Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Lea Michele accused of on-set bullying by Glee co-stars, other co-actors

by Rachelle Siazon
Jun 6, 2020
American actress-singer Lea Michele issues a statement after her Glee co-stars accused her of making their lives a "living hell" with her "very unpleasant" work attitude on the set of the hit musical series that ran from 2009 to 2015.
PHOTO/S: @leamichele Instagram / Glee poster

Naglabasan ang "horror stories" tungkol sa diumano'y pambu-bully ni Lea Michele sa co-stars niya sa American musical series na Glee.

Ito ay matapos maghayag si Lea ng pakikiisa sa #BlackLivesMatter campaign.

Nakisimpatiya si Lea sa trahedyang sinapit ng African-American na si George Floyd sa kamay ng Minneapolis police officers.

#BLACKLIVESMATTER CAMPAIGN

Inaresto si Floyd matapos itong i-report dahil sa pagbayad umano ng pekeng 20-dollar bill sa isang grocery store.

Pero naging biktima ng police brutality si Floyd nang siya ay walang-awang tinukuran ng tuhod sa leeg habang nakahandusay sa kalsada.

Makailang beses na naringgan si Floyd na nagsabing "I can't breathe," pero hindi ito pinakawalan hanggang sa namatay ito.

Natukoy ang akusado bilang isang white American police officer na si police officer Derek Chauvin, at tatlo pang police officers na kasama ni Chauvin.

Ang trahedyang ito ay lumikha ng malawakang protesta sa buong mundo laban sa diskriminasyon sa people of color.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

GLEE CO-STARS ACCUSE LEA OF LONG-TIME BAD BEHAVIOR

Nag-backfire kay Lea ang kanyang tweet nang tawagin siyang ipokrita ng Glee co-star na si Samantha Marie Ware.

Si Lea, gumanap bilang Rachel Berry, ang lead star ng hit series na umere ng anim na seasons mula 2009 hanggang 2015.

Si Samantha ay naging bahagi ng show sa 11 episodes noong 2015. Ginampanan niya ang role bilang Jane Hayward.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon kay Samantha, biktima umano siya ng diskriminasyon matapos gawing "living hell" ni Lea ang kanyang trabaho bilang baguhan sa showbiz.

Noong June 2, direktang tweet ni Samantha kay Lea:

"LMAO REMEMBER WHEN YOU MADE MY FIRST TELEVISON GIG A LIVING HELL?!?!

"CAUSE ILL NEVER FORGET.

"I BELIEVE YOU TOLD EVERYONE THAT IF TOU HAD THE OPPORTUNITY YOU WOULD 'SHIT IN MY WIG!'

"AMONGST OTHER TRAUMATIC MICROAGRESSIONS THAT MADE ME QUESTION A CAREER IN HOLLYWOOD..."


Continue reading below ↓

Lea Michele and Samantha Marie Ware

Si Alex Newell, na gumanap bilang Unique Adams sa Glee mula 2012 hanggang 2015, ay sumegunda kay Samantha.

Comment ni Alex, "Get her, Jane!"


Alex Newell

Ang tweet ni Samantha ay naging hudyat para ihayag ng iba pang Glee co-stars ang umano'y hindi nila magandang karanasan sa pakikipagtrabaho kay Lea.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni Heather Morris ang umano'y hindi magandang trato ni Lea sa kapwa nila Glee co-stars.

Si Heather ay isa sa sikat na cast members ng Glee, kung saan ginampanan niya ang role na Brittany S. Pierce.

Ang unang solo number niya sa show ay ang version niya ng "I'm A Slave 4 U" ni Britney Spears.

Bahagi ng tweet ni Heather: "With that said, was she unpleasant to work with? Very much so;

"for Lea to treat others with the disrespect that she did for as long as she did, I believe she SHOULD be called out."

Pero aniya, mali ring hinayaan nilang maging abusado si Lea.

"And yet, it's also on us because to allow it go on for so long without speaking out is something else we're learning along with the rest of society."


Continue reading below ↓

Heather Morris

Isang minor cast member ng Glee na si Dabier Snell ay nakaranas din umano ng pambu-bully ni Lea.

Direktang tweet niya kay Lea:

"GIRL YOU WOULDN'T LET ME SIT AT THE TABLE WITH THE OTHER CAST MEMBERS CAUSE 'I DIDN'T BELONG THERE' F**K YOU LEA."


Simple pero malaman ang hinihinalang patutsada ni Amber Riley kay Lea.

Continue reading below ↓

Si Amber ay gumanap bilang Mercedes Jones sa Glee.

Magkakasunod ang GIFs o maiksing video clips na ibinahagi niya sa Twitter.

Una ay ang GIF na nagtaas siya ng kamay na tila may nais gustong sabihin.

Ikalawa ay ang GIF na chill lang siya habang umiinom gamit ang isang mug.

