Korean actor Park Ji Hoon, 31, dies of stomach cancer

by Jet Hitosis
May 15, 2020
In an Instagram post on May 15, Park Ji Hoon's family announced that the Korean actor died on May 11 after battling stomach cancer.
PHOTO/S: @cocohuni_ on Instagram

Sa edad na 31, sumakabilang-buhay na ang Korean actor na si Park Ji Hoon.

Stomach cancer ang ikinamatay ng model-turned-actor.

Kinumpirma ito ng pamilya ni Ji Hoon ngayong Biyernes, May 15.

Sa report ng top Korean entertainment website na Soompi, sinabing ginamit ng pamilya ang Instagram account ng aktor upang ianunsiyo ang malungkot na balita.

Ayon sa kanyang pamilya, May 11 pumanaw si Ji Hoon.

Kalakip ng post ng pamilya ni Ji Hoon ang litrato ng mga funeral bouquet.

Ang mga bulaklak ay natanggap nila mula sa mga kaibigan at fans ng aktor.

RELATED STORY

Translated ng Soompi, nakasaad sa mensahe na nagpapasalamat ang pamilya sa lahat ng nakiramay sa kanila.

Sa kabila umano ng mga restrictions dahil sa coronavirus pandemic, naiparating sa pamilya ang pakikidalamhati ng mga nagmamahal kay Ji Hoon.

Mahihinuhang isang nakatatandang kapatid ng aktor ang nagsulat ng post.

Saad sa caption: “We are posting this message just in case there is anyone we mistakenly did not contact.

Continue reading below ↓

“We deeply thank everyone who sent their warm comfort and encouragement even during the ongoing COVID-19 outbreak.

“Thanks to you, we were not alone as we sent my younger brother to heaven.

“Your support was a huge source of strength to not only me, but to our entire family.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“We will never forget it.”

Pinaalalahanan din ng pamilya ang 33,800 Instagram followers ni Ji Hoon na ingatan ang sarili at manatiling malusog sa gitna ng pandemic.

“Please always be careful about COVID-19, and I hope you always stay healthy,” bahagi pa ng post.

Sinabi ng pamilya na inilibing ngayong Biyernes si Ji Hoon sa Ilsan Blue Soul Memorial Park.

Continue reading below ↓

Maaalala si Ji Hoon sa pagganap niya bilang Jeon Doo-yeob sa Korean TV series na Chicago Typewriter.

Taong 2017 nang napanood ang fantasy-romance na Chicago Typewriter.

Pinagbidahan ito nina Yoo Ah-in, Im Soo-jung, at Go Kyung-pyo.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post on May 15, Park Ji Hoon's family announced that the Korean actor died on May 11 after battling stomach cancer.
PHOTO/S: @cocohuni_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results