South Korean actor So Ji Sub marries TV reporter Jo Eun Jung

by Jet Hitosis
Apr 7, 2020
South Korean actor-rapper-author So Ji Sub (left) marries TV reporter Jo Eun Jung (right) in an intimate wedding ceremony on April 7, 2020.
PHOTO/S: @51k_official, @jieun_couple on Instagram

Nagpakasal na ang South Korean actor-rapper na si So Ji Sub, 42, sa TV reporter na si Jo Eun Jung, 26.

Idinaos ang intimate wedding nila ngayong Martes, April 7.

Kinumpirma ito ng talent agency ni Ji Sub, ang 51K Entertainment, sa official statement nito sa Korean entertainment website na Soompi.

Sa report ng Soompi, sinabi ng agency na pinili nina Ji Sub at Eun Jung na huwag nang isapubliko ang kanilang simpleng kasal.

Sa katunayan, pawang kamag-anak lang ang imbitado ng dalawa.

Saad sa statement ng 51K: “Following the wishes of So Ji Sub and Jo Eun Jung, who want to quietly cherish the most important and happy moment of their lives, they decided to hold a quiet wedding with only their immediate families.”

SO JI SUB AND JO EUN JUNG DONATE TO CHARITY GROUPS

Batay sa pahayag ng agency, pinili ng mag-asawa na mag-donate sa charity groups, lalo na ngayong apektado rin ang South Korea ng coronavirus disease o COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

Ayon sa 51K, nag-donate sina Ji Sub at Eun Jung ng 50 million won (PHP2.1 million) sa nongovernment organization na Good Neighbors.

Bukod dito, namahagi rin ang newlyweds ng “tablets and smart devices to children who lack educational support.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mababasa sa statement ng 51K: "...and to provide at least a bit of comfort and hope in this time when everyone is experiencing difficulty, donate 50 million won to Good Neighbors and provide tablets and smart devices to children who lack educational support."

Gayunman, tumanggi ang agency na magbigay ng detalye tungkol sa wedding ceremony bilang konsiderasyon sa “non-celebrity spouse” ng actor-rapper-author.

Kasabay nito, ipinost ng 51k sa Instagram ang official announcement ni Ji Sub tungkol sa kanyang pagpapakasal.

Ayon sa aktor, bagamat alam niyang marami ang masosorpresa sa balita ng kanyang pag-aasawa, "This is the one of the most important decision in my life that took so long to made."

Continue reading below ↓

Umaasa rin daw si Ji Sub na patuloy siyang susuportahan ng kanyang fans sa pagsisimula niya ng bagong buhay.

"I hope that everyone support and encourage me as if you have believed in me for a long time."

SO JI SUB AND JO EUN JUNG’S FIRST MEETING

Nagbida si Ji Sub sa Korean TV series na Cain and Abel (2009), Oh My Venus (2016), at My Secret Terrius (2018).

Continue reading below ↓

Napanood din ang aktor sa pelikulang Rough Cut, na nagbigay sa kanya ng limang Best Actor awards noong 2008.

Isang matagumpay na recording artist din si Ji Sub, na nakapag-publish na ng tatlong libro.

Samantala, sa gaming programs unang nakilala si Eun Jung bilang TV presenter.

Kalaunan, lumipat siya sa SBS network at naging reporter ng entertainment show na E-news Exclusive.

March 2018 nang nainterbyu ni Eun Jung sa kanyang show si Ji Sub.

Ipino-promote noon ng aktor ang pelikulang Be With You.

Continue reading below ↓

Ilang buwan matapos ang naturang interview, namataan nang nagde-date ang dalawa.

May 2019 nang kinumpirma ng 51K sa Soompi na seryoso ang romantic relationship na namamagitan kina Ji Sub at Eun Jung.

At makalipas nga ang wala pang isang taon, nagpasya silang magpakasal.

“NOT A SHOTGUN MARRIAGE”

Sa hiwalay na media interview sa 51K, nilinaw nitong hindi apurahan at walang piltan ang pagpapakasal nina Ji Sub at Eun Jung.

Issue pa rin kasi sa ilang South Koreans kung malaki ang age gap ng isang mag-asawa.

Gaya ni Ji Sub, na mas matanda ng 16 na taon kay Eun Jung.

“So Ji Sub is not young, and they naturally decided on marriage after seeing each other with positive feelings,” paliwanag ng 51K.

Pagkatapos, binigyang-diin nito: “It is not a shotgun marriage.”

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean actor-rapper-author So Ji Sub (left) marries TV reporter Jo Eun Jung (right) in an intimate wedding ceremony on April 7, 2020.
PHOTO/S: @51k_official, @jieun_couple on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results