Terrace House star, pro wrestler Hana Kimura dead at 22

by Jojo Gabinete
May 23, 2020
Hana Kimura, a professional wrestler and star of the Netflix series Terrace House, is dead at 22.

Pumanaw na si Hana Kimura, ang 22-year-old professional Japanese female wrestler na napapanood sa Netflix series na Terrace House Tokyo 2019-2020.

Kimumpirma ng World Wonder Wing Stardom, sa pamamagitan ng opisyal na pahayag sa Twitter, ang pagkamatay ni Kimura.

“Please be respectful and allow some time for things to process, and keep your thoughts and prayers with her family and friends,” ang apela ng World Wonder Wing Stardom na namamahala sa wrestling career ni Kimura.

Continue reading below ↓

Hindi binanggit ang dahilan ng pagkamatay ng reality star at professional wrestler.

Ngunit ayon sa kanyang mga tagahanga, biktima si Kimura ng cyberbullying.

Marami raw itong natatanggap na mean tweets mula sa kanyang mga kritiko at apektado siya ng mga ito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang huling Instagram post ni Kimura nitong Sabado ng madaling-araw, May 23, ay tila isang pamamaalam.

Aniya, “I love you, have a long, happy life. I’m sorry.”

Continue reading below ↓

Sa huling tweet naman ni Kimura, inamin nito mismo na mahina siya at nasasaktan sa mga nababasa sa social media.

Dahil dito, aniya, "I don't want to be a human anymore."

Ito ang kabuuan ng kanyang mensahe:

“Nearly 100 frank opinions every day. I couldn’t deny that I was hurt.

"I’m dead.

"Thank you for giving me a mother. It was a life I wanted to be loved.

"Thank you to everyone who supported me. I love it.

"I’m weak, I’m sorry.

"I don’t want to be a human anymore.

"It was a life I wanted to be loved.

"Thank you, everyone. I love you. Bye."

Kalakip nito ang litrato ng mga laslas sa kanyang pulso na pahiwatig na sinasaktan niya ang sarili.

Main cast member si Kimura ng hit reality series na Terrace House simula noong October 2019.

Mabilis siyang napansin dito dahil sa kanyang pink hair at mga ginagamit na wrestling costume.

Continue reading below ↓

Si Kimura ang nanalo ng Stardom’s 2019 Fighting Spirit Award at isa siya sa mga budding international female wrestlers.

Minana ni Kimura ang talent niya sa wresting sa kanyang inang si Kyoko Kimura, isang sikat na retired professional wrestler sa Japan.

Ang depresyon ay seryosong usapin.

May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon.

Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

Maaari silang tawagan sa mga sumusunod na 24/7 hotline:

0917 899 8727 (USAP); at 989 8727 (USAP)

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hana Kimura, a professional wrestler and star of the Netflix series Terrace House, is dead at 22.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results