Are Filipinos "the worst citizens" in the world at not following quarantine rules? Well, watch this!

by Rommel R. Llanes
Apr 21, 2020
In the midst of a pandemic virus when citizens don't behave as a community, much less a nation. there are Pinoys who say: "The Philippines doesn't have the worst government, it has the worst citizens!" But wait until they learn about U.S. citizens!
PHOTO/S: screenshots: facebook / now this

Ilang news outlets ang gumawa ng "man-on-the-street" interviews tungkol sa kinatatakutang COVID-19 noong mga unang linggo pa lamang ng pandemic.

Ilan sa mga interviews ay ginawan ng memes dahil sa mga nakalap na sagot.

Panoorin ang dalawang halimbawa ng video memes na nag-viral sa Facebook bago pa ibinaba ang enforced quarantine sa Luzon nung March 16:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Fast-forward sa ngayon, kung kelan mas marami nang Pilipino ang nakakaunawa kung ano ang COVID-19 at kung ano ang pag-iingat na hinihingi ng panahon.

Sa madali't sabi, alam na ng marami rito sa Pilipinas na ang virus ay nakamamatay at wala pang lunas na natutuklasan saan man sa mundo.

Pero meron pa ring mga Pinoy na nananatiling pasaway, patuloy na lumalabag sa quarantine rules, at ginagawaran na nga ng parusa.

Continue reading below ↓

Tuloy, kapwa Pinoy na nila ang nagsasabi: "We have the worst citizens!"

Pero sa video na ito sa Facebook page ng NowThis News, isang New York-based news outlet, mukhang mas magulo pa sa Pinoy ang mga Kano!

Tahasang lumalabag ang ilang Amerikano sa pakiusap ng mga namumuno, at nanghihikayat pa sa ibang sumama sa kanila.

Continue reading below ↓

Bagamat walang panawagan mula kay United States President Donald Trump, nagtawag ang ilang state governors ng "stay-at-home" order.

Ayon sa worldmeters.info, as of April 21, 2020, nangunguna na sa buong mundo ang U.S. sa COVID-19 cases, sa bilang na 792,938 at 42,518 deaths.

Pero maingay pa rin ang kumpol-kumpol ng mga Amerikano, nagproprotesta sa stay-at-home order dahil paglabag daw ito sa kanilang constitutional at human rights. Wala rin daw dapat magsabi sa kanila kung kelan sila magsa-shopping at kelan sila pupunta ng barbero.

Continue reading below ↓

Dumagsa ang protesters sa mga kalye ng Colorado, Tennessee, Illinois, Florida, at Washington.

Ang siste pa, nakakuha ng suporta ang protesters mula mismo kay President Trump.

Sa mga tweets nito—mahilig mag-tweet ang Pangulo ng Estados Unidos—tinawag pa nitong "very responsible" ang mga nagpoprotesta laban sa stay-at-home order.

May panahon pang sinabi ng Pangulo ng pinaka-powerful country in the world na "walang pandemic."

Kung ganito mag-isip ang Pangulo ng Amerika, ano na nga ba ang maaasahan sa kanyang mga citizens?

Mabuti na lang na, gaya sa Pilipinas, marami pa rin namang matitinong mamamayan sa Amerika.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the midst of a pandemic virus when citizens don't behave as a community, much less a nation. there are Pinoys who say: "The Philippines doesn't have the worst government, it has the worst citizens!" But wait until they learn about U.S. citizens!
PHOTO/S: screenshots: facebook / now this
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results