Glee actress Naya Rivera found dead in California lake

by Erwin Santiago
Jul 14, 2020
Naya Rivera, best known for her role as Santana Lopez in the hit series Glee, was found dead five days after going missing during a boat ride with her 4-year-old son. She was 33.

Pagkatapos ng limang araw ng paghahanap ay natagpuan na ang katawan ng Glee actress na si Naya Rivera, 33.

Ito ay ayon sa Ventura County Sheriff's Office sa isang press conference nitong Lunes, July 13 (U.S. time).

Isang eksena sa American musical comedy show "Glee" kunsaan nag-alay ng kanta ang character ni Naya Rivera na si Santana Lopez sa kapapanaw pa lang na Glee club co-member nilang si Finn Hudson na ginampanan ng namayapa talaga sa totoong buhay na si Cory Monteith. (VIDEO: YouTube/Hollywood Studio)

Base sa report ng CNN, natagpuan ang bangkay na palutang-lutang sa northeast area ng Lake Piru, sa Southern California. Ang lalim ng tubig sa naturang lugar ay mula 35 hanggang 60 feet.

"Confident" ang mga awtoridad na ang natagpuang bangkay ay kay Naya.

Ayon pa kay Ventura County Sheriff Bill Ayub, walang indikasyon ng foul play o suicide.

Sa pakikipag-usap ng mga awtoridad sa four-year-old son ni Naya na si Josey, nalaman ding iniligtas ng aktres ang buhay ng anak bago ito nalunod.

Continue reading below ↓

"We know from speaking with her son, that he and Naya swam in the lake together at some point during their journey.

"It was during that time that her son described being helped into the boat by Naya, who boosted him onto the deck from behind.

"He told investigators that he looked back and saw her disappear under the surface of the water," sabi ng sheriff.

Pinaniniwalaang nalunod si Naya habang lumalangoy kasama si Josey, anak ng aktres sa dati niyang asawang si Ryan Dorsey.

Continue reading below ↓

Noong July 8, natagpuang mag-isang natutulog ang bata sa pontoon boat na nirentahan ni Naya. Natagpuan din ang isang adult life vest sa bangka, at suot naman ng bata ang isa pang life vest.

Natagpuan sa bangka ang purse at iba pang personal na gamit ni Naya.

Naka-park din malapit sa lake ang kotse ng aktres. Walang nawawala sa loob nito.

Dadalhin ang katawan sa Ventura County Coroner's Office, kung saan kikilalanin ito sa pamamagitan ng dental records.

Dahil limang araw na ang lumipas, nag-decompose na ang katawan nang matagpuan ito.

GLEE CAST MOURNS NAYA'S PASSING

Nakilala si Naya sa kanyang pagganap bilang Santana Lopez sa American TV series na Glee, na umere mula May 2009 hanggang March 2015.

Ilan sa cast members ng show ang nagbahagi sa social media ng kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ni Naya.

Si Chris Colfer, na gumanap bilang Kurt, ay nag-post ng mahabang mensahe sa kanyang Instagram upang magbigay-pugay sa co-star at kaibigan.

Continue reading below ↓

Sabi ni Chris, "How can you convey all your love and respect for someone in one post? How can you summarize a decade of friendship and laughter with words alone?

"If you were friends with Naya Rivera, you simply can’t.

"Her brilliance and humor were unmatched. Her beauty and talent were otherworldly. She spoke truth to power with poise and fearlessness.

"She could turn a bad day into a great day with a single remark. She inspired and uplifted people without even trying.

"Being close to her was both a badge of honor and a suit of armor. Naya was truly one of a kind, and she always will be."

Nagpaabot din ng kanyang pakikiramay si Chris sa pamilya at sa nag-iisang anak ni Naya.

Continue reading below ↓

Ang veteran actress na si Jane Lynch, na gumanap bilang Coach Sue Sylvester sa Glee, ay nag-tweet ng mensahe para sa namayapang co-star.

"Rest sweet, Naya. What a force you were. Love and peace to your family."

Si Naya ang ikatlong cast member ng Glee na pumanaw.

Una ay si Cory Monteith, na gumanap bilang Finn Hudson.

Continue reading below ↓

Natagpuan ang bangkay ni Cory sa kanyang hotel room sa Vancouver, British Columbia, noong July 13, 2013—eksaktong pitong taon mula nang matagpuan ang bangkay ni Naya.

Si Cory ay 31.
Pinaniniwalaang lethal combination ng heroin and alcohol ang ikinamatay ni Cory.

Sumunod na pumanaw si Mark Salling, na gumanap bilang Noah "Puck" Puckerman.

Namatay si Mark noong January 30, 2018 dahil umano sa suicide. Siya ay 35.

Naging karelasyon noon ni Naya si Mark.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naya Rivera, best known for her role as Santana Lopez in the hit series Glee, was found dead five days after going missing during a boat ride with her 4-year-old son. She was 33.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results