Black Panther star Chadwick Boseman dies at 43

by Erwin Santiago
Aug 29, 2020
Actor Chadwick Boseman, who played Black Panther in Marvel movies, died Friday of cancer at his home in Los Angeles, California. He was 43.

Patay na ang bida ng blockbuster movie na Black Panther na si Chadwick Boseman.

Pumanaw si Boseman sa kanyang tahanan sa Los Angeles, California, nitong Biyernes, August 28 (U.S. time), dahil sa colon cancer.

Siya ay 43 anyos.

Ang malungkot na balitang ito ay kinumpirma ng publicist ni Boseman na si Nicki Floravante sa The Associated Press.

Na-diagnose na may colon cancer si Boseman noong 2016, ayon sa kanyang pamilya.

"A true fighter, Chadwick persevered through it all, and brought you many of the films you have come to love so much," sabi ng pamilya ng Hollywood actor sa isang statement.

"From Marshall to Da 5 Bloods, August Wilson's Ma Rainey's Black Bottom and several more — all were filmed during and between countless surgeries and chemotherapy.

"It was the honour of his career to bring King T'Challa to life in Black Panther."

Nagsimula ang acting career ni Boseman noong 2003 sa pamamagitan ng isang role sa TV series na Third Watch. Lumabas din siya sa ilang episodes ng mga award-winning drama series na Law & Order, CSI: NY, at E.R.

Continue reading below ↓

Ang una niyang pelikula ay ang The Express: The Ernie Davis Story noong 2008.

Pero ang kanyang unang starring role sa pelikula ay sa 42 (2013), kung saan ginampanan niya ang basketball pioneer na si Jackie Robinson.

Ang iba pa niyang mga pelikula ay ang The Kill Hole (2013), Draft Day (2014), Get On Up (2014), at Gods of Egypt (2016).

Ngunit walang duda na ang nagpakilala sa kanya sa buong mundo ay ang kanyang pagganap bilang Marvel superhero Black Panther.

Una siyang lumabas bilang T'Challa/Black Panther sa Captain America: Civil War noong 2016.

Noong 2018 ay tinampukan niya ang Black Panther, na isa sa highest-grossing fims sa buong mundo.

Lumabas din siya bilang Black Panther sa Marvel movies na Avengers: Infinity War (2018) at Avengers: End Game (2019).

May Part 2 din dapat ang Black Panther na ipalalabas sa 2022.

Ngayong 2020 ay napanood si Boseman sa Netflix movie na Da 5 Bloods.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Chadwick Boseman, who played Black Panther in Marvel movies, died Friday of cancer at his home in Los Angeles, California. He was 43.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results