever, and only hours after arriving from Spain. Forty-four attendees at the party were confirmed to have contracted the virus.
PHOTO/S: @carmela_hontou on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results