Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Korean actress Mina accuses former AOA bandmate Jimin of bullying; opens up about depression

Jul 4, 2020
Former AOA member Mina (left) on July 3 posts a photo of self-harm scars on her left wrist after revealing that she has been suffering from depression over the past few years. She also accused AOA leader Jimin (right) of bullying.

Ibinunyag ng Korean actress-singer na si Mina na ilang taon na siyang dumaranas ng depression.

Epekto raw ito ng umano’y pambu-bully sa kanya ng isang dating kasamahan sa K-pop group na AOA.

Ginawa ni Mina, 26, ang pagbubunyag sa magkakasunod niyang Instagram posts nitong Biyernes, July 3.

Si Mina, Kwon Min-ah ang tunay na pangalan, ay naging miyembro ng Korean all-girl group na AOA simula 2012 hanggang 2019.

Kasabay ng gigs ng AOA, naiisingit ni Mina ang pag-arte.

Nagbida siya sa TV drama na Modern Farmer (2014), sa web drama na Click Your Heart (2016), at sa TV series na Hospital Ship (2017).

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

May 2019 nang umalis si Mina sa AOA, matapos hindi na siya nag-renew ng kontrata sa FNC Entertainment.

Ang FNC ang talent management agency ng AOA.

Bagamat napaulat na pumirma si Mina ng kontrata sa O& Entertainment noong July 2019, hindi na siya aktibo simula nang kumalas sa K-pop group.

REPLYING TO A BASHER’S PRIVATE MESSAGE

At nito ngang Biyernes, iniulat ng Korean entertainment website na allkpop.com ang tungkol sa serye ng maseselang Instagram posts ni Mina.

Nabahala kasi ang fans ni Mina sa mahaba at nakakagulat na reply niya sa isang anonymous individual na nagpadala ng direct message (DM) sa Instagram.

Ipinost ni Mina nitong Biyernes ang screenshot ng private message na natanggap niya.

Sa translation ng allkpop, sinabihan ng netizen si Mina ng: “Get lost, b****.”

Ang mensaheng isinulat ni Mina sa caption ay hindi lang para sa netizen, kundi para sa lahat ng kanyang bashers.

Kasabay ng pagtanggap sa lahat ng pang-iinsultong ipinupukol sa kanya, ibinunyag ni Mina na ilang taon na siyang dumaranas ng depression.

Continue reading below ↓

Ikinuwento rin niya ang pinag-ugatan ng kanyang karamdaman.

MINA REVEALS SHE WAS BULLIED BY AN AOA member

Prangkang sagot ni Mina sa netizen: “I want to get lost too, but I have to take care of my mom.”

Ayon sa report ng iba pang Korean entertainment sites, solong binubuhay ni Mina ang kanyang ina.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Mina na dahil sa isinagot niya sa basher ay inaasahan niyang makakatanggap siya ng mga DM ng panlalait mula sa netizens.

Sigurado raw siyang tatawagin siya ng mga ito ng “no brains.”

“You're right. I am 'no brains' and I've never properly learned anything in my life,” ani Mina.

Iyon daw ang pagkakakilala ni Mina sa sarili dahil sa pagtrato sa kanya ng isang tao sa loob ng maraming taon.

Kasunod nito, ibinunyag ng Korean actress ang partikular na insidente na pinagsimulan ng ilang taong pambu-bully sa kanya.

Kuwento ni Mina, taong 2014 at nakatakdang mag-perform ang AOA nang mabalitaan niyang pumanaw ang kanyang ama.

Nasa waiting room noon ang AOA at napaiyak daw siya sa nabalitaan.

Kinaladkad daw ang actress-singer ng kanyang “unnie” sa grupo papasok ng closet.

Sa Korean, “ate” ang katumbas ng unnie.

Tinatawag na unnie ang nakatatandang kapatid na babae, o sinumang babaeng nakatatanda, bilang pagpapakita ng respeto.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Mina, sinabihan daw siya ng unnie na huwag umiyak “because it was ruining the mood” para sa AOA.

ATTEMPTED SUICIDE

Sinabi ni Mina na hinding-hindi niya makakalimutan ang eksenang iyon.

“I can't ever forget what you said to me, what you did to me,” mensahe ni Mina sa hindi niya pinangalanang dating bandmate.

“I remember everything, even if it's fuzzy.

