Song Hye Kyo and Hyun Bin’s agencies deny dating rumors

by Jet Hitosis
Aug 3, 2020
Song Hye Kyo (left) had been divorced from Korean actor Song Joong Ki, while Hyun Bin (right) have been consistently linked with Crash Landing On You co-star Son Ye Jin.
PHOTO/S: @kyo1122, @hyunbin_actor on Instagram

Hindi totoong nagkabalikan ang Korean superstars na sina Song Hye Kyo at Hyun Bin.

Magkasunod na naglabas ng official statements nitong Biyernes, July 31, ang hiwalay na talent agencies nina Hye Kyo, 38, at Bin, 37, upang pabulaanan ang nababalita.

Noong nakaraang linggo, umugong ang balitang nagde-date muli ang ex-lovers.

Kumalat kasi sa iba’t ibang social media platforms—partikular na sa Weibo ng China—ang umano’y litrato ng dalawa habang sabay na ipinapasyal ang kanilang mga aso sa Yangpyeong sa probinsiya ng Gyeonggi.

Ayon sa report ng Singapore digital news provider na Today Online, ang litrato—na kuha nitong June—ay in-upload daw sa Instagram Stories ng stylist ni Bin.

Binura raw ang litrato makalipas ang ilang minuto, pero may netizens na nakapag-screenshot nito.

Kasabay nito, nabalitang may nabiling bahay sa Yangyeong sina Hye Kyo at Bin, at doon daw magkasamang naninirahan ang Korean A-listers.

“DATING RUMORS ARE FALSE”

Nitong Biyernes, iniulat ng Korean entertainment website na Soompi.com ang official statements ng kampo nina Hye Kyo at Bin para itanggi ang tsismis.

Continue reading below ↓

Saad sa pahayag ng agency ni Hye Kyo: “This is not the first time that Chinese media outlets have released random and unfounded news articles. These media outlets often make up things in their own imagination.”

Sabi naman ng agency ni Bin: “The dating rumors that have been spreading in China are false.”

ARE HYE KYO AND BIN BOTH SINGLE?

Isang dekada na ang nakalipas nang magkaroon ng romantic relationship sina Song Hye Kyo at Hyun Bin.

Ito ay matapos nilang gawin ang Korean drama na Worlds Within noong 2008.

Tumagal ng dalawang taon ang relasyon ng dalawa, na nagkahiwalay bago ang military enlistment ni Hyun Bin noong 2011.

October 2017 nang nagpakasal si Hye Kyo sa kanyang Descendants of the Sun co-star na si Song Joong Ki.

Pero makalipas ang dalawang taon, noong June 2019, ay naghain ng diborsiyo ang mag-asawa.

Makaraan ang isang buwan, naging pinal na ang paghihiwalay nina Hye Kyo at Joong Ki nang aprubahan ng korte ang kanilang divorce.

Continue reading below ↓

Samantala, matagal nang iniuugnay si Bin sa Crash Landing On You co-star niyang si Son Ye Jin.

Bagamat hindi namamatay ang issue sa pagitan ng dalawa, hanggang ngayon ay walang kumpirmasyon kung may relasyon nga sina Bin at Son Ye Jin.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Song Hye Kyo (left) had been divorced from Korean actor Song Joong Ki, while Hyun Bin (right) have been consistently linked with Crash Landing On You co-star Son Ye Jin.
PHOTO/S: @kyo1122, @hyunbin_actor on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results