Ellen DeGeneres Show probed for racism, sexual harassment in workplace

by Jet Hitosis
Aug 4, 2020
Singers Charice Pempengco (center) and Arnel Pineda (right) are among the Filipino talents who charmed the global audience of the award-winning The Ellen DeGeneres Show of American TV host Ellen DeGeneres (left).
PHOTO/S: @ellendegeneres_fc on Instagram, Screengrab from YouTube

Napapagitna ngayon sa matinding eskandalo ang sikat na American talk show host na si Ellen DeGeneres.

Ito ay matapos mabunyag kamakailan ang sinasabing toxic workplace culture sa kanyang 17-year-old syndicated TV program na The Ellen DeGeneres Show.

Nagreklamo ng racism, intimidation, at sexual harassment ang ilang kasalukuyan at dating empleyado ng award-winning show ni Ellen.

Walang direktang akusasyon ang mga dating manggagawa laban sa 62-year-old TV host.

Ngunit hindi maiwasang madamay siya sa issue dahil siya ang mukha at pangalan ng programa.

Nangyari pang matapos mabunyag ang reklamo ng mga manggagawa, naglabasan sa social media ang mga negatibong kuwento ng ilang nakatrabaho ni Ellen tungkol sa kanya.

Tweet ng Everybody Loves Raymond actor na si Brad Garrett, mismong si Ellen daw ay pasimuno sa hindi maayos na pagtrato sa mga katrabaho.

Hindi lang daw iisa ang kakilala ni Brad na “treated horribly” ng TV host.

Continue reading below ↓

Tinawag naman ng Back To The Future actress na si Lea Thompson na “True story” ang sinabi ni Brad.

Nag-comment si Lea sa artikulo ng People magazine tungkol sa pagbubulgar ni Brad laban kay Ellen.

Sa report ng Washington Post nitong August 3, naniniwala ang industry observers na totoo man o hindi ang mga personal na ibinibintang kay Ellen, imposibleng hindi makaapekto ang eskandalong bumabalot sa show sa reputasyon at career ng TV host.

Continue reading below ↓

Curious tuloy ang marami kung ano ang reaksiyon ng global audience ng The Ellen DeGeneres Show sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Ellen at ng kanyang programa.

Sa NBC network ng Amerika ipinalalabas ang The Ellen DeGeneres Show tuwing hapon ng weekdays.

PINOY TALENTS ON ELLEN’S STAGE

Malaki ang utang na loob ng ilang Filipino talents sa popular daytime talk series ni Ellen.

Ito kasi ang nagbigay ng pagkakataon sa maraming Pinoy upang makilala sa mundo ang kanilang pambihirang talento.

Kabilang sa mga Pilipinong nag-guest sa The Ellen DeGeneres Show ang singers na sina Charice Pempengco, Arnel Pineda, Rhap Salazar, at Marcelito Pomoy.

Sa katunayan, ang guesting ni Charice sa show noong December 2007 ang naglunsad sa international career ng noon ay 15-year-old singer.

Si Charice—na Jake Zyrus na ngayon, sa edad na 28—ang kauna-unahang Pinoy na nag-guest sa The Ellen DeGeneres Show.

Kasunod ng guesting ni Charice, regular nang nagtatampok si Ellen ng Filipino talents sa kanyang show.

Continue reading below ↓

Taong 2008 nang nag-perform si Arnel sa The Ellen DeGeneres Show bilang frontman ng American rock band na Journey.

Nang sumunod na taong 2009, inawit ng noon ay 12-anyos na si Rhap ang “All By Myself” ni Celine Dion para kay Ellen.

Nag-guest din sa show ang tinaguriang “Random Girl” sa videoke na si Zendee Rose Tenerefe (2012), ang YouTube sensations na sina Aldrich Lloyd Talonding at James Walter Bucong (2013), at ang three-year-old Geography expert na si Noah Ascano (2017).

