Revolutionary Love star Kang Sora announces marriage to non-celebrity boyfriend

by Jet Hitosis
Aug 18, 2020
Korean actress Kang Sora will tie the knot with her non-celebrity boyfriend in a small and private ceremony after plans for an August 29 wedding had to be cancelled because of the COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: @reveramess_ on Instagram

Ikakasal ang South Korean actress at Revolutionary Love star na si Kang Sora sa kanyang non-celebrity boyfriend bago matapos ang buwang ito.

Mismong ang 30-year-old actress ang nagkumpirma ng "happy news" sa open letter niya sa kanyang fans nitong Lunes, August 17.

Sa report ng top Korean entertainment website na Soompi.com, kung saan translated ang open letter ni Sora, pagpapasalamat sa fans ang ibinungad ng aktres.

“Thanks to the support and love you gave me during the 11 years, I was able to stay strong and come this far,” saad sa letter ni Sora.

“Thanks to all of you who congratulated me and were happier for me than even I was for myself, I felt gratitude that cannot be fully expressed in words.”

Continue reading below ↓

HYUN BIN’S FORMER FLAME

Sa 11-taong career ni Sora, nagbida siya sa maraming hit TV dramas, gaya ng Revolutionary Love noong 2017.

Nakatambal ni Sora sa Revolutionary Love ang Korean actor na si Choi Siwon.

Bida rin si Sora sa iba pang Korean TV series na Warm and Cozy (2015), Misaeng: Incomplete Life (2014), at Doctor Stranger (2014).

Ex-boyfriend ni Sora ang Korean superstar at bida ng Crash Landing On You na si Hyun Bin.

Tumagal ng mahigit isang taon ang kanilang relasyon, na nagsimula noong October 2016 at natapos noong December 2017.

Tatlong taon matapos ang breakup niya kay Hyun Bin, nakatagpo si Sora ng “good person” na gusto niyang makasama habambuhay.

Ipinagmalaki ito ni Sora sa kanyang Bling Bling—tawag sa kanyang fan site.

Gayunman, hindi pinangalanan ng aktres ang kanyang non-celebrity boyfriend.

LOOKING FORWARD TO “A HAPPY MARRIED LIFE”

Pagbabalita ni Sora sa kanyang fans: “I, Kang Sora, who a lot of you at Bling Bling have considered their younger sister, friend, or older sister, am getting married in late August.

Continue reading below ↓

“I found a good person that I want to spend the rest of my life with, so I am sharing this good news with you through this letter.”

Nangako si Sora na magiging masaya sa kanyang buhay may-asawa, habang patuloy na magpapakahusay bilang aktres.

“I will work hard to show a happy married life and many more sides as an actress so that I can return [what I’ve received] to all of you who believe in and support me.”

Continue reading below ↓

INTIMATE WEDDING FOR SORA

Sa official statement na inilabas ng Plum Actors, ang talent management agency ni Sora, nagbigay ito ng detalye tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng aktres.

Gaya ni Sora, hindi rin pinangalanan ng agency ang “older, non-celebrity boyfriend” ng aktres.

August 29 daw ang original na wedding date ni Sora at ng nobyo nito, pero kinailangan itong kanselahin.

“The wedding was originally scheduled for August 29, but the ceremony has been canceled due to the COVID-19 situation worsening again,” saad sa pahayag ng Plum Actors.

“The ceremony will be replaced by a small gathering between the couple and their direct families.”

Dahil “all details will be kept private,” hindi binanggit ng agency ang bagong wedding date ni Sora at ng kanyang groom.

Noong March 18, 2020, ipalalabas sana sa Pilipinas ang isa sa latest movies ni Sora, ang drama-comedy na Secret Zoo.

Continue reading below ↓

Pero hindi ito natuloy dahil sa COVID-19 pandemic.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean actress Kang Sora will tie the knot with her non-celebrity boyfriend in a small and private ceremony after plans for an August 29 wedding had to be cancelled because of the COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: @reveramess_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results