“Whenever I remember all of that, I take medication and hang on.”

Ang insidenteng iyon, ayon kay Mina, ang naging simula ng madalas umanong pambu-bully sa kanya ng kapwa AOA member.

Sinabi ni Mina na dumating pa sa punto na, “I even tried to take my own life because of her.”

Labis na raw kasi siyang naapektuhan sa pambu-bully ng katrabaho.

Lumala ang kanyang anxiety attacks, hanggang sa hindi na raw niya magawang matulog.

Inamin din ni Mina na ang nabanggit na unnie ang dahilan kaya napilitan siyang umalis sa AOA.

Continue reading below ↓

“TOO BROKEN” TO FORGIVE

Bagamat hindi pinangalanan ni Mina ang AOA member na nam-bully sa kanya, nagbigay naman siya ng hint kung sino ito.

Naikuwento ng aktres sa Instagram post na namatay kamakailan ang ama ng tinutukoy niyang AOA member.

Pumunta si Mina sa burol ng ama ng katrabaho.

“When I went to the funeral she came to me crying, telling me she was sorry.”

Bagamat si Mina “felt okay” pagkatapos noon, na-realize daw ng aktres na siya ay “too broken” para makalimutan ang lahat.

“Everything emptied itself after that,” saad sa post ni Mina.

“I felt okay, I let go of the blame but by then, I was already too broken."

CYBER BULLIED WHILE ON HIATUS

Matapos siyang tumiwalag sa AOA ay pinili ni Mina na mag-“hiatus” muna sa kanyang career.

“I wanted to try learning a few things, maybe try to receive treatment for my depression and anxiety.”

Continue reading below ↓

Pero ayaw raw siyang tantanan ng bashers o cyber bullies.

Gaya nga ng nagpadala ng DM sa kanya, kahit pa ilang buwan na siyang nananahimik.

Sa pagpapatuloy ng kanyang post, sinabi ng actress-singer na pagod na siya sa paulit-ulit na pang-iinsulto ng netizens.

“I'm so tired.

“You know how the netizens say things online?

“How I don't know who I think I am, no one knows what I'm trying to be, no one wants to see my face or hear me talk and all that.”

Tanggap na raw niyang marami ang ayaw sa kanya, sabi ni Mina.

Kaya sana raw ay tigilan na siya ng mga nang-aalipusta dahil nananahimik na siya.

“It's fine if you don't see me fondly and it's fine if you don't pay me any attention.

“Can't you just leave me alone?”

DID AOA LEADER JIMIN COUNTER MINA’S POST?

Dahil sa hint na ibinigay ni Mina, tinukoy ng K-pop fans na ang “bully” sa AOA ay ang mismong group leader na si Shin Jimin, 29.

Continue reading below ↓

April 2019 nang pumanaw ang ama ni Jimin.

Lalo pang tumindi ang espekulasyon na si Jimin ang inaakusahan ni Mina ng bullying nang mag-post din sa Instagram si Jimin.

Itim ang background at cryptic ang dating ng one-word post ni Jimin: “Fiction.”

Naniniwala ang K-pop fans na sagot ito ng AOA leader sa akusasyon ni Mina.

Continue reading below ↓

Ayon sa fans, nangangahulugan itong pinabubulaanan ni Jimin ang kuwento ni Mina.

Mistulang sinasabi ni Jimin na gumagawa lang ng kuwento ang dating bandmate.

Kaagad ding binura ni Jimin ang post niyang ito.

MINA SHOWS SELF-HARM SCARS

Bagamat na-delete kaagad ang post ni Jimin, sinagot pa rin ito ni Mina.

Lalo pang naalarma ang fans ni Mina sa litratong ipinost niya sa Instagram.

Ipinakita ng actress-singer ang nagpeklat nang mga laslas sa kanyang kaliwang pulso.

Kung pagbabasehan ang marka ng pagkakatahi sa sugat ni Mina, mahihinuhang malalaki at malalalim ang mga ito.

Translated ng allkpop ang caption ni Mina: “Fiction? To say that it is fiction would be too scary.”

Sa pagkakataong ito, direkta nang pinangalanan ni Mina si Jimin bilang nam-bully umano sa kanya.

