Legendary Hollywood actress Olivia de Havilland dies at 104

by Erwin Santiago
Jul 27, 2020
Gone With The Wind actress Olivia de Havilland died peacefully in Paris, France, Sunday, July 26. She was 104.

Pumanaw na ang legendary Hollywood actress na si Olivia de Havilland.

Si De Havilland, isa sa mga natitirang aktres mula sa Golden Age ng Hollywood, ay binawian ng buhay, dahil sa natural causes, sa kanyang tahanan sa Paris, France, nitong Linggo, July 26.

Siya ay 104.

Naglabas ng statement ang dating lawyer ni De Havilland na si Suzelle M. Smith tungkol sa pagpanaw ng aktres: “Last night, the world lost an international treasure, and I lost a dear friend and beloved client. She died peacefully in Paris.”

Si De Havilland ay dalawang beses nanalo ng best actress sa Oscars, para sa To Each His Own (1946) at The Heiress (1949).

Nakilala nang husto ang American-British actress sa kanyang role bilang Melanie Hamilton, sa classic film na Gone With The Wind (1939), kung saan na-nominate siya bilang best supporting actress.

Nakakuha rin siya ng best actress nominations sa Oscars para sa Hold Back The Dawn (1941) at The Snake Pit (1948).

Continue reading below ↓

Ayon sa Variety.com, kilala si De Havilland sa kanyang “sincerity, fragile beauty and beautiful diction, and for bringing dimension to sympathetic characters.”

Sa loob ng 50 taon ay tinawag din siyang “the last surviving star” ng Gone With The Wind, dahil ang co-stars niyang sina Vivien Leigh, Leslie Howard, at Clark Gable ay maagang nagsipagpanaw.

Nakababatang kapatid ni De Havilland ang aktres ding si Joan Fontaine, na pumanaw noong 2013 sa edad na 96.

Kabilang sa mga naugnay romantically kay De Havilland ay ang Hollywood actors na sina Errol Flynn at James Stewart, ang filmmaker at aviator na si Howard Hughes, at ang director na si John Huston.

Dalawang beses siyang ikinasal.

Noong August 1946, pinakasalan ni De Havilland ang journalist at author na si Marcus Goodrich. Pero nauwi ito sa divorce noong 1953.

Nagkaroon sila ng isang anak, si Benjamin Goodrich, na pumanaw noong 1991 sa edad na 42 dahil sa sakit sa puso.

Continue reading below ↓

Noong 1955, pinakasalan ni De Havilland si Pierre Galante, executive editor ng magazine na Paris Match.

Ang pagpapakasal ni De Havilland kay Galante ang dahilan kaya lumipat ang aktres sa Paris, kung saan siya nanirahan nang mahigit na anim na dekada.

Naghiwalay sila noong 1962, pero nanatiling magkasama sa isang bahay sa loob ng anim na taon para palakihin ang kanilang anak na babae.

Naulila ni De Havilland ang kanyang anak na si Gisele Galante Chulak, isang abogado.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gone With The Wind actress Olivia de Havilland died peacefully in Paris, France, Sunday, July 26. She was 104.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results