Taong 2018 naman nang mag-perform para kay Ellen si Marcelito Pomoy, na runner-up sa America’s Got Talent: The Champions ngayong taon.

Si Carl Montecido, ang binatilyong bulag at “Tawag ng Tanghalan” finalist ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, ang huling Pinoy na nag-guest sa The Ellen DeGeneres Show noong February 2020.

“BE KIND” MANTRA “IS ALL FOR SHOW”

Sa nakalipas na halos dalawang dekada, “Be kind to one another” ang naging mantra ng award-winning talk show ni Ellen.

Continue reading below ↓

Pero giit ng ilang dati at kasalukuyang empleyado ng TV program, malayo raw ito sa tunay na work culture ng The Ellen DeGeneres Show.

May mahigit 1,000 staff members ang programa.

Sa report ng BuzzFeed News nitong July 16, sinabi ng mga lumantad na empleyado na may mga insidente ng "racism, fear, intimidation," sa workplace ng daytime series.

“That ‘be kind’ bullsh*t only happens when the cameras are on. It’s all for show.

“I know they give money to people and help them out, but it’s for show,” quoted ng BuzzFeed na sinabi ng isang dating empleyado ng show, na tumangging pangalanan.

HOT STORIES

RACISM, INTIMIDATION, PAY REDUCTION

Sa pagkukuwento sa BuzzFeed ng isang dating empleyado, isang black woman, sinabi niyang ilang beses siyang nakatanggap ng racist comments mula sa hindi niya pinangalanang boss at mga katrabaho.

Ni-reprimand pa raw siya nang humiling ng umento, matapos mag-hire ang show ng bagong empleyado na pareho sa kanya ang trabaho pero doble ang suweldo nito.

Continue reading below ↓

Ang isa pang former employee ng show, sinabi sa BuzzFeed na ginamit niya ang isang buwang medical leave dahil sa suicide attempt.

Pero pagbalik daw niya ay non-existent na ang kanyang posisyon sa kumpanya, hanggang sa tuluyan siyang sinisante.

Sa hiwalay na online report ng industry paper na Variety nitong April 16, nagkaisang inireklamo ng mga empleyado ang kawalan ng paglilinaw ng kumpanya sa kanilang employment status nang magsimula ang pandemic.

Bigla rin daw nagpatupad ng pay reduction ang show, kasabay ng pag-outsource ng technical team para sa production shoots sa loob ng bahay ni Ellen sa California.

Doon pansamantalang nag-taping si Ellen para sa The Ellen DeGeneres Show, sa buong panahon ng pandemic.

SEXUAL HARASSMENT ALLEGATIONS

Sa follow-up report ng BuzzFeed nitong July 30, ibinunyag pa nito na ilang dating empleyado ang nagreklamo ng sexual harassment laban sa producer-headwriter na si Kevin Leman.

Ayon sa mahigit 10 former employees, lantaran umano ang panghihipo at pagbibitaw ng bastos na komento ni Leman sa staff members—babae man o lalaki.

Continue reading below ↓

Kaagad itinanggi ni Leman ang mga alegasyong ito laban sa kanya.

May reklamo rin ng pambabastos at pananakot sa mga babaeng empleyado laban sa executive producer na si Ed Glavin.

Naglabas si Glavin ng joint statement kasama ang dalawa pang executive producers ng show na sina Andy Lassner at Mary Connelly, tungkol sa naunang reklamo ng mga dating empleyado.

Saad sa joint statement: “We are truly heartbroken and sorry to learn that even one person in our production family has had a negative experience.

“It’s not who we are and not who we strive to be, and not the mission Ellen has set for us.”

Inako ng tatlong opisyal ang responsibilidad sa mga reklamo.

“For the record, the day to day responsibility of the Ellen show is completely on us.

“We take all of this very seriously and we realize, as many in the world are learning, that we need to do better, are committed to do better, and we will do better.”