Sa mensahe ni Mina sa dating kasamahan sa AOA, sinabi niyang kahit na sumailalim siya sa “3-4 rounds of scar treatment” hindi naghihilom ang mga alaala ng sinapit niyang bullying.

Continue reading below ↓

“What I want is for you to come in front of me and admit your wrongdoing and apologize sincerely,” saad sa post ni Mina.

“Unnie, you bullied me, and you're living comfortably.

“For me, opening my eyes every day is torture, but I have to feed my family.

“Please acknowledge it and apologize to me.”

“I DON’T WANT TO LIVE BECAUSE OF ONE PERSON”

Walang nakuhang reaksiyon si Mina mula sa kampo ni Jimin sa sumunod niyang post.

Dahil dito, sunud-sunod na ipinost ng actress-singer sa Instagram ang mga himutok niya kay Jimin.

Gamit ang black image sa bawat post, ikinuwento ni Mina kung paanong bumibilis noon ang tibok ng kanyang puso sa matinding takot kapag malapit sa kanya si Jimin.

Pinagagalitan daw kasi siya ng AOA leader, at minsan ay sinasaktan pa umano, kahit sa kaunting pagkakamali.

Kaya naman takot na takot daw siyang magkamali upang hindi magalit si Jimin.

Continue reading below ↓

Muli ring nabanggit ni Mina ang tungkol sa mga pagtatangka niyang magpatiwakal dahil sa nararanasang bullying.

Sabi ni Mina kay Jimin: “My suicide notes always had your name on it, unnie.

“I thought that maybe you would at least feel a bit guilty if you read it later on."

Continue reading below ↓

Bagamat desidido na raw ang actress-singer na tapusin ang kanyang buhay upang tuluyang makaiwas kay Jimin, isinasaalang-alang daw niya ang sariling ina.

“I don't want to live because of one person, you, unnie.

“But when I look at my mom, I feel the will to live.”

MINA’S MOM ALSO SUFFERS

Gayunman, ayon sa post ni Mina, kung may sobrang naaapektuhan sa kalagayan niya, iyon ay ang kanyang ina.

Nag-develop na rin kasi ng depression ang ina ni Mina dahil sa labis na pag-aalala, aniya.

“Why do the people around me have to suffer because of you, unnie?

“I want to stop hurting other people, but I'm angry.

“It's unfair.”

Sa isang bahagi ng kanyang post, nakiusap si Mina kay Jimin na ipaalam sa kanya ang dahilan kung bakit matindi ang galit nito sa kanya.

“Can you at least tell me why you hate me?

“You were particularly harsh to me.

Continue reading below ↓

“I feel it's so unfair.”

ON DEALING WITH BULLIES

Sa isa pa niyang post, nag-iwan ng mensahe si Mina sa sinuman sa kanyang 781,000 Instagram followers na biktima rin ng bullying.

Sinabi ni Mina na hindi tamang inililihim ang nararanasang pambu-bully.

Huwag daw hayaang manaig ang takot sa bully, at dumating sa puntong kontrolado na nito ang buhay ng biktima.

“To those who are going through a hard time right now because of someone, just fight them.

“Don't hold it in.

“Don't put up with it.

“Please live doing whatever you want to do and expressing yourself.

“Don't live like me.”

AOA MEMBERS VISIT MINA

Sa latest post ni Mina, isiniwalat niyang binisita siya sa bahay ng mga miyembro ng AOA, kabilang si Jimin.

Humingi muna ng paumanhin ang actress-singer sa mga nag-alala, bagamat alam din daw niyang may mga taong ayaw malaman ang tungkol dito.

"First, I apologize for causing such a commotion throughout the whole day and causing discomfort to many people.

Continue reading below ↓

"There have been many articles that must have been hard to keep reading. Some might not even have wanted to know about it.

"Many people came to see me at my house worried. So I apologize to everyone for making you worried."

Dagdag pa niya, "There was a lot of gossips since these were actions a celebrity shouldn't have committed. So I'm just very sorry."

Ilang oras bago siya mag-post ay pinuntahan daw siya ng mga kasamahan dati sa AOA, kabilang si Jimin, pati na ang kanilang manager.

Noong una raw ay galit na kinumpronta siya ni Jimin, at nagkaroon sila ng pagtatalo.

Lahad ni Mina, "A few hours ago, the members and even the manager came to my house to talk.

"At first, Jimin unnie came very angrily so I was baffled.

