Glee actress Naya Rivera is missing, presumed dead after swimming in South California lake with 4-year-old son

by Jet Hitosis
Jul 9, 2020
American actress-singer and Glee star Naya Rivera posts on Instagram a photo of herself with son Josey Hollis Dorsey (right) hours before they go swimming at Lake Piru in Ventura County, South California on July 8.
PHOTO/S: @nayarivera on Instagram

Iniulat na nawawala at pinaniniwalaang nalunod ang Glee star na si Naya Rivera sa isang South California lake nitong Miyerkules, July 8 (U.S. time).

Sumikat si Naya sa kanyang pagganap bilang cheerleader na si Santana Lopez sa Fox musical comedy-drama series na Glee sa Amerika.

Isa siya sa mga bida sa anim na seasons ng Glee, na umere simula 2009 hanggang 2015.

Miyerkules ng hapon nang napaulat na missing si Naya matapos natagpuang palutang-lutang ang nirentahan niyang pontoon boat sa Lake Piru sa Ventura County, South California.

Mag-isang sakay sa bangka at himbing na natutulog ang apat na taong gulang na anak na lalaki ni Naya, si Josey Hollis Dorsey.

Ayon sa report ng Washington Post, kinumpirma ng Ventura County Sheriff’s Office na ang “possible drowning victim” na iniulat sa Lake Piru ay si Naya.

Sinabi ni Capt. Eric Buschow, tagapagsalita ng Ventura County Sheriff’s Office, na wala silang nakikitang foul play sa insidente.

Continue reading below ↓

Buo ang paniniwala ng mga awtoridad na “case of drowning” ang nangyari.

Natagpuan sa bangka ang purse at iba pang personal na gamit ni Naya.

Naka-park din malapit sa lake ang kotse ng aktres.

Walang nawawala sa loob nito.

SWIMMING WITH JOSEY

Sa pakikipag-usap ng mga awtoridad kay Josey, sinabi ng bata na magkasama silang lumangoy ni Naya.

Pero hindi na raw nakabalik sa bangka ang kanyang ina, ayon sa Washington Post report.

Nakasuot ng life vest si Josey, samantalang natagpuan sa bangka ang isang adult life vest, na pinaniniwalaang kay Naya.

Kaagad na naibalik ang bata sa kanyang mga kamag-anak.

Si Josey ay anak ni Naya sa dating asawa, ang Hollywood actor na si Ryan Dorsey.

Taong 2018 nang nagdiborsiyo sina Naya at Ryan, at may shared custody sila kay Josey.

NAYA POSTS PHOTO WITH SON HOURS BEFORE SHE WENT MISSING

Ilang oras bago ang insidente, nag-post pa si Naya sa Instagram ng picture nila ni Josey.

Continue reading below ↓

Malapitan ang kuha ng litrato, kung saan makikitang masuyong hinahalikan ni Naya ang mukha ng anak.

Caption ni Naya: “just the two of us.”

Nitong Biyernes, July 3, nag-post si Naya na “blessing” ang mabuhay sa araw-araw.

Dapat daw iyon i-appreciate ng tao, gaano man kahirap ang pinagdaraanan sa buhay.

Continue reading below ↓

Pinaalalahanan ni Naya ang kanyang two million Instagram followers na “make the most of today and every day” dahil “tomorrow is not promised.”

CELEBS PRAY FOR NAYA

Kani-kanyang post naman sa social media ang ilang celebrities na umaapela ng dasal na matagpuang buhay at ligtas si Naya.

Nakiusap ng panalangin ang kaibigan ni Naya at kapwa actress-singer na si Demi Lovato sa 87.1 million Instagram followers nito.

Continue reading below ↓

Dasal din ang hinihingi ng dating co-star ni Naya sa Glee na si Heather Morris para makauwi nang ligtas ang dating katrabaho.

Continue reading below ↓

Nag-tweet ng “Praying” ang isa pang former Glee cast member na si Harry Shum, Jr.

Samantalang “GOD… MERCY… PLEASE” ang ipinost ni Iqbal Theba—dati ring Glee star—sa kanyang Instagram Stories.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American actress-singer and Glee star Naya Rivera posts on Instagram a photo of herself with son Josey Hollis Dorsey (right) hours before they go swimming at Lake Piru in Ventura County, South California on July 8.
PHOTO/S: @nayarivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results