Continue reading below ↓

Ang lahat ng nabanggit na akusasyon ay sinegundahan ng mahigit 30 dating empleyado ng The Ellen DeGeneres Show.

WARNER BROS. LAUNCHES INTERNAL PROBE

Tumangging magbigay ng komento sa issue ang Warner Bros. Television, ang distributor ng show sa NBC.

Sa halip, inatasan nito ang sister company na WarnerMedia, katuwang ang producer ng show na Telepictures, na magsagawa ng masusing internal investigation sa mga reklamo ng mga dati at kasalukuyang empleyado.

Sinimulan ang imbestigasyon nitong July 27.

Pagsapit ng July 29, isinapubliko ni Ellen ang kanyang emotional email para sa staff members ng show.

“DISAPPOINTED” ELLEN SAYS SORRY

Humingi si Ellen ng tawad sa mga empleyadong biktima ng maling pagtrato ng kanyang senior producers.

“Disappointed” daw ang TV host sa naglutangang reklamo mula sa mga kasalukuyan at dating empleyado ng show.

Sa nakalipas daw kasing halos dalawang dekada ay naniwala si Ellen na “place of happiness” ang kanyang TV program.

“On day one of our show, I told everyone in our first meeting that The Ellen DeGeneres Show would be a place of happiness—no one would ever raise their voice, and everyone would be treated with respect.

Continue reading below ↓

“Obviously, something changed, and I am disappointed to learn that this has not been the case.

“And for that, I am sorry.”

Kasabay ng pasasalamat sa lahat ng naitulong ng mga empleyado, inako ni Ellen ang responsibilidad sa mga nangyari.

Sinabi rin niya ang tungkol sa internal investigation na ikinasa ng Warner Bros.

“I could not have the success I’ve had without all of your contributions.

“My name is on the show and everything we do and I take responsibility for that.

“Alongside Warner Bros, we immediately began an internal investigation and we are taking steps, together, to correct the issues.”

“DEEP COMPASSION” FOR THOSE “TREATED UNFAIRLY”

Aminado si Ellen na hindi niya personal na tinutukan ang pamamahala sa show, dahil malaki ang tiwala niya sa kanyang senior producers.

Ngayon daw na-realize ni Ellen ang kanyang pagkakamali, at titiyakin niyang hindi na ito mauulit.

“I’ve not been able to stay on top of everything and relied on others to do their jobs as they knew I’d want them done. Clearly some didn’t.

Continue reading below ↓

“That will now change and I’m committed to ensuring this does not happen again.”

Dahil siya raw mismo ay personal na nakaranas ng panghuhusga, sinabi ni Ellen, “I truly understand and have deep compassion for those being looked at differently, or treated unfairly, not equal, or—worsedisregarded.”

Masakit daw para sa TV host na naranasan iyon ng mga empleyado ng show.

“I promise to do my part in continuing to push myself and everyone around me to learn and grow.

“It’s important to me and to Warner Bros. that everyone who has something to say can speak up and feels safe doing so.”

WOULD THERE STILL BE THE ELLEN DEGENERES SHOW?

Sa latest update, napaulat na magre-resign na umano sa show ni Glavin.

Wala namang balita kung papalitan si Ellen sa talk series, o kung tuluyan nang kakanselahin ang kanyang programa.

Sa isang Twitter comment nitong July 30, pinabulaanan ni Lassner, isa sa executive producers, ang posibilidad na ito.

Continue reading below ↓

Tweet ni Lassner: “Nobody is going off the air.”

At press time, sinabi ng Warner Bros. na tuloy pa rin ang season premiere ng The Ellen DeGeneres Show na itinakda sa September 9.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singers Charice Pempengco (center) and Arnel Pineda (right) are among the Filipino talents who charmed the global audience of the award-winning The Ellen DeGeneres Show of American TV host Ellen DeGeneres (left).
PHOTO/S: @ellendegeneres_fc on Instagram, Screengrab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results