Life of Pi actor Irrfan Khan dies at 53

by Rachelle Siazon
Apr 29, 2020
Known in Hollywood for his appearances in Life of Pi, Jurassic World, and Slumdog Millionaire, Indian actor Irrfan Khan passes away days after he was hospitalized with a colon infection.
PHOTO/S: @irrfan Instagram / Screengrab from Life of Pi

Pumanaw ang Bollywood actor na si Irrfan Khan sa edad na 58, ayon sa international reports nitong Miyerkules, April 29.

Nakilala si Irrfan sa Hollywood sa pagganap niya bilang police inspector sa Oscar-winning film na Slumdog Millionaire noong 2008.

Pinagbidahan din niya ang adventure drama film na Life of Pi noong 2012.

Dalawang taon na ang lumipas mula nang inanunsiyo ni Irrfan na mayroon siyang neuroendocrine tumor.

Ayon sa webmd.com, ang neuroendocrine tumor ay nagsisimulang tumubo bilang cells na may katangian tulad ng hormone-producing cells.

Kung malignant o mabilis ang pagkalat nito sa katawan ng tao ay posibleng mauwi sa cancer.

BATTLE WITH HIS DISEASE

Inamin ni Irrfan na hirap siya sa pakikipaglaban sa kanyang sakit, pero umaasa siyang gagaling din.

Bahagi ng pahayag niya noong March 2018: "The unexpected makes us grow, which is what the past few days have been about.

"Learning that I have been diagnosed with NeuroEndocrine Tumour as of now has admittedly been difficult, but the love and strength of those around me and that I found within me has brought me to a place of home."

Continue reading below ↓

Itinanggi rin ng aktor na brain disease ang health condition niya dahil lang sa salitang "neuro."

Nagbiro pa siyang madali lang i-research kung ano ang karamdaman niya sa tulong ng Google.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dagdag ng Life of Pi star, "To those who waited for my words, I hope to be back with more stories to tell."

Isang taon siyang nakabase sa London para doon magpagamot.

Continue reading below ↓

COLON INFECTION

Ayon sa ulat ng CNN.com, ilang araw pa lang ang nakalipas mula nang isugod si Irrfan sa isang ospital sa Mumbai, India.

Ipinaalam daw ng PR Agency nito, ang Hardly Anonymous Communications, na hindi maganda ang lagay ng kalusugan ng aktor dahil sa colon infection.

Hanggang sa huli ay lumaban daw si Irrfan at nanatiling inspirasyon sa mga taong malapit dito.

Naulila ng aktor ang asawa nitong si Sutapa Sikdar at dalawa nilang anak na lalaki.

Noong nakaraang linggo ay pumanaw rin ang ina ni Irrfan na si Saeeda Begum Khan.

Continue reading below ↓

BOLLYWOOD AND HOLLYWOOD FILMS

Si Irrfan, na ang full name ay Sahabzade Irrfan Ali Khan, ay ipinanganak sa Rajasthan, India, noong January 7, 1967.

Nag-aral siya ng acting sa National School of Drama sa New Delhi noong 1984. Doon niya nakilala ang napangasawa niyang si Sutapa.

Ang unang lead role ni Irrfan ay sa Bollywood thriller movie na Rog.

Umani siya ng papuri sa galing niya sa pag-arte dahil sa nangungusap daw ang kanyang mga mata.

Kilala rin siya sa kanyang kontrabida roles, kabilang ang pagganap niya sa pelikulang Haasil noong 2003.

Sa video interview ng CNN noong 2015, ibinahagi ni Irrfan na may panahong na-bore siya sa pag-arte sa telebisyon.

Sinubukan daw niyang magdirek ng TV soap.

Pero bumalik siya sa acting nang pagbidahan niya ang 2003 Bollywood film na The Warrior.

Isa sa hit romantic films na pinagbidahan niya ang The Lunchbox, na nagkaroon din ng international release noong 2013.

Sa Hollywood scene, gumanap siya bilang boss sa isang science lab sa 2012 film na The Amazing Spider-Man.

Continue reading below ↓

Kabilang din siya sa pelikulang Jurassic World noong 2015.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Known in Hollywood for his appearances in Life of Pi, Jurassic World, and Slumdog Millionaire, Indian actor Irrfan Khan passes away days after he was hospitalized with a colon infection.
PHOTO/S: @irrfan Instagram / Screengrab from Life of Pi
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results