Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Scammed: BLACKPINK's Lisa loses 1B won to former manager

by Jet Hitosis
Jun 2, 2020
The South Korean all-girl group BLACKPINK's talent agency, YG Entertainment, issues a public apology on June 2, after one of the group's member, Lisa Manoban, was swindled out of 1 billion won by her former manager. The suspect is longtime employee of the agency.
PHOTO/S: @lalalalisa_m on Instagram

Nabiktima ng panloloko at natangayan ng malaking pera si Lisa Manoban, miyembro ng sikat na South Korean girl group na BLACKPINK.

Ang suspek ay ang dating manager ng 23-year-old Thai rapper-singer-dancer.

Tumataginting na 1 billion won, o PHP41 million, ang tinangay ng hindi pinangalanang suspek mula kay Lisa.

Kinumpirma ng YG Entertainment ngayong Martes, June 2, ang nangyari kay Lisa.

Ang YG Entertainment ang talent management agency ng BLACKPINK.

Ito ay matapos na iulat ngayong araw ng Korean news site na Market News ang tungkol sa panloloko ng suspek kay Lisa upang ipagkatiwala rito ang pera ng singer.

Ang nabanggit na halaga ay kabuuan ng kinita ng foreign artist simula nang maging miyembro ito ng BLACKPINK noong 2016.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pinaniwala raw ng suspek si Lisa na naghahanap ito ng property na maaaring bilhin ng foreign artist bilang investment.

Pero ayon sa Market News report, winaldas ng suspek ang pera ni Lisa sa pagsusugal.

LISA’S MOST TRUSTED

Sa report naman ng top Korean entertainment website na Soompi, sinabi nitong matagal nang empleyado ng YG Entertainment ang suspek.

Nakatrabaho ng BLACKPINK ang suspek sapul nang ilunsad ang all-girl pop group noong 2016.

Labis daw ang tiwala ni Lisa sa suspek, dahil ito ang umalalay sa Thai singer simula nang pasukin ang Korean entertainment industry.

Gayunman, ang pagiging dayuhan ni Lisa ang sinisilip ding factor kung bakit siya ang napiling biktimahin ng suspek, batay sa observation ng isang source ng Soompi.

Sinabi ng source sa Soompi: “Because Lisa is a foreign member and has been in Korea by herself since she was young, she is very vulnerable to these things.

“It is very unfortunate that these things happen in the industry.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng source, makakasira rin sa reputasyon ng YG Entertainment ang nangyari.

“This is a serious situation that can damage the domestic management’s image.”

Si Lisa ang kauna-unahang matagumpay na foreign artist ng agency.

HOT STORIES

LISA WILL NOT PRESS CHARGES

Sa official statement na inilabas ng YG Entertainment, humingi ito ng paumanhin sa nangyari kay Lisa.

Continue reading below ↓

Kahit ang mismong agency ay nagulat sa nangyari, dahil ilang taon din nitong labis na pinagkatiwalaan ang suspek.

Ayon sa YG Entertainment, pinili ni Lisa na makipag-areglo na lang sa suspek at huwag nang kasuhan ito.

Isinauli raw ng suspek ang bahagi ng pera ni Lisa, sabi ng agency.

Sinibak na ng YG Entertainment ang suspek, na nangakong ibabalik ang natitira pang pera ni Lisa.

YG ENTERTAINMENT APOLOGIZES

Kasabay ng pagso-sorry sa fans ni Lisa, inako ng YG Entertainment ang responsibilidad sa nangyari.

Narito ang kabuuan ng pahayag ng YG Entertainment, na translated ng Soompi:

“After looking into the matter, we confirmed that Lisa was a victim of fraud by former manager ‘A.’

“According to Lisa’s wishes to settle this amicably, as the former manager was someone Lisa had trusted, Manager ‘A’ has reimbursed a part of the sum and has left the company after agreeing on a reimbursement plan for the rest of the sum.

Continue reading below ↓

“We bow our heads and apologize for causing concern to the fans who love our artist.

“We are embarrassed by the misconduct of ‘A,’ and we are feeling responsible for the management and supervision.

“We are taking preventive measures so that this does not happen again.”

Kaugnay nito, nag-trending si Lisa sa Twitter ngayong Martes.

Dagsa ang fans na nagpaabot ng pakikisimpatiya at pagmamahal sa Thai BLACKPINK member.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ito ay matapos na ibalita ng isa pang Korean entertainment website, ang allkpop.com, na si Lisa ay “currently struggling with fear, anxiety, and betrayal.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The South Korean all-girl group BLACKPINK's talent agency, YG Entertainment, issues a public apology on June 2, after one of the group's member, Lisa Manoban, was swindled out of 1 billion won by her former manager. The suspect is longtime employee of the agency.
PHOTO/S: @lalalalisa_m on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results