Robert Pattinson reportedly tests positive for COVID-19; halts The Batman production

by Jet Hitosis
Sep 4, 2020
Robert Pattinson
British actor Robert Pattinson stars in the much awaited The Batman movie. In a statement on September 3, Warner Bros. confirms that filming was “temporarily paused” and that “a member of ‘The Batman’ production has tested positive for Covid-19." The film studio, however, refuses to comment about whether or not Pattinson has contracted the coronavirus.
PHOTO/S: @robertpattinsonofficial on Instagram

Napaulat na nagpositibo sa COVID-19 ang bida sa pinakaaabangang The Batman movie na si Robert Pattinson.

Dahil dito, muling nahinto ang produksiyon ng pelikula, na ilang araw pa lang nakakapagbalik-shooting sa labas ng London.

Sa isang official statement nitong Huwebes, September 3, kinumpirma ng Warner Bros. film company na natigil uli ang produksiyon ng The Batman.

Nagpositibo raw kasi sa COVID-19 ang isang “member” ng produksiyon, pero hindi ito pinangalanan.

“A member of The Batman production has tested positive for Covid-19, and is isolating in accordance with established protocols. Filming is temporarily paused,” saad sa pahayag ng Warner Bros.

Tumanggi ang Warner Bros. na magbigay ng iba pang detalye bukod sa nasa statement, ayon sa report ng New York Times.

ROBERT’S CAMP HAS YET TO CONFIRM, DENY REPORT

Pero sa ulat ng American pop culture magazine na Vanity Fair, kinumpirma ng isang “highly placed source” nito na ang bidang si Robert, 34, ang nagpositibo sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Ang source ay kasama rin daw sa film production ng The Batman.

Hindi naman nag-respond ang kampo ng British actor nang hingan ng komento tungkol sa issue, ayon sa Vanity Fair.

Iniulat ng iba pang news at entertainment websites ang report na ito ng Vanity Fair. Pero at press time, wala pa ring inilalabas na pahayag ang kampo ni Robert para kumpirmahin o itanggi ang balita.

Sumikat si Robert nang magbida sa limang film adaptation ng Twilight novels ng American author na si Stephenie Meyer noong 2008 hanggang 2012.

Isa rin si Robert sa bida sa spy film na Tenet, na palabas ngayon sa mga sinehan sa United Kingdom at Amerika. Idinirek ito ng The Dark Knight trilogy filmmaker na si Christopher Nolan.

THE BATMAN SET FOR OCTOBER 2021 RELEASE

Ang Planet of the Apes filmmaker na si Matt Reeves ang direktor ng The Batman.

Ayon sa media reports, malaking bahagi na ng pelikula ang natapos ng grupo ni Matt nang matigil ang produksiyon noong March 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, nitong August ay isinapubliko na ng Warner Bros. ang unang two-minute trailer ng pelikula.

September lang nag-resume ang shooting, pero ngayon nga ay kinailangang ihinto muli ito.

Hanggang katapusan ng December 2020 ang deadline sa filming ng The Batman, na ipalalabas sa October 1, 2021, ayon sa American entertainment website na Variety.

Tampok sa The Batman ang pagsisimula ng pagiging vigilante ni Bruce Wayne (Robert), na sinisikap resolbahin ang karumal-dumal na serial killings sa Gotham City.

Mapapanood din sa pelikula sina Paul Dano (The Riddler), Zoë Kravitz (Selina Kyle/Catwoman), Colin Farrell (Oswald Cobblepot/The Penguin), Jeffrey Wright (Commissioner James Gordon), Andy Serkis (Alfred), at John Turturro (Carmine Falcone).

CELEBRITIES CONTRACTING COVID-19

Napaulat ang pagpopositibo ni Robert sa COVID-19 isang araw makaraang ibunyag ng Hollywood A-lister na si Dwayne “The Rock” Johnson na tinamaan ng coronavirus ang kanyang pamilya.

Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, sinabi ni Dwayne, 48, na makalipas ang tatlong linggong gamutan at isolation ay magaling na siya sa COVID, gayundin ang asawa niyang si Lauren Hashian at ang dalawa nilang anak na babae, edad 4 at 2.

Continue reading below ↓

Nauna na ring gumaling sa COVID-19 ang Hollywood heavyweight na si Tom Hanks at asawa niyang si Rita Wilson, ang British actor na si Idris Elba, ang Game of Thrones actor na si Kristofer Hivyu, at ang former James Bond girl na si Olga Kurylenko.

Nagpositibo rin noon sa COVID-19 ang American singer na si Pink, ang director-actor ng Breaking Bad TV series na si Bryan Cranston, ang opera singers na sina Angela Bocelli at Placido Domingo, at ang Bollywood legend na si Amitabh Bachchan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
British actor Robert Pattinson stars in the much awaited The Batman movie. In a statement on September 3, Warner Bros. confirms that filming was “temporarily paused” and that “a member of ‘The Batman’ production has tested positive for Covid-19." The film studio, however, refuses to comment about whether or not Pattinson has contracted the coronavirus.
PHOTO/S: @robertpattinsonofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results