K-pop idol Kim Jaejoong trashed by own fans for COVID-19 prank on April Fool’s Day

by Jet Hitosis
Apr 1, 2020
South Korean pop group JYJ member Kim Jaejoong announces today, April 1, on Instagram that he tested positive for COVID-19 and currently being treated in a hospital. Later, he edited his post to clarify that what he posted was meant for April Fool’s Day.
PHOTO/S: @jj_1986_jj on Instagram

Nag-trend ang South Korean singer-songwriter na si Kim Jaejoong dahil sa kanyang post ngayong April Fool’s Day.

Pero hindi natutuwa ang fans ng 34-anyos na miyembro ng Korean pop group na JYJ.

Nagpanggap kasi si Jaejoong na nahawahan ng coronavirus disease o COVID-19.

Pero ayon sa K-pop star, gusto lang daw niyang magkaroon ng awareness ang publiko tungkol sa pandemic.

At napatunayan naman niyang “so many people worried about me.”

JAEJOONG ANNOUNCES HE’S HOSPITALIZED WITH COVID-19

Miyerkules ng umaga, April 1, nang mag-post si Jaejoong sa Instagram na nagpositibo siya sa COVID-19, at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Itim na background lang ang image ng post.

Ang post na ito ng K-pop idol ay na-pick up pa ng ilang Korean entertainment websites, kabilang ang Koreaboo.

Saad sa post ni Jaejoong na translated ng Koreaboo:

“I have contracted Coronavirus.

“It was careless of me to live disregarding all of the cautions provided by the government and those around me.

Continue reading below ↓

“Just how big could one individual’s behavior impact all of society be…

“I am sorry to those who could have been infected by me.

“The stupid judgments I made, it’s how I became like this. I lived thinking it would never happen to me.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“I am currently hospitalized.

“I currently feel grateful and apologetic, reflecting on my past.

“There are so many things I want to say…

“There are so many people I want to see…”

Kaagad na nakakuha ng libu-libong likes ang post na ito ni Jaejoong.

Sa report ng isa pang K-pop website, ang Soompi, sinabi ng CJeS Entertainment na kasalukuyang nasa Japan ang singer.

Ang CJeS ang talent agency ni Jaejoong.

Kinukumpirma pa raw ng CJeS kung saang ospital naka-confine si Jaejoong, ayon sa report.

JAEJOONG CLARIFIES IT’S AN APRIL FOOL’S DAY POST

Pero makalipas lang ang ilang oras, in-edit ng singer ang caption ng parehong post.

Continue reading below ↓

Nilinaw niyang wala talaga siyang COVID-19.

Ang naturang post niya ay para raw sa April Fool’s Day.

Sa edited caption, nagpahayag ng pagkabahala ni Jaejoong sa mga taong binabalewala ang banta ng virus, hanggang sa sila mismo ay makahawa na sa iba.

“What if the people we love, someone precious to us, contracted the virus?

“It’s such a heart-wrenching thing to think about.

“Despite this, so many people walk the streets and live their lives without their guards up, ignoring it… and thinking it won’t happen to them.

“And it makes me so worried that my family and friends might get sick.

“Believing that we and the people around us will be safe will end up making us and everything around us sick.”

Inamin ni Jaejoong na ilang kasamahan niya sa entertainment industry ang tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, sinabi ng singer na mahalagang alerto siya sa sariling kalusugan.

“Currently, a growing number of my acquaintances and industry representatives are being tested positive. It is not something that is far away.

Continue reading below ↓

“When negligence turns a sad premonition into reality, it’s not something that we can simply end by wiping our tears away.

“Staying on alert right now..

“That is what I say to myself again and again.”

“I DON’T THINK OF THIS AS AN APRIL FOOL’S JOKE”

Aminado naman si Jaejoong na hindi naging maganda ang kinahinatnan ng kanyang April Fool’s Day post.

Iyon ay kahit pa maraming Instagram followers ng singer ang nag-alala para sa kanya.

“Although this did go quite far for April Fool’s Day, so many people worried about me in a short span of time.

Depensa pa ni Jaejoong, hindi raw April Fool’s joke ang kanyang post.

Aniya, hindi biro ang COVID-19, dahil maging ang ilan niyang kamag-anak at kaibigan ay nagpositibo na sa virus.

“Oh… and I don’t think of this as an April Fool’s joke.

“My family and my friends are getting sick.. and dying..

Continue reading below ↓

“It’s never!! just someone else’s problem.

“I wanted to tell you that protecting myself is protecting the precious people around us.”

Sa huli, tinanggap naman ni Jaejoong ang kanyang pagkakamali.

“I will accept all punishment I receive from this post.

“I hope all of you are healthy.”

At press time, burado na ang kontrobersiyal na post ni Jaejoong.

FANS, NETIZENS CONDEMN JAEJOONG

Sa kabila ng pagpapahayag ni Jaejoong ng pagsisisi, maraming netizens ang nagalit sa kanya.

Hindi raw tamang gawing biro ang isang pandemic na libu-libo na ang pinatay sa mundo.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Karamihan sa kanila, matagal nang fans ng Korean singer na sobrang dismayado sa kanyang ginawa.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May netizens namang nagsabi na dahil sa ginawa ni Jaejoong ay mamemeligro ang kanyang career.

Maaari na rin umanong ituring na kabilang sa casualties ng COVID-19 ang career ng K-pop idol.

Continue reading below ↓

Kinondena rin ng official fan base ni Jaejoon sa Pilipinas ang April Fool’s Day post ng Korean singer.

Batay sa official statement ng Kim Jaejoong PH, “while it is good to bring awareness about the COVID 19 pandemic, we do not condone this kind of delivery.”

Continue reading below ↓

Sinegundahan naman ito ng Pinoy fans ng JYJ, na naglabas din ng opisyal na pahayag sa Twitter.

Continue reading below ↓

Sa latest situation report ng World Health Organization (WHO) nitong March 31, nasa 751,000 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa mundo.

Umabot na sa mahigit 36,000 ang namatay.

Sa South Korea, 9,786 na ang kumpirmadong tinamaan ng virus, habang 162 ang binawian ng buhay.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean pop group JYJ member Kim Jaejoong announces today, April 1, on Instagram that he tested positive for COVID-19 and currently being treated in a hospital. Later, he edited his post to clarify that what he posted was meant for April Fool’s Day.
PHOTO/S: @jj_1986_jj on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results