Ikatlo ay isang GIF na may written text na "LET'S MOVE ON."

Ipinahiwatig niyang may mas mahalang issues na dapat talakayin base sa hashtags niya na "#DefundThePolice #prosecutekillercops #BlackLivesMatter."

Continue reading below ↓

Amber Riley

Sa panayam naman kay Amber kaugnay ng Black Lives Matter protests nitong Huwebes, June 4, natalakay ang tungkol sa kontrobersiya na kinasasangkutan ni Lea.

Ayon kay Amber, proud siya kay Samantha tungkol sa pagsasalita nito laban kay Lea.

Aniya, "I’m proud of her of not being fearful and telling her truth."

Pero paglilinaw ni Amber, "I’m not going to say that Lea Michele is racist. That’s not what I’m saying.

"That was the assumption because of what’s going on right now in the world and it happened toward a black person.

"I’m not going to say that she’s racist."

Pagtatanggol din niya kay Lea, "She’s also pregnant and I think that everybody needs to kind of chill. Y’all have dragged her for a couple of days."

Buntis ngayon si Lea sa una nilang anak ng asawang si Zandy Reich.

MORE "HORROR STORIES"

Lumalabas na hindi lang sa set ng Glee nakitaan si Lea ng diumano'y pambu-bully sa kanyang co-actors.

Continue reading below ↓

Teenager pa lang si Lea ay notorious na ang diumano'y pagiging maldita nito.

Base ito sa tweet ni Elizabeth Aldrich, understudy ni Lea sa Broadway musical na Ragtime noong 1999.

May insidente raw na binantaan ni Lea ang crew ng musical na ipasisisante ang sinumang kainisan niya.

Tweet ni Elizabeth: "She demeaned the crew and threatened to have people fired if she was in any way displeased.

"I used to cry every night from the mean and manipulative things she would do.

"She was 12. She was terrifying."

Sa pagkakaaala pa raw ni Elizabeth, mabait ang mga magulang ni Lea, pero tila takot daw ang mga ito sa kanilang anak.


Continue reading below ↓

Lea Michele and Elizabeth Aldrich

"Nightmare" naman kung ituring ni Gerard Canonico ang pakikipagtrabaho niya kay Lea sa Broadway musical na Spring Awakening noong 2006.

Mataas daw ang tingin ni Lea sa sarili, at ipinaramdam daw nito sa kanya at iba nilang katrabaho na "we didn't belong there."

Sabi ni George, "You were nothing but a nightmare to me and my understudy cast members.

"You made us feel like we didn't belong there.

"I tried for years to be nice to you to no avail."

Continue reading below ↓

LEA MICHELLE says sorry, but...

Sumagot si Lea dalawang araw mula nang una siyang batikusin ni Samantha.

Walang pinangalanan si Lea sa kanyang Instagram post noong June 4.

Pero wala raw siyang matandaang mga insidenteng trinato niya nang hindi maganda ang sinumang co-stars niya sa set.

Hindi rin daw siya ang tipo na mangmamaliit ng ibang tao.

Bungad ni Lea: "When I tweeted the other day, it was meant to be a show of support for our friends and neighbors and communities of color during this really difficult time, but the responses I received to what I posted have made me also focus specifically on how my own behavior towards fellow cast members was perceived by them.

"I don't remember ever making this specific statement and I have never judged others by their background or color of their skin.

"That's not really the point, what matters is that I clearly acted in ways which hurt other people."

Continue reading below ↓

Humihingi raw siya ng dispensa kung nakasakit man siya ng damdamin ng iba,

"Whether it was my privileged position and perspective that caused me to be perceived as insensitive or inappropriate at times or whether it was just my immaturity and me just being unnecessarily difficult, I apologize for my behavior and for any pain which I have caused."

Continue reading below ↓

ON LEA'S SORRY-NOT-SORRY STATEMENT

Nagpatutsada naman si Samantha sa umano'y hindi pag-ako ni Lea sa pagkakamali nito.

"Perceived?" patutsada ni Samantha sa maiksi ngunit malaman niyang tweet.

Halos ganito rin ang reaksiyon ng Spring Awakening co-star ni Lea na si Gerard.

Malinaw na hindi raw tinatanggap ni Lea na mayroon itong nagawang pagkakamali.

"Maybe actually apologize instead of placing the blame on how others 'perceive' you."

Dagdag pa ni Gerard, na-delete ang una niyang comment kay Lea sa Instagram post ng Glee lead star.

Patutsada pa ni Gerard, "You'll probably just delete this though."

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American actress-singer Lea Michele issues a statement after her Glee co-stars accused her of making their lives a "living hell" with her "very unpleasant" work attitude on the set of the hit musical series that ran from 2009 to 2015.
PHOTO/S: @leamichele Instagram / Glee poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results