Dwayne “The Rock” Johnson new house rule after his entire family contracted COVID-19: Get swab test first

by Jet Hitosis
Sep 3, 2020
Dwayne Johnson
In an Instagram video on September 2, Hollywood superstar Dwayne "The Rock" Johnson says he and his wife Lauren Hashian, and their daughters, aged 4 and 2, had contracted COVID-19: "We are on the other end of it. We are no longer contagious."
PHOTO/S: @therock on Instagram

Nagpositibo sa COVID-19 ang Hollywood superstar na si Dwayne “The Rock” Johnson.

Pero nilinaw ng 48-year-old American-Canadian actor na magaling na siya sa coronavirus—na tumama rin daw sa asawa niyang si Lauren Hashian, 35, at sa mga anak nilang sina Jazzy, 4, at Tia, 2.

Si Dwayne mismo ang nag-anunsiyo nito sa kanyang latest Instagram video nitong Miyerkules ng gabi, September 2 (Huwebes, September 3 sa Pilipinas).

“My number one priority is always to protect my family, protect my children,” sabi ni Dwayne, na nakabase sa Los Angeles, California.

“I wish it was only me who tested positive, but it wasn't, it was my entire family.”

“WE ARE NO LONGER CONTAGIOUS”

Ayon kay Dwayne, nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang buong pamilya tatlong linggo na ang nakalipas.

Istrikto raw silang nag-quarantine at nagpagaling, hanggang sa mapagtagumpayan nila ang coronavirus.

“But I am happy to tell you guys that we as a family are good. We are on the other end of it. We are on the other side. We are no longer contagious.

Continue reading below ↓

“And we are—thank God—we are healthy,” dagdag ng Hollywood actor.

HOT STORIES

“ONE OF THE MOST CHALLENGING” FOR DWAYNE’S FAMILY

Kuwento ni Dwayne, mabuti na lang at mild symptoms lang ang naramdaman ng kanyang mga anak.

Pero ibang klaseng karanasan daw ang pagkakaroon ng COVID-19 para sa kanila ni Lauren.

Sa panig ni Dwayne, sinabi niyang hindi maikukumpara ang pagpopositibo niya sa coronavirus sa napakaraming hamon sa buhay na napagdaanan na niya.

Continue reading below ↓

“I can tell you that this has been one of the most challenging and difficult things we have ever had to endure as a family,” pag-amin ni Dwayne.

“And for me personally, too, as well, and I've gone through some doozies in the past.

“I've gotten knocked about and gotten my ass kicked a little bit in the past with some challenges, but testing positive for COVID-19 is much different than overcoming nasty injuries or being evicted or even being broke, which I have been more than a few times.”

Paliwanag ni Dwayne, ito ay dahil ang prayoridad niya sa buhay ay ang maproteksiyunan ang pamilya niya sa anumang kapahamakan, lalo na ang kanyang mga anak.

Pero dahil sa nangyari, bigo siyang maiiwas sa coronavirus ang kanyang maliliit pang anak.

“The reason why I feel this is different is because my number one priority is to always protect my family and protect my children, my loved ones,” sabi ng Hollywood actor.

Continue reading below ↓

DWAYNE TELLS FANS TO PROTECT AGAINST COVID-19

Kilalang health and fitness buff, naniniwala si Dwayne na nakuha nila ang virus mula sa malalapit na kaibigang bumisita sa kanilang bahay.

Kaya naman pinayuhan ni Dwayne ang kanyang 196 million Instagram followers na magdoble-ingat sa kalusugan, sa pakikisalamuha sa iba, at sa paglabas-labas ng bahay ngayong may COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

Ayon kay Dwayne, mahalagang palakasin ang immune system, magsuot ng mask tuwing lalabas ng bahay, at kung maaari ay huwag tumanggap ng bisita nang hindi muna ito sumasailalim sa COVID-19 test.

Inamin ni Dwayne na ang huling nabanggit niya—ang pagpapa-swab test muna ng sinumang bibisita sa kanyang pamilya—ang bago niyang house rule ngayon, matapos maka-survive sa COVID-19 ang kanyang buong pamilya.

Bukod kina Jazzy at Tia, may 19-year-old daughter din si Dwayne, si Simone, sa una niyang asawang si Dany Garcia.

THE ROCK: HOLLYWOOD SUPERSTAR

Football player ang kauna-unahang career ni Dwayne, na mas kilala bilang “The Rock.”

The Rock ang ring name ni Dwayne noong aktibo pa siya bilang professional wrestler.

Bumilang ng walong taon ang wrestling career ni Dwayne bago siya sumabak sa paggawa ng pelikula.

Sa Hollywood movie na The Scorpion King (2002) unang nagbida si Dwayne, at nagtuluy-tuloy na ang paggawa niya ng blockbuster films.

Bida rin siya sa The Game Plan (2007), Hercules (2014), Rampage (2018), Skyscraper (2018), at sa Fast & Furious at Jumanji films.

Continue reading below ↓

Taong 2016 nang ipinalabas ang Disney animated film na Moana, kung saan si Dwayne ang nagboses sa Polynesian demigod na si Maui.

Noong nakaraang taon, pinangunahan ni Dwayne ang World’s 10 Highest-Paid Actors’ list ng Forbes Magazine, sa kinita niyang $89.4 million (PHP4.3 billion).

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram video on September 2, Hollywood superstar Dwayne "The Rock" Johnson says he and his wife Lauren Hashian, and their daughters, aged 4 and 2, had contracted COVID-19: "We are on the other end of it. We are no longer contagious."
PHOTO/S: @therock on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results