Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Popular Bollywood actor Sushant Singh Rajput dies at 34

by Rachelle Siazon
Jun 15, 2020
Indian actor Sushant Singh Rajput is reportedly found dead inside his home on Sunday. His last movie Dil Bechara, which is based on the novel Fault in Our Stars, is yet to be released in cinemas.
PHOTO/S: M.S. Dhoni: The Untold Story trailer / @sushantsinghrajput Instagram

Binalot ng kalungkutan ang Bollywood sa pagpanaw ng Indian actor na si Sushant Singh Rajput.

Si Sushant ay 34 anyos lamang.

Sumikat siya sa box-office hits na Kai Po Che (2013) at M.S. Dhoni: The Untold Story (2016).

Noong Linggo, June 14, natagpuang patay si Sushant sa loob ng kanyang bahay sa Mumbai, ang pinakamalaking siyudad sa India.

Ayon sa ulat ng CNN.com, lumabas sa initial investigation ng pulisya na suicide umano ang cause of death ni Sushant.

Sa opisyal na pahayag ng pamilya ng aktor, hindi naman nabanggit kung ano ang sanhi ng pagpanaw niya.

Sabi rito, "It pains us to share that Sushant Singh Rajput is no longer with us.

Umapela rin ang pamilya ni Sushant na nais nilang magdalamhati ng pribado sa ngayon.

SUSHANT ON INSTAGRAM

Si Sushant ay may 10.9 million followers sa Instagram.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Huli siyang nag-post noong June 3.

Noong May 5, ibinahagi pa ng Indian actor ang kanyang daily self-care routine.

Kabilang dito ang meditation, pagsusulat sa kanyang journal, at pagkakaroon ng sapat na tulog.

Sushant's OTHER WORKS

Si Sushant ay ipinanganak noong January 21, 1986. Nag-iisa siyang lalaki sa limang magkakapatid.

Continue reading below ↓

Nagsimula siya sa teatro bago siya nagkaroon ng break sa TV drama series na Kis Desh Mein Hai Meraa Dil.

Pero sumikat siya sa pinagbidahan niyang long-running series na Pavitra Rishta.

Ang huling pelikula niya ay Dil Bechara, isang romantic-drama film na base sa 2012 novel na Fault in Our Stars.

Katambal niya rito ang Indian actress na si Sanjana Sanghi.

Nakatakda sanang ipalabas ito noong Mayo, pero na-postpone dahil sa COVID-19 pandemic.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indian actor Sushant Singh Rajput is reportedly found dead inside his home on Sunday. His last movie Dil Bechara, which is based on the novel Fault in Our Stars, is yet to be released in cinemas.
PHOTO/S: M.S. Dhoni: The Untold Story trailer / @sushantsinghrajput Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results