Agencies of K-pop idols Jungkook, Mingyu, Jaehyun, Cha Eun Woo apologize for Itaewon trip

May 18, 2020
Talent agencies of (L-R) K-pop boy band members Jungkook (BTS), Mingyu (SEVENTEEN), Jaehyun (NCT), and Cha Eun Woo (ASTRO) insist that the four singers spent a night out in Itaewoon district a week before a COVID-positive male went clubbing at the place.
PHOTO/S: @bts.jungkook, @min9yu_k, @_jeongjaehyun, @eunwo.o_c on Instagram

Apat na sikat na Korean boy band members ang kumpirmadong magdamag na gumimik, sa kabila ng istriktong social distancing protocols sa South Korea.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang talent management agency, nag-sorry sa publiko at sa kanilang fans ang apat na Korean singers.

Sila ay sina Jungkook, 22, ng K-pop group na BTS; si Mingyu, 23, ng SEVENTEEN; si Jaehyun, 23, ng NCT 127; at si Cha Eun Woo, 23, ng ASTRO.

Gumawa ng ingay ang ginawang ito ng K-pop idols hindi lang dahil sa pagsuway nila sa social distancing rules.

Gumimik kasi ang apat na singers sa Itaewon district sa Seoul.

Sa Itaewon nagmula ang 26 sa 29 na panibagong kaso ng coronavirus disease sa South Korea, na naitala nitong May 14.

Sa report ng The Korea Herald, naitala ang bagong outbreak habang naghahanda ang South Korea sa muling pagbubukas ng mga eskuwelahan nito.

Ang 26 na bagong dinapuan ng virus ay nahawahan ng isang lalaking nag-club hopping sa Itaewon.

Continue reading below ↓

COVID-19 POSITIVE CLUBGOER

Sa report ng top Korean entertainment website na Soompi, isang 29-anyos na lalaki ang nagpalipat-lipat sa tatlong clubs sa Itaewon noong May 2.

Nang mga panahong iyon, hindi pa alam ng hindi pinangalanang lalaki na may COVID-19 siya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May 6 nang nagpositibo sa virus ang lalaki.

Ipinag-utos ng Central Disaster and Safety Countermeasures Headquarters (CDSCHQ) na mag-self isolation ang lahat ng bumisita sa entertainment facilities—kabilang na ang clubs at barssa Itaewon simula April 24 hanggang May 6.

Kasunod nito, sumambulat sa Korea ang mga balitang apat na K-pop idols ang namataan nang gumimik sa Itaewon.

Hindi pinangalanan ang apat na celebrities.

Tumanggi naman ang entertainment agencies na kumpirmahin kung talents nila ang tinutukoy sa blind items.

Ngayong Lunes, May 18, pinangalanan sila ng Korean website na Dispatch—sina Jungkook, Mingyu, Jaehyun, at Eun Woo.

SINGERS VISIT ITAEWOON AHEAD OF THE COVID PATIENT

Magkakasunod na naglabas ng official statement ang talent agencies ng apat na boy band members.

Continue reading below ↓

Quoted ng Soompi ang Big Hit Entertainment sa pagsasabing April 25 ng gabi nang magtungo sa Itaewon si Jungkook.

Ang Big Hit ang agency ni Jungkook at ng iba pang BTS members.

Kasama raw ni Jungkook ang mga kaibigan nang kumain sa isang restaurant sa Itaewon, at pagkatapos ay lumipat sa dalawang bars.

Inabot ng madaling-araw ng April 26 ang gimik ng apat na singers, ayon sa Soompi.

Pero paglilinaw ng Big Hit, naunang nagpunta sa Itaewon ang grupo ni Jungkok bago ang lalaking may COVID-19.

Hindi rin daw nagpunta ang singers sa mga establisimyentong tinambayan ng clubgoer.

Pahayag ng Big Hit: “However, at the time, he did not go to the place that became a problem due to the confirmed case in early May.

“Jungkook was in Itaewon a week prior to the first confirmed case.”

April 25 gumimik ang K-pop idols, habang May 2 nagtungo sa Itaewon ang pasyente.

Continue reading below ↓

K-POP IDOLS ALL TESTED NEGATIVE

At bagamat walang sintomas, sinabi ng Big Hit na sumailalim sa COVID-19 testing si Jungkook.

Ibinalita ng Big Hit sa Soompi na negatibo sa virus ang BTS singer.

Negatibo rin sa COVID-19 sina Mingyu, Jaehyun, at Eun Woo, inianunsyo ng kani-kanilang agencies.

Sinabi ng Pledis Entertainment, agency ni Mingyu, na pinagsisisihan ng huli ang pagsuway nito sa social distancing protocols ng Korea.

Ang SM Entertainment, na nagma-manage kay Jaehyun, nag-sorry sa bigo nilang pagdidisiplina sa NCT 127 singer.

Nangako naman ang Fantagio, talent agency ni Eun Woo, na hindi na mauulit ang insidente.

Oobligahin daw ng Fantagio ang lahat ng talents nito na tumalima sa quarantine protocols ng gobyerno kontra sa pandemic.

JUNGKOK, MINGYU, JAEHYUN, EUN WOO TREND

Kasunod nito, pinag-trending ng K-pop fans sa Twitter ang apat na Korean singers.

Gamit nila ang mga salitang “Best Boy” at “Leave Them Alone” upang magpakita ng suporta kina Jungkook, Mingyu, Jaehyun, at Eun Woo.

Continue reading below ↓

May mga netizens kasing bumabatikos sa apat na naturingan pa naman daw na K-pop idols.

Katuwiran ng fans, inamin naman ng apat na singers ang kanilang paglabag sa social distancing protocols.

Hindi na raw kailangang kondenahin pa ang mga ito sa naging pagkakamali.

Continue reading below ↓

Bagamat celebrities, karapatan din daw ng K-pop idols na mag-enjoy sa buhay, gaya ng mga karaniwang tao.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Talent agencies of (L-R) K-pop boy band members Jungkook (BTS), Mingyu (SEVENTEEN), Jaehyun (NCT), and Cha Eun Woo (ASTRO) insist that the four singers spent a night out in Itaewoon district a week before a COVID-positive male went clubbing at the place.
PHOTO/S: @bts.jungkook, @min9yu_k, @_jeongjaehyun, @eunwo.o_c on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results