"I asked her is that a facial expression a person who came to apologize should have?

"We had a bit of a struggle when Jimin unnie asked where the knife was and if she should just kill herself too.

Continue reading below ↓

"But we settled down and sat down to talk."

Ayon pa kay Mina, sinabi sa kanya ni Jimin na hindi nito naaalala ang mga pambu-bully nito sa kanya.

"She said she didn't remember and I continued to talk about all the bullying.

"Of course, I probably wasn't so clear-headed but she kept saying she doesn't remember.

"She claimed that she did such and such things but didn't do such and such things. Of course, I can't remember every single detail but I clearly articulated the things I can remember as we continued to talk."

Binanggit din daw ni Jimin sa kanya na ang pagkakaalam nito ay nagkaayos na sila nang namatay ang ama ng lider ng AOA.

Pero para kay Mina, nagpunta siya libing ng ama ni Jimin upang i-comfort ito at hindi para makipagkasundo.

"Jimin unnie thought we resolved everything on the day of her father's funeral. But it was a funeral so I only went to comfort her.

Continue reading below ↓

"In her perspective, she probably thought things were good since I messaged her on that day and she said sorry without remembering her own actions.

"She could've thought that way, sure.

"But how can eleven years of pain just go away in a day?"

Hindi raw nila napag-usapan sa funeral ang mga pinagdaanan ni Mina.

"How can we talk about such things at a place like that?" sabi ni Mina.

"Of course, I comforted her with all my earnestly. But I returned to my old self after.

"I was so broken so how can I return to normal in one day."

JIMIN APOLOGIZES TO MINA

Sa pag-uusap nila ni Jimin, nang dumalaw ang AOA members sa kanyang bahay, paulit-ulit daw ang paghingi ng sorry nito sa kanya.

At tinanggap naman daw ito ni Mina.

"After listening, Jimin unnie just continued to say 'sorry. I'm sorry.'

"She apologized, either way, and I've decided to accept her apology.

Continue reading below ↓

"She went back home and the members who stayed behind made me promise not to think of doing bad things.

"It ended with me promising to clear my head."

Sabi pa ni Mina tungkol kay Jimin, "I believe our fathers are both watching from heaven.

"I can't write lies so...um, I honestly wondered if Jimin unnie is able to feel even an ounce of guilt because of her facial expression at the beginning.

"Either way, she continued to keep saying she's sorry. Yes, I received an apology. I did hear it...but... I don't know what to say."

Inamin ni Mina na hindi siya sigurado kung taus-puso ang paghingi ng sorry sa kanya ni Jimin.

"Honestly, I wasn't able to see her being ready to earnestly apologize to me.

"It might just be an inferiority complex or maybe I was just so angry with Jimin unnie.

"She could have been earnest so I can't just make my own conclusion."

Continue reading below ↓

Ngayong nailabas na ang matagal niyang dinadamdam, sinabi ni Mina na kakalmahin na niya ang sarili at "put efforts into becoming better while getting treatment."

Pangako pa ni Mina, "I'll make sure there isn't any more commotion.

"I'm very sorry... I will put effort into fixing myself from hereon.

"There are so many people who went through distress because of me...I'm really sorry...I'll admit it."

Sa huli ay sinabi ni Mina na hindi niya maalala ang ginawang apology sa kanya ni Jimin.

Ang tanging naaalala lang daw niya ay ang pagiging "so angry" nito "that I just kept looking at the ceiling."

Ito na raw ang huling beses na magpu-post siya ng tungkol dito.

"I'm broken to the point of no recovery so I can't be fixed right away......but still I should put forth the effort.

"I've decided to...I won't mention anything about this incident any more or write about it...I won't just say things without filtering...

Continue reading below ↓

"I'm not good at writing so I don't remember what I wrote...But I apologize once again."

Samantala, at press time ay wala pang inilalabas na official statement ang FNC Entertainment ng AOA tungkol sa akusasyon ni Mina laban kay Jimin.

May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng anxiety at depression.

Continue reading below ↓

Tumawag sa mga hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 8804-HOPE (4673), sa 0917 558 HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former AOA member Mina (left) on July 3 posts a photo of self-harm scars on her left wrist after revealing that she has been suffering from depression over the past few years. She also accused AOA leader Jimin (right) of bullying.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results